Halika, bibigyan kita ng limang rason bakit sa'yo ako
Una, binigyan mo ng liwanag ng madilim kong mundo
Hindi ko inaasahan na ikaw ang makakapuno sa malumbay na espasyo
Ikaw pala ang magpapabango sa pangalan ng mga taong nanakit sa puso
Pangalawa, naglaan ka ng saya sa mapait na nadarama ko
Biruin mo sa daming nagtangka ikaw lang yung nakakuha ng punto
Sa dinami-rami ng mga tao sa mundo
Ikaw lang pala ang kulang sa aking pagkatao
Pangatlo, ginawa mong positibo ang lahat ng iniisip kong negatibo
Kahit yung sunog na pinrito mapasasarap mo
Kahit yung sirang lalagyan nagawan mo ng gamit pang-alternatibo
Ibang klase ka, walang makahihigit sayo
Pang-apat, tinuruan mo magtiwala ulit ang pusong sinarado
Sa isang relasyong alam kong magkakaroon ng puno't dulo
Ngunit sa isang tulad mo nakita ko ang halaga ng pagkakaroon ng isa pang pagkakataon na magtiwala ang isang tao
Kahit sobrang grabe na ng nangyare sa nakaraan nito
Panglima't panghuli, hindi ka kasi bumitaw nung nawalan na ng paki lahat ng tao sa paligid ko
Kahit yung sarili ko sinusukuan na ako
Andyan ka pa rin para saluhin lahat ng luha at pananakit ko
Kahit alam mong hindi mo naman dapat nararasan ito
Bakit ka nagtiis?
Bakit hindi ka umalis?
Ganun kita nakilatis
Kaya napagtanto kong ikaw nga ang nais
YOU ARE READING
Touch Of Love
PoetryMga tulang magpapahiwatig, magpapasabik, at magpapalungkot sa inyo sa larangan ng pag-ibig