Padabog niyang kinuha ang bag niya at inirapan ako. Tignan mo 'to hindi ko naman siya inaano bigla na lang mang-iirap. Tss. San naman kaya siya pupunta at napaka sexy pa ng porma niya. Pag siya nabastos eh. Psh. Ilang saglit pa lang siyang nakakalabas ng silid ay sumunod na din ako. Ihatid ko na nga siya para alam ko naman kung saan siya pupunta.

Paglabas ko ng silid ay narinig ko na agad ang pagtawa ni Jackie at ni Papa. Kakaiba talaga closeness nilang dalawa hindi ko maipaliwanag pero parang nagngingitngit ang puso ko pag nakikitang masaya si Jackie na nakikipagtawanan sa iba na minsan pa lang ata niyang nagagawa kasama ako. Nagseselos ako? Hindi naman siguro. Hay ewan! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Hindi pa din kasi ako kumbinsido. Hindi ko pa lubos na kilala si Jackie. Sa mga pinapakita niya sa akin? Sa pagiging vocal niya sa akin na pera lang ang habol niya. Paano naman yun? Paano ko siyang mamahalin na tuluyan kung ganoon siya? Hindi ko alam kung tama bang maniwala ako na isa nga siyang opurtunista. Target nga ba niya talaga ako noon pa at inalaan niya ang virginity niya para makuha ako? Ang gulo!

Halos maikuyom ko ang kamay ko ng makitang hinawakan na naman ni Papa ang kamay ni Jackie. Hindi ko na kaya. Bumalik na ko sa kwarto at nahiga sa kama. Tumitig ako sa kisame.

Sino ka ba talaga Jacques?

***

Jackie's POV

 Pagpasok ko sa bar ay agad kong nakita si Ambrose na abala sa pag-fflair ng inumin. Tahimik na lamang akong napapito. Shems! Ganito ba lahat ng bartender? Lahat na lang ba ng pupuntahan kong bar ay may ganitong ka-hot, gwapo at nag-uumapaw ang sex appeal na bartender?!! Lumapit ako sa counter at naupo sa isang stool sa may tapat niya, agad naman niya akong nginitian at tumigil sa kanyang ginagawa.

"Magiging suki nga kita." mapanukso niyang tingin sa akin. Kumindat lang ako sa kanya at pinaglaruan lang ang daliri ko sa counter.

"Sabi ko naman sayo mapapadalas ako dito." maarte kong sabi sa kanya. Kung meron man akong napansin ay sadyang mga flirt ang mga bartender lalo na sa mga flirt na customer. Haha. Humingi lang ako sa kanya ng isang glass ng martini na agad naman niyang ibinigay. Nagtawanan lang kami at nagkwentuhan sa mga walang kwentang bagay.

"Diba De Vera ka? So kaanu-ano mo si Sander de Vera at Stanley de Vera?" bigla niyang tanong sa akin. Naku. Sasabihin ko bang asawa ko si Stanley? Hindi kaya masira strategy ko? My goolay!

"Uhmm. Actually a-asawa ko si Stanley. Hehe" napakamot lang ako sa batok ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Oh? Hindi ko alam na kinasal na pala siya. Congratulations then." bakit ganun? Mapang-akit pa din siya? Don't tell me game pa din siyang makipag landian sakin? Wow lang ha?!

"Parehas din pala kami ng tipo ni Stan? Akalain mo yun?" medyo nailang ako ng tignan niya ko. Talaga? Ganito tipo niya? Taklesa? Di naman ata eh. Pinagloloko ata ako ng Ambrose na'to baka mamaya umasa ako. Hahaha.

"Hindi naman siguro! Hahaha." sabay inom ko sa martini ko.

"Nagtatrabaho ka? Sa yaman ng asawa mo hindi mo na kakailanganin."

"Isa kong Real State agent. Haha. Gusto ko pa din mag-trabaho ayokong umasa kay Stan." this is it na! Kailangan ko ng mag sales talk ng bongga! Ito na ang right time. Haha.

"Talaga?! Sakto pala eh. May lupa ba ang kompanya niyo sa Puerto Azul? Balak ko sanang magtayo ng bar dun. Dahil nagsisimula palang ang resort na yun ay paniguradong dudumugin yun ng mga turista. Ano sa tingin mo?" halos maging peso sign na ang mga mata ko! Shit! Coincidence lang kaya 'to? Kaloka!

"Oo naman. Actually sinosold out na namin lahat ng lupa namin dun. Sakin ka na lang bumili may discount ka dahil gwapo ka. Haha" tumawa lang siya at tumango.

"Hindi yun ganun kadali Jackie. Hindi naman ako ganun kayaman katulad ng asawa mo na kayang bumili ng kahit ilang lupa anumang oras. Kailangan ko ng magandang deal." naging seryoso siya at tumitig sa akin. Ano naman kaya ang gusto niyang sabihin? Ayoko na ng ganitong deal. Napapahamak lang ako eh. Nung una, dahil sa kagustuhan kong makabenta ay nakipag-deal ako kay Stan sa 13 Hell Shots na naging sanhi para may mangyari samin at magpakasal kami. Ayoko ata ng isa pa. Bakit ba ganito napupunta saking mga kliyente? Mga tuso!

"Maganda naman ang offer ko sayo ah? Discounted ka na. Maganda pa yung lupa. Pwede pa kitang samahan para makita yun kung gusto mo." please naman wag ka ng magpapilit oh. Ayoko ng malagay sa alanganin dahil sa isang deal na pagsisisihan ko habang buhay. Oo, nagsisi ako na pumayag ako sa 13 Hell Shots deal. Dahil dun napahamak ang puso ko.

"Let's have a deal." kinakabahan ako sa tono ng pananalita niya. Ano naman kaya yun?

"What is it?" wala namang masama kung marinig ko yung proposal niya eh.

"Ibigay mo sa akin ang listahan ng 13 Hell Shots at bibilhin ko lahat ng lupa sa Puerto Azul." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Alam kong alam mo ang 13 Hell Shots. Yun ang larong ginawa ni Stanley para sa bar niya. Hindi pa naman opisyal na pinapakilala yun. Deal?" napailing ako. Nanakawin ko ang 13 Hell Shots? At ano uunahan ni Ambrose si Stan na i-release ang 13 Hell Shots? Mapapatay ako panigurado ng asawa ko.

"Pag-isipan mong mabuti Jackie. Malaking pera ang naghihintay sa iyo." dumukwang siya at hinalikan ako sa pinsgi at ngumiti na animo may masamang binabalak.

13 Hell Shots na naman ang involve sa deal na'to?!!


to be continued...



Hindi ko na nasunod yung update ko every Tuesdays and Fridays. =( Anyway ayan na po ang update sana magustuhan niyo. COMMENTS! Hihi

Uy benta sakin yung loveteam ni Jackie and Pat. Hahaha! #PaJack

Kaloka andaming ka-loveteam ni Jackie ah! #JackLey #JanDer #JackRose #PaJack


BonitaBabyy

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon