CHAPTER 30: Promise

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkalabas namin sa kwarto ni Mommy, hinila niya yung kamay ko, at bumaba kami.. umupo kami sa sofa, nakatalikod ako sakanya tapos siya yakap yakap ako at nakapatong yung ulo niya sa balikat ko habang pinaglalaruan yung kamay ko.

“Kala ko ba nagugutom ka na?” – tanong ko sakanya..

“Mamaya nalang tayo kumain.” – sagot niya.

Natahimik nanaman kami, pero ganun parin yung pwesto namin. Ano kayang pinag usapan nila ni Tj?, akala ko magagalit siya sakin kasi naabutan niya kaming magkayakap ni Tj sa labas.. napaka understanding naman nitong tao na ‘to.. sinong mag aakala na mamahalin ko yung pinsan ng dating boyfriend ko?

“Babe...” – bulong ko, medyo nahihiya pa kong tawagin siya..

Naramdaman kong ngumiti siya, at naramdaman kong dumampi yung labi niya sa balikat ko.. dahil sa pagtawag ko sakanya ng babe napasaya ko na agad siya?

“Hmm?” – sagot niya.

“Bakit mo kami pinag usap ni Tj?” – tanong ko sakanya.

“Wala.” – sagot niya.

“Bakit nga?” – sabi ko.

“Hmm.. gusto ko lang malaman kung sinong pipiliin mo.. kung may nararamdaman ka pa para sakanya pagkatapos mong malaman yung reason niya..” – sagot niya.

“Nagdududa ka pa sakin?” – mahinang tanong ko.

“Hindi naman sa ganon.. pero alam ko naman na hindi biro yung taon na pinagsamahan niyo..” – sagot niya..

“Talaga lang ha!” – sigaw ko sakanya sabay hampas sa kamay niya.

Humiwalay ako sa yakap niya saka tumayo.

“San ka pupunta?!” – tanong niya.

Hindi ko siya pinansin, pumunta ako sa kitchen saka naghanda ng pagkain namin. Sumunod naman siya. pupunta sana ko sa ref para kumuha ng inumin pero bigla niya kong hinila paupo sakanya.

“Matthew! Ano ba!” – sigaw ko. Nakaupo ako ngayon sa lap niya habang yung isang kamay niya nakayakap sakin.

“Kakain na tayo!” – nakangiting sabi niya, saka ginamit ang isang kamay para sa kutsara at kumuha ng pagkain.

“Ahh.” – sabi niya sabay subo ng kanin at ulam sa bibig ko.

Numb is inTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon