Chapter 1

752 3 0
                                    

Halos humiyaw na ang puso ko sa kaba papasok sa tambayan namin ni Ariah. It's a cake shop, we both like sweets.

Natatanaw ko na siya sa loob. Wag na lang kaya ako tumuloy? Takot ang malaman ang katotoohanan na siya ang papakasalan ng ex boyfriend ko.

Paalis na sana ako ng biglang..

"Eliz!" Shet. Wala akong nagawa kundi lingunin siya, I know that voice kahit two years ko ng di naririnig ulit iyon

Naglakad na ako papalapit sa pintuan ng cake shop. "How are you Eliz? Bakit parang aalis ka na kanina?" Takang pagtatanong nito.

"Ah eh late kasi ako akala ko wala ka."

"Ah okay, hmm tara na sa loob? Inorder ko na yun favorite mo." Nginitian ako nito. Now tell me paano ko makukuha ang ex ko kung sa kagaya niya ito babagsak?

"Eliz sobrang saya ko." Kita ko sa mga mata nito ang kasiyahan pero hindi nito alam na winawasak ako ng mga sasabihin niya.

"Kailan ang kasal mo?" Tanong ko kinakabahan ako.. ayokong malaman kung sino.

"Next two months ay ikakasal na ako. December 16 ang exact date. Don't worry I will send you an invitation card pagnagawa saka dapat talagang padalhan kita. Bride's maid kita eh."

Gusto ko ng maibuga yung cake na nginunguya ko sa sinabi niya.

"Ako?!" Tumango ito, malas ba ako? O sadyang malas lang talaga? Siya na ang papakasalan ng ex ko tapos bride's maid pa ako. Grabe talaga ang tadhana!

"Bakit ayaw mo ba?" Umiling ako. "No okay lang saakin." Okay lang saaking kung hindi mo na siya papakasalan.

"By the way, nakikilala ko siya nung nagpunta siya sa Canada. Isa siya sa mga nasa board meeting that time. As a secretary of my dad nandun ako at unang kita ko pa lang Eliz alam kong siya na."  Napahawak ako bigla saaking dibdib. Para akong tinutorture sa mga salita niya. "Okay ka lang Eliz?!" May bahid ng pag-alala ang tanong nito.

"I-i'm fine... pero sino ba 'tong lalaki na ito? Ilang buwan na kayo?" Kailangan ko ng malaman ang totoo para ngayon pa lang alam ko na kung dapat ko pa ba siyang bawiin o hindi na.

"Actually I met him last 6 months ago and nainlove na agad kami sa isa't-isa.. kaya we decided na magpakasal na..." grabe hindi ko nahalata na may iba na siya habang kami pa!  "So, a-anong pangalan niya?"

Ngumiti ito saakin "Jhake Ircz Salmonte."

Napahawak ako sa lamesa.. tama nga si Emman. Ikakasal na siya at sa bestfriend ko pa!

"Okay ka lang Eliz?" Binalingan ko ito ng tingin at awkward na ngumiti.

"O-oo, sorry kailangan ko ng umalis." Tumayo na kaso saktong pagtayo ko nakita ko ang matagal ko ng gustong makita..

"Babe!" Nagkatinginan kami at kita ko sa mata niya ang gulat.

Miski ako Jhake na bestftiend ko ang papakasalan mo at matagal mo na pa lang babae.

"Babe buti dumating ka." Sabi ni Airah na nakayakap na pala kay Jhake.

"Ofcourse pupunta ako." Hindi ko na 'to kinakaya. Kaya humakbang na ako hanggang sa magkalapit na kami. Naamoy ko ang pabango niya. Hindj pa din pala siya nagpapalit.

"Mauuna na ako  Airah." Sabi mo ngunit hinawakan ako nito sa braso. "Nandito na si Jhake oh, why not ipakilala ko siya sayo? Para naman makilatis mo."  No need kilala ko na yan miski sa kuko niya. Hello! Dalawang taon kaya kami!

"Pero..." wala na akong nagawa ng hatakin niya ako paupo don sa table namin. Magkatabi sila. Oh edi kayo na sweet! Bwisit!

Nilaro laro ko lang yung cake sa plate ko. Ayoko silang tignan at baka maitusok ko sa malalapad nilang noo tong tinidor na hawak ko!

His Pleasure (SPG)Where stories live. Discover now