"Anong gusto mo, aayus ka diyan o kakaladkarin kita gamit yang paa mo hanggang sa makarating tayo doon sa kwarto mo." pananakot niya sakin. Di na lang ako sumagot dahil sa takot na baka totohanin niya yung sinabi niya.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa room ko. Inilapag na niya ko sa kama at inilagay ang mga halamang gamot sa side table ko.

"Is this your parents?" tanong niya habang hawak-hawak ang picture frame ng parents ko at tinignan niya ito ng maigi.

"Obvious ba? Malamang magulang ko sila." pabalang na sagot ko.

"They look familiar." he said seriously.

"Syempre kilala sila dito sa buong Atlanta." sagot ko at hindi pinansin ang pagiging seryoso niya.

Hindi na siya nagsalita at binalik ang picture frame sa side table.

"Stay there, I will just prepare your medicine." sabi niya at pumunta sa bathroom ko upang ihanda ang mga halamang gamot. Nanatili akong nakaupo sa higaan at hinintay siyang matapos sa ginagawa niya.

"Here drink this." inabot niya sakin ang gamot na nakalagay sa baso. Kung titignan mo pa lang ay hindi na kaaya aya ang itsura nito pano pa kaya ang lasa nito.

"Is this edible?" I asked na may pandidiri sa mukha.

"Just drink this." utos niya, kaya tinikman ko ito at halos masuka ako dahil sa lasa nito.

"What is that? Ang panget ng lasa." reklamo ko at itinulak ang baso pero inilapit niya ulit ito sa akin.

"Wag ka ngang maarte, just finish this already para makapasok na tayo sa klase." utos niya sa akin.

Kahit na nakakasuka ang lasa ay pilit ko paring inumin ito. Halos di na ko huminga para lang hindi malasahan iyon, inubos ko na lahat at ibinalik sakanya ang baso.

"Hintayin mo na lang ako sa labas, magmumumog lang ako. Nalalasahan ko parin kasi yung gamot." sabi ko sa kanya, hindi na siya sumagot at naglakad palabas. Agad naman akong nagmumog at lumabas na rin.

Dumiretso na kami sa classroom at sinalubong kami ni Mandy.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong niya saming dalawa.

"Ano kasi kinausap kami ni Mam Jezel." sagot ko rito.

"Mam Jezel? Diba siya yung music teacher natin, anong sinabi sainyo?" tanong niya ulit.

"Wala naman_" di ko na natapos yung sasabihin ko dahil sumingit nanaman si kuneho.

"Sinali siya sa choir ni Mam Jezel." sabi niya kay Mandy.

"Talaga?! Maganda siguro boses mo! Di pa kita naririnig kumanta. Kantahan mo naman ako please." pangungulit niya sakin.

"Sa susunod na lang kita kantahan. Nahihiya pa ako eh." sabi ko sa kanya.

"Sabi mo yan ah, atyaka huwag mong ikahiya yang boses mo. Alam mo bang sobrang mapili si Mam Jezel, pinakamagaling na singer ang lahat ng kasali sa choir niya. Ang swerte mo, gusto ko talaga marinig yang boses mo, hindi mo man lang sinabi sakin na may hidden talent ka pala." namamanghang sabi niya na halos kuminang kinang pa yung mata.

"Huwag mo na siya kulitin." pagpigil ni Tober sa pangungulit ni Mandy.

"Hoy Mr. Ortiz, akala mo rin naman hindi maganda yang boses mo, dapat iparinig mo rin yan kay Mam Je_" hindi na naituloy ni Mandy ang sasabihin dahil tinakpan ni Tober ang bunganga niya.

"Hmmm! Hmmm!" pilit na pagsalita niya habang nakatakip ang kamay ni Tober sa bunganga niya.

"Ang daldal mo." tinanggal na niya ang kamay niya sa bunganga ni Mandy.

"Siya nga pala bat parang kokonti lang yung mga estudyante?" tanong ko sakanya.

Ngayon ko lang napansin na maraming wala sa loob ng classroom namin. Pati ang prof namin wala rin.

"Ah nakalimutan kong sabihin, wala tayong klase ngayon hanggang Friday, preparation daw for the upcoming event." sagot ni Mandy at kitang kita na malawak ang ngiti niya, maganda siguro yung event na tinutukoy niya.

"Anong event naman yun?" tanong ko.

"Tentenenen tugtug tugtug. Midnight Ball! Oh diba ang saya." At talagang may pasound effect pa siyang nalalaman halatang tuwang tuwa sa Midnight Ball na yan.

"Parang ayaw kong pumunta." sagot ko na tunog hindi interesado.

"Wag ka ngang kj! Pumunta ka, may mga dala pa naman akong gown para sayo, pinagawa ko pa yun sa designer namin. Atyaka masaya yun, minsan lang yun. Malay mo dun mo mahanap ang Prince Charming mo, ayieh!" pang aasar niya sakin.

"Prince Charming? Tsk!" singit naman ni kuneho.

"Di ko kailangan ng Prince Charming, hindi ko pa iniisip ang tungkol diyan." sagot ko.

"Pumunta kana kasi, please!" pagpupumilit niya habang nakapout.

"Oo na, itigil mo lang yang pagpapout mo, nakakairita." pag asar ko sa kanya.

"Ang harsh mo talaga besty." sabi niya na akala mo ay nasasaktan.

"Teka, kailan ba gaganapin yan?" I asked.

"Sa Saturday daw kaya hanggang Friday ang preparation, ayan oh nakalagay sa pintuan." sabi niya at itinuro ang poster sa pinto ng room namin.

"Ano na ba ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Tuesday na besty ibig sabihin may 3 days na lang tayo para mag prepare. Kailangan maging maganda tayo sa Midnight Ball. Hoy ikaw Tober Markey Ortiz partner mo si besty ah, sabi nila kailangan daw may partner." sabi niya kay kuneho.

"Tsk, kailangan ba talaga?" pagrereklamo niya.

"Wag ka ngang puro reklamo! Basta partner kayo ni besty! Hindi ko lang makita na magkasama kayo malilintikan ka sakin!" pananakot niya kay kuneho.

"Ok lang naman siguro kahit walang partner Mandy." sabi ko sakanya.

"Ah basta the decision is final, dalawa kayo ang magpartner." pagmamatigas niya.

Ano ba tong pinasok ko?

---

Sawakas natapos ko rin ang Chapter 8. Sana magustuhan niyo guys and don't forget to vote.

KillerKnight

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now