"Wherever you are, kahit wala diyang internet, I know... our connection will still remain."
***
Sisimulan ko ang istorya ng aking buhay kung saan iniwan ako ng taong sobra kong minahal.
Ako si EJ, eighteen years old at IT student sa isang kilalang unibersidad dito sa Manila. Hindi ako kagwapuhan pero malakas ang aking karisma, dala siguro ng pagiging mestiso at chinito ko. Mayroon akong long time girlfriend, ang pangalan niya ay Dianne. Maganda siya at laging panlaban bilang muse mula pa noong high school kami. We're in a relationship for almost four years kaya yung iba ay naiinggit sa amin dahil nahanap na raw namin ang aming forever. Akala ko rin siya na ang forever ko. Pero akala ko lang pala. Birthday ko noon nang mahuli ko siya na nakikipaglandian sa iba. Ang masaklap pa, kaibigan ko ang kalandian niya. 'Di bale sana kung simpleng harutan lang pero nakakandong pa siya sa hita nito habang magkayakap silang dalawa. Hindi ako makapaniwala na halos isang buwan na pala silang may relasyon. At isang buwan na rin nila akong niloloko. That time, pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. Nanliit bigla ang tingin ko sa sarili ko. Ano ba'ng pagkukulang ko? Paano nila nagawa sa akin iyon? Simula nang araw na iyon naging miserable na ang buhay ko. Every night, nasa bar ako at nakikipag— alam niyo na. Let's say, naging f*ckboy ako. Hindi niyo ako masisisi, I want to forget her. I want to move on. Pero putcha! Hindi ko kaya, mahal ko siya e! Pero dumating ang time na nagsawa rin ako. Nagkulong na lang ako sa aking kwarto. Nag-post ako noon sa Facebook saying "Sana ito na ang huling pagpikit ko. Ayoko na, hindi ko na kaya." Actually, gusto ko lang magpapansin sa ex ko. Baka sakaling concern pa siya sa'kin kaya nang may mag-comment ay tiningnan ko ito agad. Pero nadismaya lang ako dahil hindi pala siya. Wala akong natanggap na kahit anong notification sa kaniya. Mukhang wala na talaga siyang pakialam sa akin. Ang hirap mag-move on lalo na at laging bumabalik sa isip ko ang masasayang alaala namin. Walang araw na hindi siya sumagi sa isipan ko. Pero sabi nga nila "walang forever"... kaya dumating ang panahon na unti-unti ko rin siyang nakalimutan. At nagsimula iyon nang makilala ko ang isang babae dito sa Facebook. Ang babaeng hindi ko inaasahang magpapaibig muli sa puso kong sugatan.
Isang linggo ang nakalipas mula nang mag-post ako na nagpapahiwatig na ayoko ng mabuhay, nag-chat siya sa akin. Si Alyssa, ang babaeng nag-comment sa post kong iyon. Noong una ay hindi ko siya pinansin. Pero sadyang makulit ang babaeng ito at hindi talaga ako tinigilan hangga't hindi ako nagre-reply. Napikon ako. Nireplayan ko siya na huwag niya na akong i-chat dahil hindi ako interesado sa kaniya. Wala akong time para mag-entertain ng babaeng hindi ko naman type. Hindi kasi siya maganda. Maputi lang tapos pabrika pa ng pimples ang kaniyang mukha. Malayong-malayo siya sa ideal girl ko which is katulad ni Dianne. Pero imbis na ma-offend siya sa sinabi ko, tinawanan niya lang ako sabay pasalamat. Doon palang alam ko na abnormal siya. Nagpatuloy siya sa pagtsa-chat sa akin at dahil wala akong choice and for an unknown reason ay natutuwa akong kausap siya, nirereplayan ko na. Lumipas ang ilang buwan, naging magkaibigan kami at naging close sa isa't isa. Hindi lilipas ang araw na hindi kami nagkakausap. Siya yung nagsilbing clown ko sa tuwing nalulungkot ako. She never failed to make me laugh.
April 1 nang buong araw siyang hindi nagparamdam. Alalang-alala ako sa kaniya dahil hindi siya nag-online maghapon, sabi pa naman niya noon na hindi niya kayang hindi mag-Facebook sa isang araw dahil ito raw ang buhay niya. Sumapit ang gabi, nakita kong online na siya. Nag-message ulit ako sa kaniya at sinermunan siya dahil sa ginawa niyang hindi pagpaparamdam sa akin. Nag-reply siya at hindi ko inaasahan ang aking nabasa. Nagtapat siya na matagal na niya akong gusto. Hindi pa man kami close ay crush na raw niya ako. Hindi ko alam kung anong ire-react ko pero may parte sa puso ko ang nakiliti at napangiti na lang ako. Sa totoo lang, gusto ko rin siya. Hindi naman malabo yun dahil masaya ako kapag kausap siya. Sa huli ay umamin na rin ako. Pero halos mapamura ako nang sabihin niyang "Happy April Fool's!" Huli na para bawiin ang sinabi ko dahil nag-sent na. Sasabihin ko rin sanang "April Fool's!" pero hinayaan ko na tutal gusto ko naman talaga siya. Tinawanan niya ako noon dahil akala niya nakikiuso ako sa April Fool's Day pero sinabi kong seryoso ako at gusto ko siyang ligawan. Tinanong ko siya kung pwede ba akong manligaw. Ang tagal niyang mag-reply at kinakabahan ako sa maaaring isagot niya. At nadurog na naman ang puso ko nang makitang "Hindi" ang reply niya. Maluha-luha ako noon hanggang sa mabasa ko ang sunod niyang chat, "Hindi mo na kailangang manligaw. Wala ng keme-keme. Tayo na agad." Hindi maitago ang saya ko noon. Naging masaya ang relasyon namin sa kabila ng katotohanang internet lang ang nag-uugnay sa aming dalawa. Datapwat hindi kami nagkikita at malayo sa isa't isa, hindi yun naging hadlang sa aming pagmamahalan.
