1-Chona

1.4K 37 48
                                    

Napaglipasan ng panahon. Matandang dalaga. Single forever.

"Bakit wala ka pang asawa?"

"Magkakaanak ka pa ba niyan?"

"Go out naman at makipag-date ka! Lipas na ang lisensiya mo para lumandi!"

Ilan lang ito sa mga salitang maya't maya na naririnig ni Chona tuwing tinatanong siya tungkol sa kanyang status. Siyempre, sasagot siya ng katotohanan. At ito ang maririnig niyang mga patutsada.

Minsan ay mahapdi ito sa pandinig at may kirot din sa puso. Pero sanayan lang, ika nga.

Buhay ko ito, at wala na kayong pakialam dito.

Ang totoo niyan, dati na siyang habulin ng mga lalaki. Ligawin na siya, pero maingat din sa pakikipagrelasyon. Oo, nagka-nobyo na rin siya ilang beses na.

Nagpatuloy ang ganitong klaseng buhay hanggang sa tumuntong siya ng bente-otso años. May nangyaring hindi inaasahan na nakapagpabago sa kanya. Akala niya ay pang-habang buhay na kaligayahan ang hatid nito, ngunit pagkatapos ng pitong taon, ay napalitan ito ng luha at pasakit.

Tuwing naiisip ito ni Chona ay nararamdaman pa rin niya ang hapdi ng luha sa kanyang mga mata. Kahit taon na ang lumipas ay sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga naganap noon. Ngunit hindi niya kailanman pinagsisihan ang kanyang nakaraang desisyon.

Kahit panandaliang kaligayahan ang aking naranasan, at ang kapalit naman nito ay dusa, hindi ako nagsisisi na pinili ko ang desisyong iyon.

Sa edad na thirty-eight, kuntento na si Chona kung ano man mayroon siya.

Pero sa mga malalamig na gabi na siya ay nag-iisa, hindi niya mapigilang isipin na sana, may makaagapay rin siya hanggang sa pagtanda.

Huli na nga ba ang lahat na mangarap siya ng pangmatagalang pag-ibig?

---

"Namumuhi ako sa iyo! Akala ko ako lang ang babae sa buhay mo? Break na tayo!"

Ngumisi si Chona habang pinapanood ang palabas sa TV. Komportable siyang nakaupo sa blue green na sofa sabay kain ng potato chips.

Parang nakita niya ang kanyang sarili sa karakter ng babae sa TV. Lumuluha itong nag-walk out sa lalaking may nakaakbay na babae sa tabi. Nagtatakbo ang nasabing babae sa eksena hanggang sa makarating ito sa park at naupo sa isang bench sabay iyak. Tumugtog ang heart-breaking background music at nag-cut na rin sa commercial break.

"Parang ako lang iyan noong araw ah," natatawang bulong ni Chona sa sarili. "Ay hindi, siguro mga ten or twelve years ago na. Kung nagsimula ako makipag-date at eightteen, twenty years ago. Wow, ang tagal na."

Kinuha niya ang remote control at nag-turn off na ng TV. Napasandal siya sa sofa at nagbalik-tanaw sa kanyang naging buhay pag-ibig. Mas makulay pa ito kaysa sa mga teleserye sa telebisyon. Makikipag-date, magkakarelasyon, mag-aaway, makikipag-break, at makikipag-date ulit pagkatapos lang ng ilang araw o linggo. Pinakamatagal na niyang panahon kung kailan siya naging single ay umabot sa tatlong buwan, hanggang sa makilala niya ang taong iyon.

Napailing si Chona.

Ang tagal na noon, huwag mo na siyang isipin! Paalala niya sa sarili. Huwag na natin isipin ang sakit na dinulot niya! Akala ko ba hindi ka nagsisisi doon?

Pinilit niya na ibahin ang takbo ng isipan. Inilibot ni Chona ang kanyang mga mata sa apartment unit na kanyang tinitirahan.

Kahit lampshade lang sa tabi ang pinanggagalingan ng ilaw ay kabisado niya ang bawat sulok nito. Ang dining at kusina sa may kaliwa, na may maliit na ref sa tabi ng lababo, at pintuan ng banyo.

Kapag naglakad siya ng diretso ay mararating niya ang kanyang kwarto na nasa likod ng TV set. Matagal na rin siyang hindi natutulog sa kama. Mas gusto niya sa sofa abutan ng antok habang nanonood ng TV, lalo na kapag Biyernes at Sabado ng gabi at ang pampalipas-oras niya ay mag-channel surf hanggang sa may magustuhan siyang palabas.

Napupuno ang kanyang munting espasyo ng mga alaala kung kailan kasama niya ang kanyang ina mula nang siya ay bata pa. Tatlong taon na ang nakaraan mula nang yumao ang kanyang nanay, at hindi niya maitatanggi na nami-miss pa rin niya ito, kahit na madalas siyang masabihan nito dahil sa naging takbo ng kanyang buhay.

Ngayon, ang lumang apartment unit ang kanyang tanging namana mula sa ina. Mula sa lumang blue green na sofa na malapit nang matuklap hanggang sa mga muwebles at cabinets, lahat nito ay pinundar ng kanyang nanay.

Minsan na rin naisip ni Chona na maghanap ng mas maayos na matitirahan. Pero panibagong suliranin naman ang kanyang mararanasan, gaya ng pagbabayad ng upa. Kung rent to own man ay di rin niya kakayanin ang gastos. Sapat na ang kanyang kinikita sa trabaho para lang sa kanyang sarili.

"There's no place like home".

Ito ang dahilan kaya niya di maiwan ang kanyang apartment unit. Aminin man o hindi, may sentimental value ito sa kanya kahit gaano pa ito kaluma, gaya na lang ng buong building na kanyang tinutulyan.

Gusto ni Chona ng pagbabago pagdating sa bahay at buhay, ngunit natatakot naman siyang gumawa ng paraan para matupad ito. Sa bagay, ang hirap nang umalis sa nakasanayan.

Love At The End (LATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon