MEME

51 3 1
                                    


"sobrang nag-enjoy ako sa party!"

"mabuti naman Chloe sumama ka"

"oo naman syempre ."

"sige na nga uuwi naako, nextweek ulit!"

" bye "

...

"pffft nakakatawa talaga 'tong mga stolen pic ni Chloe"

"talaga? hahaha uy ipost mo yan, lagyan mo ng magandang caption!"

"baka magalit siya?"

"ano naman? diba ginawan niya tayo dati?"

"oo, pero mas malala yung itsura niya dito kumpara naman saatin"

"ipost mo nalang sa ibang acc. para hindi niya malaman na tayo ang gumawa nun! baka nga mas matuwa pa yun kapag sumikat siya eh hahaha patingin nga ulit"

CHLOE

habang nags-scroll ako sa facebook panay ang tawa ko sa mga nakikita kong memes, sobrang nakakatawa talaga ang mga ito lalo na kung tugma ang caption sa pictures at usong-uso na'to ngayon. nagpo-post rin ako ng mga pictures ng taong sinearch at nakita ko lang sa google at ginagawan ko ito ng nakakatawang caption, minsan nga sa sobrang boring ko pati stolen pictures ng mga kaibigan ko na dating sa Groupchat ko lang sinesend, ngayon ay pino-post ko na at hindi lang umabot sa 1k shares naging 100k shares pa nga. feeling ko ang sikat ko na dahil nagte-trending yung mga pinopost ko.

nakakita na naman ako ng panibagong memes na shinare ng mga kaibigan ko sa facebook, at ang sakit sa mata ng makita ko iyon. marami naring angry reacts at negatibong comment ang natanggap nitong Shayna Llorente ang pangalan sa facebook. paano ba naman! nagpost siya ng malaswang pic sa facebook, eh mukha naman siyang hipon. binasa ko ang ilang comments sa post niya.

ANDREI: ang panget mo walastik! tapos pinagmamalaki mo pa yang katawan mong hipon?

DANICA: walangya! kaninong anak 'to? dapat hindi niyo na'to binuhay

SEAN: RK daw pero yung dingding karton! sarap mong hambalusin.

RYLEIGH: poser yan huwag niyong patulan!

natatawa nalang rin ako sa comment eh, buti nga at dinagsa siya ng mga bashers, nararapat lang yun sa kaniya. hindi rin ako nagdalawang isip na magcomment na "mukha kang pokpok!" at syempre may naglike sa comment ko at natutuwa pa nga sila. sa totoo lang, hindi lang 'tong una akong nagcomment sa mga ganitong cancer sa facebook. kundi, maraming beses na at ang iba pa nga rito ay nakilala naako at inaadd friend naako sa facebook. diba! instant sikat.

*ting*

uy may nagfriend request sakin, Wendy Aroa? mukhang bago lang ang acc. ah pero malay mo isa rin siya sa mga fans ko, kaya inaccept ko ito kaagad.

sa sobrang boring ko naghanap na naman ako ng mga tao sa google na pwede kong ipost at lagyan nang nakakatuwang caption. at ayun nga nakahanap ako, marami akong memes face sa google na nakita at isa na doon yung meme ng babae. basta nakakatuwa ang itsura niya. at agad na ipi-nost ko ito sa facebook. matapos ang ilang oras na pagbabad sa facebook, nakaramdam ako ng pagod kaya nakatulog ako.

...

nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng notification, malamang sikat na naman yung meme na ginawa ko.

"huh?"

"bakit may angry react?" pinindot ko yung notifications at nagulat sa nakita. ang daming galit saakin dahil sa meme na ginawa ko at nasa 200k shares agad. binasa ko yung mga comments para malaman kung bakit sila nagalit.

KYLA : research muna! 'di niyo ba alam na namatay na 'yang babae na 'yan dahil sa depression? tapos ibabalik niyo ulit 'tong pic? wala kang konsensya.

BEN: isa kang inutil! salot sa lipunan R.I.P

JHON: feeling memer kasi 'tong baklang babae na 'to

LYKA: hahaha eh mas masahol pala yung mukha niya sa personal.

mas nagulat ako sa comment nung Lyka. ako yung nasa picture na kinomment niya. paanong napunta 'to sa kaniya?

naalala ko yung picture ko na'to ng pumunta ako sa party! grabe parang hindi ako 'to sa sobrang panget ng itsura ko rito.

*ting*

isa na namang notification ang natanggap ko at ini-haha react ito ng mga kaibigan kong sila Alice at Monnica pero hindi saking 'post dahil ti-nag ako ni Wendy Aroa. laking gulat ko na lahat ng stolen pics ko noong party ay nakapost sa timeline niya. sino si Wendy? bakit niya ginawa ito sakin.

ALICE: ay grabe ka prend! parang hindi ka tao riyan hahaha

MONICCA: may ganito ka palang picture Hahaha ang ganda mo diyan sana ganiyan ka nalang palagi.

ALICE: uy pren baka maniwala si chloe eh alam naman natin na hindi siya maganda rito

MONICCA: shookt! mukha kasi siyang Beauty Queen, Beauty Queen ng Manila Zoo HAHAHA

ALICE: GRABE! HAHAHAHA

parang hindi nila ramdam na hindi ako nagagalit at tuwang-tuwa pa talaga sila. mga kaibigan ko pa man din sila. nakakita paako ng ilang komento mula sa ilan na hindi ko kilala naka-tag kasi saakin kaya yung iba sigurong naka-follow saakin ay nakita 'to. grabe nakakahiya!

LORY: nakita ko yung comment niya sa isang facebook na binash rin at mas pokpok pala siya Hahahaha b*tch

GERALD: magpapakamatay na 'yan dahil sa ginagawa niyo kaya...Galingan niyo HAHAHA

JARED: KARMA IS REAL OH! siya pala 'yan akala ko maganda HAHAHA

ANNE COLEEN: oh eto pinalitan ko na yung ginawa niyang meme pinalitan ko ng picture niya at mas bagay sa kaniya. R.I.P talaga kay Harrah dapat talaga si Chloe nalang ang namatay.

nagulat ako dahil sa comment ni anna coleen dahil yung ginawa kong meme pinalitan niya ng mukha ko at si harrah pala ang pangalan na ginamit ko sa meme na ginawa ko. sobrang naiiyak ako dahil hindi ko naman ginusto yun. siguro nga nagkamali ako dahil gusto ko lang naman magpasaya. pero hindi ko inaasahan na nakasakit din ako sa iba lalo na kay Harrah na namatay na. masakit sobra...tapos ginatungan pa ng mga kaibigan ko. hinusgahan ng mga hindi ko kilala at ang huli pinakalat ang picture ko.

*ting*

*ting*

itinapon ko ang cellphone ko, nagmukmok ako sa kwarto. hindi ko na alam ang gagawin. kalat na kalat naako ngayon. ni hindi ko na mababalik ang dati, sana hindi ko nalang pala 'yun ginawa.


END.

#makeITsafePH MEMEWhere stories live. Discover now