[2] Concealed Image

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit naman ako magsisinungaling?" tatawa-tawang ika nito.

Tinitigan niyang mabuti sa mga mata ang mister upang pag-aralan kung nagsasabi nga ito ng totoo hanggang sa madako ang mga mata niya sa kabuuang mukha nito.

Ang gwapo pa rin ng asawa niya.

Ang kinis-kinis pa rin ng mukha at wala pang kabakas-bakas ng senyales ng pagtanda. Kung ano ang hitsura nito nung pinakasalan niya ay ganoon pa rin ito ngayon. Hindi nga eh, parang mas gumandang lalaki pa. Bumaba ang mga mata niya sa balikat, dibdib at mga braso nito. Hinawakan niya ang muscles nito. Mas matigas ito ngayon, pati katawan ng asawa ay gumanda rin.

"Are you making an inspection on me right now?"

"Hon ngayon ko lang napansin na gumugwapo ka ata tsaka gumaganda ang katawan mo," namamanghang tanong niya habang kinakapa-kapa ang matigas na tiyan ng asawa.

"Ikaw eh hindi mo na napapansin dahil puro kay Cassie na lang ang atensiyon mo," kunway nagtatampong sabi nito.

Kinurot ni Alex ang pisngi ni Blake. "Asus at nagtampo pa kunwari! Eh sa inyong dalawa lang naman nauubos ang oras ko," sabay unti-unting lumungkot ulit ang mukha niya. "Tama nga siguro si Dennis na lumulusyang na ako dahil hindi ko na binibigyan ng panahon ang sarili ko," napapabuntong-hiningang bigkas niya.

Tumayo si Blake at niyakap siya nito sa beywang. "Ayun kaya naman pala kanina pa hindi mapakali at concious na concious dahil nagsiself-pity ang mahal ko," natatawang sabi nito.

"Hindi nga Blake... totoo ba ang sinabi ni Dennis? Pumapangit na ba ako?" matamlay na tanong niya.

Hinawakan ng mister ang pisngi niya at ipinaling sa kaliwa't kanan. "Hmmm saang parte? Hindi ko makita."

"Ikaw naman eh. Seryoso akong nagtatanong."

"Why are you so worried?" kunway nagdududa itong tumitig. "Teka nga muna may pinagagandahan ka na bang iba?"

Kinurot niya ang asawa. "Ikaw naman puro ka biro. Siyempre gusto kong maging maganda para sayo!"

Ngumiti si Blake at dahan-dahan itong nagseryoso sa pagtitig sa kanya. "Don't pressure yourself about it. Kung gusto mong magpaganda, do it because you want to feel good about yourself and not because you want me to feel good about you. In my eyes, kasingganda mo pa rin ang dating Alex na nakilala ko. You'll alway be the most beautiful wife and mother to me. Kahit pa magkawrinkles ka na o tumaba ka pa. Ikaw pa rin ang may pinakamagandang mukha at pinakaseksing katawan para sa akin," sabay kabig nito sa kanya.

"Hindi ka titingin sa mas bata at mas magandang babae?"

"Mrs. Monteverde are you still doubting your husband up to now?"

Sumagot siya ng iling.

"Then, stop worrying about nonsense things and stay true to yourself. The love you give to Cassandra and me is more than enough already."

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon