“Sira ka!” – sabi ko.
“May laman ang bibig mo wag ka magsalita.” – suway niya, para siyang si Daddy. :(
Ganun lang nangyari, kumain kami ng ganung pwesto, share kami sa kutsara. Pagkatapos naming kumain naghugas na ko ng pinggan.
“Oh? Hindi ka pa ba uuwi? 11pm na..” – sabi ko sakanya.
“No.” – sagot niya habang nakatutok yung mata sa TV.
“Hoy Matthew! Umuwi ka na.” – sabi ko.
“Dito ako matutulog.” – sagot niya sabay lipat ng channel.
O.O
“Sira ka ba! Umuwi ka na nga!” – sigaw ko.
“A-YO-KO! dito nga ko matutulog!” – sigaw niya rin.
“Matt—“ – di ko natuloy yung sasabihin ko.
“Ate, kung gusto dito matulog ni Kuya Matthew dito mo patulugin.. Kung dati nga sa bahay din natutulog si Kuya Tj..” – sabi ni Dixie sabay punta sa kitchen.
-_- ako.
--_-- Matthew.
Dumaan ulit si Dixie.
“Kuya Matthew! Dito ka na matulog ha!” – sabay panik sa kwarto niya.
Tahimik lang kami..
Umupo ako sa tabi niya..
“Huy..” – tawag ko sakanya sabay kuhit.
Di niya ko pinansin?
“Matthew..” – tawag ko ulit..
Tss, ang daldal naman kasi ni Dixie..
“Babe..” – tawag ko ulit.
Tumingin siya sakin..
Ewan ko kung matatawa ba ako o ano?! HAHA .. yung mukha niya kasi parang bata!
“Natutulog siya sa bahay niyo dati?” – seryosong tanong niya, bigla nanaman nagbago yung expression ng mukha niya.
YOU ARE READING
Numb is in
Teen FictionPaano kung ang taong mahal na mahal mo ay iiwanan ka para sa isang bagay na hindi mo inaasahan? Ipaglalaban mo pa ba siya kahit alam mong mali na? O kakalimutan mo na siya para sa isang taong alam mong palaging nanjan para sayo? Ito po ay kabaliwan...
CHAPTER 30: Promise
Start from the beginning