Chapter 20: I'm Sorry

5.8K 131 8
                                    

"Manong! Pakibilisan naman po." nagpapanic na sabi ko sa taxi driver. Natataranta na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin at iisipin ko.

Pag kasabi sa'kin ni Inah na nasa ospital si Christian ay agad akong pumara ng taxi. Hindi na ako pumasok sa bahay namin. Bahala na. Ang importante ay mapuntahan ko na ang ospital na sinabi ni Inah.

Ano ba kasi ang pumasok sa utak ni Christian at naisipan nyang gawin 'yun sa sarili nya? Sobrang nag aalala na ako.

Pawis na pawis na ang mga kamay ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko na nga natanong kay Inah kung ano na ang kalagayn ni Christian ngayon. Masyado na kasing mabilis ang mga pangyayari. Ang gusto ko nalang gawin ay puntahan sya ngayon.

Pagdating ko ay binayaran ko agad 'yung taxi driver at pumasok na agad ng ospital.

"Miss, saan dito ang kwarto ni Christian Arevalo?" taning ko agad sa front desk. Hinihingal pa ako. Pero hindi ko yun inunda. Ang importante ay mapuntahan ko na sya.

"Ka ano-ano nyo po ang pasyente?" tanong nya.

"Girlfriend nya 'ko."

Tumango naman sya sa'kin. "Nasa room 214 po sya Ma'am." sagot nya. Hindi na ako nagsayang pa ng oras. Umakyat na ako ng hagdan. Hindi na ako nag abala pang gumamit ng elevator dahil baka mas matagalan ako.

Pagdating ko sa second floor, agad kong hinanap ang room 214. Buti nalang pala medyo malapit lang ito sa may hagdan. Pakiramdam ko kasi masyado na akong natatagalan.

Hindi na ako nag abala pang kumatok. Binuksan ko na agad ang pintuan at pumasok na sa loob.

Napatakip ako ng bibug nang makita ko ang kalagayan ni Christian. Ang daming nakalagay sa katawan nya. Mas lalo tuloy lumakas ang kabog ng puso ko.

Binaling ko naman ngayon ang tingin ko sa upuan na nasa tabi ng bintana. Nandun si Inah. Nakahilig sya sa may dingding habang natutulog.

Dahan-dahan akong lumapit kay Christian. Umupo ako sa gilid ng hospital bed nya para matabihan ko sya. Hinaplos ko ang buhok nya pagkatapos ay hinalikan ko sya sa noon.

Kumirot ang dibdib ko. Lumabas na ang mga luha mula sa mga mata ko. Malakas kasi ang kutob ko na ako ang dahilan kung bakit nandito sya ngayon. Base kasi sa tono ng boses ni Inah kanina, parang galit sya kahit na may halong pag aalala ang boses nya.

Naisip ko tuloy, dapat pala hindi ko nalang hinintay na magparamdam sya sa'kin. Dapat binaling ko ang atensyon ko sakanya at binigyan sya ng panahon.

Ganun naman ako dati sakanya eh.

Nagbago lang ako simula nung dumating si Ivan..

"Oh. Nandyan ka na pala." napatingin ako sa nagsalita. Si Inah pala. Gising na.

Nag ayos ako ng upo at nilingon ko sya. "Ah, oo. Kakadating ko lang." binaling ko ulit ang tingin ko kay Christian sabay haplos sa buhok nya. "Kamusta na sya?"

Tumayo sya at lumapit sa gilid ko. Binaling ko ulit ang tingin ko sakanya. Medyo namamaga ng bahagya ang mga mata nya. "Ino-obserbahan parin sya.."

"Ano ba kasing nangyari?"

"Oral morphine." sagot lang nya ng diretso.

Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. "Oh my---" halos hindi ko na mailabas ang tamang salita sa bibig ko. "B-bakit? Diba.. D-diba hindi sya pwede nun? Oh, God! May asthma sya. He's not allowed to take that kind of drug!"

"Exactly." malungkot na sabi nya. "But hes experiencing pain these past few days. Hindi ko nga alam na may ganun sya eh.." napaiwas sya ng tingin sa'kin. "K-kung nakita mo lang sana sya kanina. Ang baba na ng heart rate nya.."

Hindi na nya napigilan pa. Humagulgol na sya. Naiyak na din ako. Nasaktan ako sa nalaman ko.

Ang tanga ko! Wala akong kaalam alam sa nangyari.

Anong klaseng girlfriend ako?!

