Bitag

17.5K 56 13
                                    

Ayaw kong mahalin ka

Kasi alam kong masasaktan lang ako

Pero ang lupit ng tadhana

Nalaman ko na lang bigla, nahulog na pala ako sa bitag na ginawa mo

**

Sa sobrang kulit mo,

Ito'y naging dahilan para mahulog ako

Sinubukan ko ng umiwas sayo

Pero nagulat ako, bigla ka na lang nagparamdam ulit at sinuyo ako

***

Naiisip kita, bawat segundong dumadaan

Namimiss kita, bawat pag galaw ng kamay sa orasan

Hindi ko nga lang masabi sayo,

Kasi una pa lang hindi ko alam kung anong magiging reaksyon mo

****

Walang tayo, pero merong ikaw at ako

Na nagiging dahilan para ako'y umasa sayo

Alam ko hindi naman kasalanan ang magmahal

Pero ayokong maramdaman dahil ayokong nang ulit masaktan

*****

Pero ito ang iyong tatandaan,

Mahal na kita at hindi ko na iyon maiiwasan.

Touch Of LoveWhere stories live. Discover now