Nanay is calling...

Agad ko itong ini accept.

"Yes nay?" Sabi ko.

"Anak pasensya kana alam kong kakapadala mo lang last week pero kailangan na talaga namin eh, ang kapatid mo kasi nadengue nasa hospital kami ngayon."

"Ano?! Saan yan nay?"

Agad akong pumunta sa hospital. Dalawa lang kaming magkapatod, her name is Eloizabeth. Hindi kami kambal pero mas gusto ni nanay na magkalapit lang ang pangalan namin. My father was passed away after manganak ni nanay sa bunsong kapatid ko. He have a heart attack sa bahay habang kumukuha ng gamit noon para kay nanay na nasa hospital.

"Nay!" Sigaw ko nasa isang public hospital lang sila kaya napatingin saakin ang mga kasama niya sa room. Agad kong niyakap si nanay.

"Kamusta na raw po siya?" Natutulog ngayon ang kapatid ko at namayat din siya at sobrang putla ng labi.

"Kailangan niya daw masalinan ng dugo nak. Ngunit type B ang kapatid mo at type A naman tayo pareho. Naghahanap na raw sila ng blood donor pero anak malaki pa rin ang kailangan na pera natin. Dumating na ang bill ng kuryente at nextweek na ang sa tubig. Saka ang tuition fee ng kapatid mo." Nanlulimbay na sabi mi nanay.

"Hayaan niya nay ako ng bahala sa lahat. Saglit lang at gagawa ako ng paraan."

Nasa parking area ako ng hospital.

Dinial ko na ang number ni Ariah, kailangan ko ng tiisin ang dignidad ko para sa pamilya ko.

"Ariah pumapayag na ako sa work na sinasabi mo pero.. pwede ba akong makahingi ng advance? Nasa hospital kasi ang kapatid ko."

"What?! Sure magkano ba ang kailangan mo? Saka saan yan susunod ako."

"Salamat Ariah kahit sana 10k kung okay lang sayo." Napalunok ako. Ngayon ko lang magagawa na mangutang sa buong buhay ko.

"Wag kang mag-aalala pupunta na ako diyan dala yung pera okay? Just text me the address. I'll be there within 30 mins."

—-

"Salamat hija hulog ka ng langit." Sabi ng nanay ko at hawak ang kamay ni Ariah. Nabayaran na ni Ariah ang bills sa hospital at nagdonate siya ng dugo sa kapatid ko dahil type B pala siya.

"Wala po yun, alam niyo naman pong parang kapatid ko na si Eliz." Tumingin ito saakin at nginitian ko siya.

"Salamat talaga ha ate.." sabi ni Eloiza, nagising siya kanina at hindi pa nakakatylog after masalinan ng dugo.

"Your welcome basta magpapagaling la ha? Promise me"

"Promise po." Napangiti ako, sobrang saya ko dahil alam kong bubuti na ang lagay niya.

"Ma una na kami ha? Babalik nalang po ko dito bukas."

"Oo sige anak mag-iingat kayo, salamat ulit ne"

Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Ariah.

"Salamat talaga Ariah wag kang mag-alala pagtatrabahuhan ko yun ng mabuti." Umiling ito.

"Wala iyon, isipin mo nalang advance birthday gift ko nalang."

"Tanda mo pa ang birthday ko?" Takang tanong ko kahit pala magkalayo kami eh, tanda pa rin niya.

"Oo naman no! October 31 right?" Tumango ako. Nakita ko na papunta kami sa condo ko.

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

"Tinanong ko kay Jhake kasi sa company ka nola nagwowork dati diba so ayun. Saka nga pala ilagay mo nalang sa backseat yung mga gamit mo para madala na natin sa bahay. Bigla akong kinabahan.

Titira ako sakanila. It means araw araw ko siyang makikita.. pero para sa pamilya ko titiisin ko.

—-

"This is your room Eliz, pinaayos ko na yan kanina kay Jhake. May tiglinis naman kami ng bahay pero tuwing saturday siya napunta kaya wag ka na maglilinis ha?" Tumango ako.

"Ah Ariah salamat ulit bukas magsstart na ako ng work sayo."

"Okay! Ito ang iPad nandyan na dapat lahat ng malaman mo. Aralin mo nalang ha?" Tumango ako at umalis na siya. Magkaibang company ang work nila ni Jhake pero for sure once na maikasal na sila magmemerge ito into one big company.

Hindi ko pala naitanong kung anong oras ang alis namin bukas. Tumayo ako at binuksan ang pinto ngunit saktong pagdaan ni.. Jhake.

Nakatapos lang ito. Napatingin siya saakin. Agad kong sinara ang pinto.

Halos hindi ako makahinga sa bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

Nahawakan ko ang balat ko.

His body still have affect my whole body..

Why Jhake?

***

VOTE. COMMENT. FOLLOW.
~gyumybby

His Pleasure (SPG)Where stories live. Discover now