Chapter 4: Behind Her Smiles

13.7K 565 24
                                    

Umuwi ako nang maaga para magluto.

Oo . . . Magluto.

Nagluto ako ng dalawang hotdog tapos nilagay sa isang baunan. Kinuha ko yung isang Yakult na babaunin sana ni Gerald para bukas. Kinuha ko yung bike ko at pumunta sa park.

Halos isang linggo na rin kaming ganito.

Nakilala ko na rin siya nang mas malapit. Nalaman ko na isang beses sa loob ng dalawang linggo, pumupunta yung mama niya sa bahay nila para mag-iwan ng mga groceries. Kaya pala natitiis niya ang ganoong pamumuhay.

"O eto," sabi ko habang abot-abot ang baunan.

"Di ba sabi ko sa 'yo wag mo na ako baunan?"

"Ayoko."

"Pinagalitan ka na ng mama mo kahapon at noong isang araw."

"Hayaan mo sila."

"Ayos lang naman."

"Mula nang sinabi mo sa 'kin na isang beses ka lang sa isang araw kumakain, nangako na ako na babaunan kita," sabi ko. "Kahit man lang dalawang beses sa isang araw ka kumakain."

"Sinabi mo rin 'yan kahapon."

"Pati 'yan, sinabi mo rin kahapon."

Ngumiti na naman siya. Ewan ko ba. Sa tuwing ngumingiti siya, pakiramdam ko, ako na ang pinakamabait na tao sa buong mundo. Hindi ko rin alam kung ba't ko 'to ginagawa.

Habang iniisip ko ang mga 'to, nagring ang cell phone ko. Pagtingin ko, tumatawag si Ethan.

"Hello?" sagot ko kay Ethan.

"Tol, sa'n ka?"

"Bakit?"

"Basket tayo."

"May ginagawa ako."

"Grabe naman. Noong isang linggo gano'n din ah. Sige na."

"Pasensiya ka na pero—"

"Hello," biglang salita ng babae na alam na alam ko kung sino. "Nathan?"

Napatigil ako. Siya lang naman yung babaeng minahal ko sa nakalipas na tatlong taon.

"O," sagot ko na may patay na tono. "Sam."

"Asan ka?" tanong niya. "Puwede ba kita puntahan? Gusto kita makita! Kasama ko si Eth—"

"Hello? Hello?" tanong ko, nagkukunwaring nagkakaproblema sa linya. "Wala akong marinig."

"Nath—"

Dial tone.

Binaba ko na at pinatay ang phone ko. Ayoko siyang kausap. Naaalala ko pa yung ginawa niya sa 'kin noong huling beses.

"Sino 'yon?" inosenteng tanong ni Mary.

"Wala," sagot ko.

"Girlfriend mo?"

"Wala ako no'n. Ikaw, nagka-boy—"

"Salamat sa pagkain."

Naramdaman ko yung pagiwas niya sa tanong ko, kaya sumabay na lang ako sa gusto niyang daloy ng usapan. Ayoko rin naman pilitin siyang magkuwento.

"Oo naman. Teka, matagal ko na kasing gusto itanong to e," pag-iiba ko ng usapan.

"Ano 'yon?"

"Tinanong kasi kita sa kaibigan ko dati. At ang sabi niya . . . Rebecca daw ang pangalan mo. Bakit ang pakilala mo sa 'kin e . . . Mary?"

"Pag ipinaliwanag ko sa 'yo ngayon, hindi mo na maiintindihan ang kaibahan ng tubig at apoy."

"Ibig sabihin, mahabang kuwento?"

A MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon