Chapter 6: With Di-Ey (Part 1)

1 0 0
                                    

With Di-ey ( Part 1 ).

Ang bilis din ng araw, nakalipas na naman ang maghapon ng wala man lang ganap. Busy pa rin si Kaizer sa Basketball, busy si Jairah sa Thesis kaya hindi kami makakagala sa Weekends, Si ate Angela pinatutulong muna sa company nila ayaw daw ng baby brother nya tumulong, at ang nag-paalala lang sa akin na nag-exist ang araw kahapon ay ang napakabalahurang si Zackarias.

Wala syang ginawa kundi ang asarin at pagtripan ako. Itinuro nya ako sa Math Teacher namin na magsasagot sa board ng equation, e hindi naman ako nakikinig nung time na yun. Buti na lang at nakapag-advance read ako kaya naman nasagot ko. May activity kami at pair yun, naggagawa na si Zackarias kaya naman hinayaan ko na sya alam nya naman yun e. Sya kasi ang ka-pair ko.

Ipinasa na ang mga papel at chineckan ni Maam. At pagkatapos, nagulat ako dahil minention ang pangalan ko. Wala daw akong activity, ako lang daw ang wala. Tumingin ako sa katabi ko at nakasmirk sya. Pandalas na akong nag-gawa, buti na lang at nakaabot pa ako.

Pag-kalabas ni Maam agad kong binatukan si Zackarias. Imbis na masaktan, humagalpak pa sya ng tawa. Gaano kabalahura yun? My Gosh, nakakainis talaga.

At hindi pa sya nakuntento doon. Pinatatawag daw ako ni Sir Cenon, at dahil galing sya sa labas at mukha namang seryoso, pumunta ako.
Pagdating sa Office ni Sir Cenon, hindi daw naman nya ako pinapatawag at dahil nandoon na rin daw naman ako, pinag-print nya ako ng sandamak-mak na na test paper para sa Grade 12.

Pagod na pagod na ako that time pero hindi na ako nagpahinga, nagpaalam na rin ako kay Sir Cenon para umattend sa sunod na subject buti na lang at vacant namin yun. Pagkapasok ko pa lang sa room, rinig ko na agad ang tawa ng balahurang si Zackarias. Akala mo malalagutan na ng ugat sa leeg, kahit ganun ang tawa nya gwapo pa rin sya. Hindi man lang nabawasan ang gwapo sa mukha dahil sa paraan ng pagtawa, mas lalo pa atng gu-mwapo. Kainis.

Ngayong araw naman ay wala kaming pasok. May meeting ang buong faculty para sa nalalapit na pagbisita ng mga owner ng Canister HighSchool sa mismong School namin. Kaya ngayon napag-isipan ko munang umuwi sa bahay. Isasama ko ang katabi ko ngayon sa kama ko na mahimbing na natutulog.

Kumuha ako sa side table ng notebook at binuklat ito, hindi ako umalis sa pwesto ko. Pumunit ako ng isang pilas at iniroll ko. Kiniliti ko ang loob ng tainga ni Di-ey, natatawa ako dahil gumagalaw sya at parang naaani na. Pinipigilan kong lumakas ang tawa ko dahil baka marinig ng mga kasama ko sa dorm na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Ilang saglit lang nagising na si Di-ey at galit na galit na tumingin sa paligid, patay malisya naman ako na parang wala akong ginawa.

At dahil gising na sya, naghanda na ako ng susuutin at napagpasyahang maligo na. Tumagal din ako ng halos kalahating oras. Nagsuot lang ako ng kulay black pants, gray na v-neck na medyo malaki sa akin at doll shoes na black. Pagkatapos, naglagay ako ng kaunting powder. Naisipan ko din na magdala ng sling bag at nilagay ang mga personal na gamit ko tulad ng cellphone, powder, at panyo. Nag-iwan ako ng sulat sa ibabaw ng table ni Camille na nagsasabing uuwi ako sa bahay.

Kinarga ko si Di-ey at lumabas na ng dorm. Wala namang nakakita sa akin na may dala akong alagang pusa, dahil wala pang tao sa labas ng room namin. At nang nakarating ako sa labas ay wala pa masyadong tao akong nadatnan dahil alas otso pa lang at paniguradong tulog pa ang mga estudyante dito. Nakarating ako sa gate at nagpaalam ulit sa guard, iginaya pa nya ako sa labas at sinabing mag-ingat. Nagpasalamat ako at tuluyan ng nakarating sa may gilid ng kalsada.

Sabi ni manong guard na bihira lang daw may dumaan na masasakyan na taxi dito dahil doon pa sa may main road yun. Napatingin naman ako kay Di-ey ng bigla syang nagmeow, nakita ko ang pagpupumilit nyang umalis sa pagkakarga ko kaya naman ibinaba ko muna sya.

Just StayWhere stories live. Discover now