Ilang sandali pa ang lumipas ay nagpaalam si Inah para bumili ng kape. Tinanguan ko lang sya. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. Alas dos na pala ng madaling araw. May text at tawag galing kay Mimi at Didi. Maging si Ivan ay meron ding text at tawag.

Hindi ko binuksan ang mga text nila. Kahit na call back ay hindi ko ginawa. Wala akong ganang makipag usap kahit kanino. Ang gusto ko lang ngayon ay bantayan si Christian at hintayin syang buksan ang mga mata nya.

Ang dami kong nasayang na oras at panahon. Ngayon, nalaman ko na mahal na mahal ko sya, at hindi ko sya kayang mawala sa buhay ko.

Bakit ko ba kasi nasabi kay Ivan na gagawin kong tama ang saming dalawa? Ano bang pumasok sa isip ko at nasabi ko 'yun? May boyfriend ako! Tapos nagawa kong mangako sa ibang lalaki?

God! Anong klaseng babae ako?

Bumukas na ulit ang pintuan. Iniluwa nun si Inah. May dala syang dalawang cup ng kape. Lumapit sya sa'kin para iabot 'yung isang cup. "Salamat." sabi ko. Nginitian nya ako ng tipid tsaka na sya bumalik sa kinauupuan nya kanina.

"Erin.." tawag nya ulit sa'kin. Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sakanya. Hawak hawak ng isang kamay ko ang kamay ni Christian. Napabuntong hininga sya. Inilapag nya ang kape sa mesa na nasa gilid ng upuan. "Alam mo bang.. Tinalikuran na ni Christian ang pamilya nya para lang makasama ka?"

Natigilan ako sa sinabi nya. Muntik ko na nga ding malaglag ang kape na hawak ko. Mabuti nalang at naagapan ko. Bumukas ng bahagya ang bibig ko pero hindi ko naman nagawang magsalita.

Bumuntong hininga ulit si Inah. "Mahal ka nya Erin. Hindi sya pumayag na ipakasal kaming dalawa. Pinapili sya. At ikaw ang pinili nya.. Pero.." napalunok sya bago magsalita ulit. "P-pero.. Parang nagkamali naman ata sya sa pinili nya?" mapait na tanong nya sa'kin.

Nilingon nya ako, nag iwas agad ako ng tingin. Kahit hindi man nya sabihin, alam ko kung ano nga ba ang pinaparating nya. "Nakikita ka nya na masaya sa ibang lalaki. Nasasaktan sya. Pero hinahayaan ka lang nya. Kasi ayaw ka nyang sakalin. G-gusto nyang bigyan ka ng oras at panahon.. Kaya hindi ka nya nilalapitan. Kaso, nung ibinigay nya yun sayo, mas lalo kang naging malayo sakanya.."

Napapikit ako ng mariin. Ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Christian. Muli ko nanamang pinakalawan ang mga luha sa mata ko. Ang tanga tanga ko. Nung oras na masaya ako, naghihirap na si Christian. Tinalikuran nya ang pamilya nya para sa'kin. Pero ano ang isinukli ko sakanya? Pinahirapan ko lang sya at nilagay sya sa ganitong sitwasyon ngayon.

Muli kong nilingon si Inah. Nilingon din nya ulit ako. Inilapag ko na muna din ang hawak kong kape sa kalapit na mesa. "Sorry.." sambit ko. Yun lang ang tanging salita na nailabas ng bibig ko. Dahil yun lang talaga ang gusto kong sabihin ngayon.

Gusto kong humingi ng tawad kay Christian ng paulit ulit. Gusto kong mag sorry sakanya hanggang mawala na lahat ng sakit na naidulot ko sakanya.

Pero hindi naman ganun kadali yun eh.

Nag iwan na ako ng marka ng sakit sa puso nya. Kahit anong gawin ko, kahit maghilom man. Hindi na ito mabubura.

"Wag mo sa'kin sabihin 'yan. Kay Christian dapat." sagot nya. "Mahal na mahal ka nya. Mabait si Christian. Gagawin nya lahat para lang sayo. Kahit na ano pang kapalit, wala syang pakialam. Basta pag ikaw ang usapan, gagawin nya lahat."

Mas bumuhos pa ang mga luha ko. Hinalikan ko ang kamay ni Christian na hawak ko pagkatapos ay inihaplos yun sa pisngi ko.

I'm sorry, Christian.. Gumising ka na, please.. Mahinang bulong ko.

**

-Kerbs

Erin's HeartWhere stories live. Discover now