Akala ko perpekto na ang aming relasyon pero nabago ang lahat nang bumalik siya. Isang gabi nang biglang tumawag sa akin si Dianne, umiiyak siya noon. Pinapunta niya ako sa kanilang bahay. Natagpuan ko siyang mag-isa at umiinom. Mahigit kalahating taon ko rin siyang hindi nakita pero wala pa rin siyang pinagbago. Ang ganda pa rin niya. Niyaya niya akong uminom at hindi ako nakatanggi. Kinuwento niya sa akin ang mga nangyari. Hiwalay na pala sila ng kaibigan ko, nahuli niya raw itong may ibang babae. What an irony, right? Yun din ang ginawa niya sa akin noon. Tumagal ang kuwentuhan namin at napaparami na rin ang naiinom ko. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at halikan. Gusto ko man siyang itulak dahil naalala kong may girlfriend ako ay hindi ko na nagawa at tinugon ko na lang ang halik niya. Hindi ko maitatangging na-miss ko rin siya at ang mga halik niya. Tulad ng inaasahan, may nangyari sa aming dalawa. Mula noon, napadalas ang pagkikita namin ni Dianne. Nagkaroon kami ng relasyon at hindi iyon alam ni Aly. Alam naman ni Dianne ang tungkol sa amin ni Aly at dumating sa punto na gusto niya akong makipaghiwalay dito. Wala akong nagawa kundi sundin siya. Siyempre mas pipiliin ko yung nakakasama ko kesa sa nakaka-chat lang. Though, nakokonsensya ako sa ginawa ko kay Aly. I blocked her on Facebook, utos kasi ni Dianne. Lumipas ang ilang buwan, balik ulit kami sa dati ni Dianne. Pero hindi tulad noon na makita ko palang siya, kinikilig na ako, makasama ko lang siya, masaya na ako... ngayon parang wala ng spark sa aming dalawa. At aaminin ko, nami-miss ko na si Aly. Miss ko na mga kalokohan at corny jokes niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, si Dianne ang kasama ko pero si Aly ang hinahanap ko. Hindi nagtagal ay nalaman ko rin ang sagot sa katanungan ko. Nakipaghiwalay ako kay Dianne at agad na in-unblock si Aly sa Facebook. Nag-message agad ako sa kaniya at humingi ng sorry dahil sa kagaguhan ko. Pero isang linggo na ay wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kaniya. Wala akong nagawa kundi i-stalk na lang siya at parang huminto sa pag-ikot ang mundo ko nang makita ang kauna-unahang naka-post sa timeline niya. Isang litrato niya. Litrato niyang mistulang natutulog sa loob ng puting kabaong. Akala ko joke lang pero nag-message sa akin ang ate niya at totoo ngang wala na siya. Binigay nito sa akin ang Facebook account ni Aly dahil ito raw ang bilin sa kaniya. Napahagulhol na lang ako nang mabasa ang mga naka-private niyang post. Birthday pala niya sa susunod na araw. At ang hiling niya ay magkita kaming dalawa at ako ang last dance niya. Nalaman ko rin na mayroon siyang malubhang sakit at matagal ng may taning ang buhay niya. Parang sinaksak ng ilang ulit ang puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sobrang tanga ko! Kung pwede lang ibalik ang oras para maitama ang mga nagawa ko... Sana napasaya ko siya sa mga nalalabi niyang oras. Pero hindi na maaari. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
"Happy 18th birthday, Aly!" Nakatayo ako ngayon sa harap ng kaniyang kabaong. At hindi ko maiwasang hindi mapaiyak habang nakatingin sa maamo niyang mukha. Huli man para magsisi pero gusto kong tuparin ang hiling niya na magkita kami kahit alam kong wala na siya. "Sorry ha... hindi tuloy matutupad ang wish mo na ako ang last dance mo. Ang tanga ko kasi! Sorry kung gago ako. Sorry sa pang-iiwan ko sa'yo. Pero Aly, gusto kong malaman mo na... mahal kita. Mahal na mahal." Hindi na mapigil sa pag-agos ang aking luha hanggang sa tuluyan na akong mapahagulhol nang ibaba ang kanyang kabaong at unti-unti itong tabunan ng lupa.
Alyssa... maybe I don't deserve your love. And although you're gone... it doesn't mean that my love for you will come to an end too. Aly, wherever you are, kahit wala diyang internet, I know... our connection will still remain.
The End.
YOU ARE READING
Connection
Short Story*One Shot Story* Ito ay kwento ng isang lalaking nagmahal, nasaktan, pero nagmahal muli sa pamamagitan ng social media. Ang taong akala niyang malabong magustuhan niya ay mamahalin pala ng sobra. Pero hindi niya akalaing sa pangalawang pagkakataon a...
