[2] Concealed Image

Start from the beginning
                                    

Hinaplos ni Blake ang kanyang buhok at marahan siya nitong hinalikan sa mga labi.

"I love you wifey."

"I love you too honey."....

----

Nagpapansin si Alex sa kanyang pasahero. Nag-ayos siya ng sarili, nagbihis ng maganda't naglagay ng kumpletong makeup bago sumundo. Ngunit ang pinagpapansinan niya ay kanina pa tahimik at paulit-ulit lamang na bumubuntong-hininga habang nakatingin ng diretso sa daan.

"Cassie may problema ka ba?" tanong niya habang nagmamaneho.

"No," mahina't bagsak ang balikat na sagot nito sabay hugot ng isang napakalalim na buntong-hininga.

"Huh? Muntik na akong mapasama sa lalim ng hingang yun ah!... C'mon tell Mommy about it. Don't be shy," lambing niya sa malungkot na anak.

"Rico told me about what his Mom said... that I won the contest because Daddy gives money to our school. He said I'm not really beautiful," mahinang sabi nito.

Biglang nagsalubong ang kilay ni Alex sa narinig. "Rico? Sinong Rico? Yung laging nambu-bully sayo?!"

Tumango si Cassandra.

"Then do you believe what he said?"

Nakatungong umiling ang bata.

"Of course you shouldn't! Nanalo ka dahil maganda ka at matalino ka! Itatak mo yan sa isip mo huwag na huwag kang makikinig diyan sa mga nambubully sayo. Daddy is giving money to your school because he wants to help hindi para mapansin ka o manalo ka. Daddy and I trust your ability and we don't need to use money to prove it!" biglang taas ng boses ni Alex habang papahigpit ng papahigpit ang hawak sa manibela.

Kung kanina'y ang anak ang paulit-ulit na humihinga ng malalim ngayon nama'y siya ang maya't mayang bumubuntong-hininga. Nakabawi lamang siya sa biglaang pagtaas ng presyon nang huminto sila sa isang traffic light.

"And what did you say to him?" kalmado niya na uling tanong.

"Nothing," maamong sagot ng anak.

"Good girl. As long as you believe in yourself, hindi mo dapat pinapatulan ang ganyang mga bagay."

"I couldn't say anything-" mabilis na tumingin si Cassandra sa kanya nang may matapang na mukha. "because all I wanted was to punch him, kick him and pin him to the ground!"

"Cassandra Marlene!"

Umamo ang mukha ng bata. "But of course, I will never do it. I don't want you to get angry with me," biglang bait na sabi nito.

"Cassie even if you didn't do it masama pa rin ang pag-isipan mo ng hindi maganda ang iyong kapwa."

Ang Misis Kong Astig!Where stories live. Discover now