Sumabat na ako sa kanila.

“Renzo let him in.” ayaw kong dumanak ng dugo sa ospital pero diba maraming dugo ditto? Haist!

“Iris?!” naiiritang sabi ni Renzo “it’s okay let him in wala naman syang gagawing masama right Slate?” tumango naman si Slate.

“maguusap lang kami kung pwede kami lang dalawa.” Slate.

Tumango lang ako kay Renzo na kahit ayaw eh napilitang lumabas.

“Dito ka sa tapat ko para makapag usap tayo at saka pakiaabot ng ponkan gutom pa ako. ^_^”

“here… Iris…” sabi nya pagkaabot ng ponkan nginitian ko lang sya a genuine smile di naman na ako galit naiintindihan ko naman sya at saka tama lang magalit sya kasi may kasalanan ako.

“I’m sorry Iris sa mga nasabi ko sayo kanina, I didn’t mean it nabigla lang ako its just that… I thought everything is fine then ayun nga di ko alam na magiging tatay na pala ako.” Sabi nya habang nakayuko.

“kahit siguro ako ang nasa kalagayan mo ganyan din ang magiging reaction ko, ang ayos ayos ng buhay mo dahil lang sa dalawang salita BOOM! Everything changed kaya naiintindihan ko kung lalayuan mo ako, pero Slate kung gusto mo you can still be their father di ko ipagdadamot yun kung gusto mo lang naman.”

Naiiyak ako habang kausap sya kasi alam ko nasira na yung friendship namin.

“How it happened?” O////O kailangan pa bang ikwento every detail?

“Hey what are you thinking? That’s not what I mean ang ibig kong sabihin kung ano yung nangyari bago yung alam mo na.”

Nakahinga ako dun sa sinabi nya yun pala yun “hehe” napapakamot na lang akosa ulo ko habang nagk-kwento ako sa kanya nung nangyari nung birthday nya.

“so sayo pala yung panty?” natatawang sabi nya kaya hinampas ko lang sya sa braso. “^//////^ ang bad mo! Akina yun o baka naman tinapon mo na?” tawa lang sya ng tawa.

Mas okay na to light lang ang ambiance kesa kanina na kulang na lang patayin nya na ako.

“Iris ngayon na magkakababy na tayo gusto ko sanang gawin ang tama, ayaw ko silang lumaking walang pamilya alam mo yun parehas tayong lumaki sa masaya at maayos na pamilya gusto ko sana ganun din sila. Iris pakasalan mo ako.” Slate

Parang ulan na nagbagsakan ang luha ko siguro kung sa ibang pagkakataon siguro ako na yung pinakamasayang babae sa buong mundo ikaw ba naman ayaing magpakasal ng taong pinakamamahal mo di ka pa ba sasaya nun? Pero iba ang sitwasyon namin ngayon I can’t marry him, I shouldn’t mas lalo ko lang masisira ang buhay nya.

The imperfect life of Mr. Perfect [completed]Where stories live. Discover now