10. FAMILY AFFAIR

1.9K 52 0
                                    

[Irish]

Nagising akong wala si Jeremy sa tabi ko, agad kong sinuot ang roba ko at lumabas. Nakita ko siyang nagluluto kasama ang tatlo niyang assistant. Masaya silang nagtatawanan, hindi nila alam na kanina ko pa sila pinagmamasdan. Kitang kita ko ang paghalik ni JM sa tatay niya at ang pagyakap ni Jacob kay Jeremy, habang si Jereh naman nilagyan ng harina ang mukha ng tatay niya. At nagtawanan sila. Naglulundag ang puso ko sa tuwa, pati ang tiyan ko ay gumalaw. Jeremy is a warm loving person, he needs to know the truth, but i dont know how to explain.

"Good morning mommy!" Kaway ni Jacob sa akin.

"Hi, Mom. You see? I'm a chef now!"-JM.

"I don't know how to cook!" Malungkot sa sabi ni Jereh, "But i loved to eat!"

"Good morning beautiful?" Nakangiti na sabi ni Jeremy, nilapitan ko siya at niyakap.

"You're so handsome. And I'm tempted to bite your abs right now." Bulong ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Naughty, huh? I love biting you, too!"

"Hmmm.... I love that!"

"What's the whispering about?" Tanong ni Jereh.

"It's for the big people Jer, just ignore them," natawa kami ni Jeremy para talagang matanda si JM.

"Me, hungry!"

Reklamo ni Jacob na pagdating sa pagkain ay matakaw. Nauwi sa isang magandang morning ang agahan namin. We swam in the pool too. Kahit malaki na ang tummy ko i still wear 2 piece, hindi na nga naligo si Jacob kasi panay hawak sa umbok kong tummy.

"Mama, I want a sister!"

"Me too!" Segunda ni JM

"Ohh I'm gonna be a protective kuya" sagbat ni Jereh.

"Mama, wag munang hanapin ang papa namin, we have daddy Jeremy here," nakatitig lang ako kay Jeremy, ngumiti siya sa akin, lumapit siya and he give a kiss to my tummy.

"I will be your princess, Daddy, too. Just say you'll marry me." Na iyak akong tumango sa kanya and he hugged me. "I love you, Rish! Thank you!"

"Yeheyyy...."

Sigaw ng tatlo na masayang masaya.

Aaminin ko na sayo ang lahat Jem, bago tayo i kasal, gusto ko walang ilihim sayo!

Later that night inimbita kami ni Pearl sa mansion ng mga Soriano, Welcome Party di umano sa nanay nito. Bigla ko tuloy na isip ang nanay ko, gusto kong maiyak kasi nandun parin ang latay ng kahapon, masakit parin kahit ilang taon na ang nagdaan.

"Nay, mapapatawad pa ba kita? Magiging masaya ba tayo gaya ni Pearl at ng nanay niya?"

"Guys, i want you to meet Paula Cassandra Soledad," masayang pag welcome ni Pearl sa ina.

"Actually, going back in my past helps me to become complete, daming sekretong nabuksan ang daming pusong na hilom, nalaman ko sa nanay ko na may kapatid akong lalaki, a kuya to be exact, pero meron pa din akong kapatid na nawalay sa akin," pinahid ni Pearl ang luha, todo alalay si Kirvy dito, magkasing laki lang kami ng tyan.

"I was born as one of the Triplets, but nawala ang dalawa, pero hahanapin ko sila pati ang kuya ko para mabuo kami."

Kitang kita kong saan nakatitig ang mata ng nanay ni Pearl, sa akin, kay Alex, kay Peyton at Adah, parang hindi siya maka paniwala na magkakamukha kami. Maganda ang nanay ni Pearl pero wala siyang namang kahit ano dito, isa lang ang ibig sabihin nito, she may be look like her father. Kahit ako naman malayo ang mukha sa tatay at nanay ko.

HEARTS LEGACY: IRISHWhere stories live. Discover now