Chapter 2

546 2 0
                                    


"Elizabeth pinapatawag ka ng supervisor natin." Malungkot na sabi ni Laiza saakin, mukhang alam ko na ang gustong sabihin saakin ni Mr. Campo.

"Pinatawag ninyo daw po ko?" Tumango ito. Hindi na ako kinakabahan dahil expected ko na ito.

"Masyado ka ng wala sa sarili this past few weeks Ms. Mercado at alam mo sa sarili mo na napapabayaan mo na ang work mo and as your supervisor hindi naman ppwedeng ganon lang.." huminga ito ng malalim sabay sabi "I think you need a rest."

"S-sige po salamat." Umalis na agad ako sa office niya at kumuha ng box para mailagay lahat ng gamit ko. Napakatanga ko dahil na naman sa lalaking yun nagkaganto ako! Ayoko na siyang mahalin! After ng kasal nila that's it hinding hindi ko na siya dapat pang makita.

"Hays paano yan girl? Paano na ang family mo? Saan ka titira?" Laiza said. Simula nung magresign ako as a secretary of my stupid ex eh, nag-apply ako sa company pa din nila. Sayang kasi yung offer nila na sagot na nila ang bayad sa condo na pwede kong tirhan pero dahil sa nangyari ngayon I think I only have three days para makahanap ng trabaho at ng matitirihan.

"Bahala na maghahanap na lang agad ako ng trabaho." Nakita ko yung picture frame namin ni Jhake. Hanggang ngayon nandun pa din yun hindi ko inaalis. Napailing ako at niligay na lang yun sa box. Itatapon ko din to mamaya. Ayoko ng maalala pa siya.

"Sorry friend ha? Hindi kita mapapatuloy sa condo ko eh, alam mo ang policy dito sa work. Bawal magpatira ng iba bukod sa kamag-anak mo." Tumango ako at nagpaalam na sakanya. 3:56 pm pa lang. magbabakasali ako na may makitang work sa labas ngunit bago pa ko makahakbang sa elevator ay nakita ko na sila.

"Eliz!" Sigaw nito at niyakap ako na kala mo ngayon lang kami nagkita.

"Saan ka pupunta?" Nakatingin ito sa kahon na hawak ko.

"I got fired." Simpleng sabi ko at nalungkot ang mukha nito.

"Mauuna na ako ha? Maghahanap din ako ng trabaho ngayon at mg matitirahan." Tumango ako pero bago pa ko makaalis ay nagsalita ulit si Ariah.

"I have a job for you!" Nilingon ko ito at binigyan siya ng tingin kung ano bang ibig niyang sabihin.

Hinawakan nito ang kamay ko.

"Be my fiancee secretary." Halos mabitawan ko ang kahon na hawak ko sa sinabi niya.

"Babe I have my own secretary at hindi ko siya pwedeng alisin basta basta." Tila nag-isip ulit si Ariah.

"I know na! Then be my secretary! Wala pa kong secretary eh."

"Pero.." sabi ko nagshh sign ito "Ako ng bahala sayo, saka titirahan? No problem. Pwedeng saamin ka muna habang naghahanap ka ng work mo."

"WHAT?!" Sabay naming sabi ni Jhake at nagkatinginan. There is no freaking way na titira ako kasama sila! Nangako na ako sa sarili ko na never ever ko ulit sila makakasama or makita after their wedding!

"Sorry Ariah pero hindi ko matatanggap." Inalis ko na ang kamay niya at pumunta na sa elevator.

—-

It's been two days at wala pa rin akong makitang pwedeng magibg trabaho, halos lahat ay walang available! At last day ko na ngayon sa condo na to! I already pack my things and tomorrow morning aalis na ako kaya ang dapat ko ngayong hanapin muna ay apartment yung super mura lang.

May pera pa naman ako sa account ko at ppwede pa yung malast up to a week. Hays. Bwisit na Jhake! Hiwalay na nga kami pero grabe pa rin epekto niya sa buhay ko!

Nilagay ko na sa pocket ko ang wallet and my cellphone. Maglalakad lakad ako sa labas baka may makita akong apartment for rent.

Nasa kalaigitnaan na ako ng paghahanap ko na magring ang phone ko.

His Pleasure (SPG)Where stories live. Discover now