"Salamat " – kiming wika niya na lalong nakadaragdag sa magandang karakter niya.

"order na ba tayo?", hindi ko kung kaibigan ko ba tong si Jacob! tignan mo tong lalaking to, naabala pa kami sa pagtitinginan namin ni Anya, ano suntukin ko na kaya to? biro lang!

"Vi, pwede bang malaman buong pangalan mo? Kasi matagal nadin tayong magkakilala pero hindi ko pa din alam buo mong pangalan ", bakas sa mukha ni Vi na nagulat ito, isa pa si Jacob ang nagtanong mabuti pa sa harapan ni Jacob tila maamong tupa si Vi , sa tanong ni Jacob kahit ako naging interesado dahil hindi ko din kasi alam ang tunay na pangalan ni Vi,

"Victorique de Blois ang tunay kong pangalan, hindi ko pa pala naipakilala ng pormal ang sarili ko sainyo.", si Vi na tila hindi komportableng sabihin ang buong pangalan nito.

"ang ganda naman pala ng pangalan mo " nakangiting sabi ni Jacob na tila naghatid ng saya kay Vi dahil nangiti ito at namula ang magkabilang pisngi,

"wa...wala naman kasing nagtatanong ", pagkasabi niyon ay inirapan niya kami ngunit alam ko na paraan niya lang iyon para huwag mabigyang pansin ang pamumula ng mukha nito. "pasensiya na", at tumawa si Jacob, pagkatapos namin kumain ay agad ding umalis si Jacob dahil meron sa kanilang pinapagawang misyon si Ms. Kuroyukihime

Te...Teka A...Anya! m..may gagawin ka ba sa dadating na sabado? Kung wala kang gagawin, pwede ba kitang maayang lumabas?", hindi ko alam kung paano ko to nasabi pero mabuti na din siguro na nasabi ko sakanya matagal kong inipon ang ganitong kalse ng lakas ng loob .

"wala naman akong gagawin, sige, kita tayo dito sa sabado", nakangiting sagot ni Anya sakin " sagot niya sa sobra kong tuwa ay napatayo ako, "salamat Anya!", halos maluha ako sa tuwa ng pumayag siya sa alok ko, "ito na ang umpisa ng katuparan ng mga pangarap ko sa buhay!! yes !!

a..ayos ka lang ba Kyon?", halatang nagulat si Anya sa reaksyon ko sa pagpayag niya alanganin ang ekspresyon niya para siyang matatawa na nawiwirduhan sa akin .

"Oo ayos lang yan, mababa lang talaga ang luha ng lokong yan", sabay tawa ni Vi na halatang nangaasar pero wala akong pakialam sa pang-aasar nya dahil tila lumulutang ako sa sobrang saya ng pakiramdam ko,

"paalam na ginoong Kyon, kita na lang tayo sa sabado ah", tapos ay ngumiti siya na para bang isang anghel na bumaba sa lupa at umalis na tuluyan sina Jacob

"buti nagkaroon ka ng lakas ng loob para ayain si Anya", sabay tapik ni Vi sa balikat ko.

Ako pa ba ? " turo ko sa sarili ko kalakip ang malaking ngiti sa labi ko , ang saya-saya ko talaga !

Hinatid ko si Vi sa kaniyang bahay habang nag-uusap kami tungkol sa lihim na pagtingin namin sa dalawa at nagbigayan pa kami ng payo sa isa't-isa kung paano naming mapapahulog ang loob ng mga ito samin,

"baka gusto mo pang pumasok muna Kyon?", si Vi na tila hindi naman talaga ako gusting papasukin .

"hindi na siguro, gabi na eh", nakakatakot pumasok sa loob ng bahay ni Vi at baka ano pang gawin niya sakin .

"oo nga pala Vi, bagay sayo ang suot mo ngayon", nagulat si Vi sa sinabi ko pero mas nagulat ako sa reaksyon niya at kaniyang sinabi, "buti napansin mo, salamat Kyon", sabay ngiti, sa totoo lang akala ko ay bubugbugin niya ako sa sinabi ko pero mali ang akala ko, ano kaya kung si Vi katulad ni Anya kumilos siguro may posibilidad na siya ang nagustuhan ko? hindi ! busog naman ako pero bakit tila nalilipasan ako, si Vi at Anya ay magkaiba at imposibleng maging katulad ni Anya si Vi kung ihahalintulad sa hayop ay isang tupa si Anya samantala si Vi ay isang Leon na tila laging mananakmal.

Dumating na ang araw na aking pinakahihintay, ilang gabi akong halos di matulog ng maayos dahil sa sobrang excitement na nadarama pero may hindi inaasahang balita akong natanggap galing kay Anya, "pasensya na Kyon pero pwede ba nating gawin sa susunod na araw ang ating paglabas? Binigyan kasi kami ng misyon, pasensya na talaga ah", wala naman akong magawa sa nangyari kaya pumayag na lang ako , bagsak ang mga balikat ko sa pagka purnada ng date sana naming ni Anya ngunit sabi naman nito ay sa susunod na araw kaya hintay na lang hanggang sa matuloy .

Weapon Weilders ~~ <3Where stories live. Discover now