Twenty

389 13 1
                                    

CLINT'S POV

Tinatanong ko ngayon ang sarili ko. Kung bakit ko nagawa yun, eh nakayanan ko naman pala mag-isa. At ngayon anim na taon na rin ang nakakalipas simula nung nalaman kung umalis pala ng bansa si Audrey. At sa anim na taon na yun, nakapagfocus ako ngayon. Nakakuha ako ng magandang course, at may special course din ako. Photography.

Sa anim na taon na yun, marami akong napagdaan ng walang girlfriend. Engage na si Clarence at si Jeslyn, malapit na rin mag-college si Andrew. Simula nun, wala na akong nakuhang impormasyon tungkol sa kanya. Bukadtangi lang dun ang nalaman kong naging model na sya.

Ngayong umaga, isang ordinaryong umaga lang. Natatandaan ko ngayon ang alis ni Audrey sa Canada. At ngayong araw din sya noon umalis dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung pano ko sya kayang kausapin, hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko.

(FLASHBACK)

Mahal ko pa ba si Audrey? O hindi na? Hay! Ang hirap! Naguguluhan na ako! Pumikit muna ako saglit at nag-relax....

Ang lagi ko lang naiisip si Audrey, parang hindi ko na nga masyadong namumukaan si Bell. So ibig sabihin ba nun, mahal ko pa si Audrey? Mahal ko nga si Audrey.

Hindi nyo lang alam na kanina pa ako naka-impake at may passport at visa na rin ako. Isang buwan na ang nakakalipas simulang pag-isipan ko ito at nang makaalis sya.

At pagkatapos ng maraming oras, nakarating na rin ako sa Canada. Medyo nakakapagod rin. At hindi ko pa alam kung nasan si Audrey. Sa pagkalawaklawak pa naman ng Canada, eh hindi ko talaga sya mahahanap. Hindi ko pa naisip yun, dahil sa pagka-tension ko nakalimutan ko ng tukuyin kung nasan talaga si Audrey.

Hay.. Naglakad lakad muna ako. At maganda nga ang Canada, malamig at parang comportable. Nang may nakita akong mga posters. Mckenzie ang pangalan, napaka-unique pero magandang pangalan, I bet maganda rin yung babae.

May nakita akong nagtatakbuhan na may mga camera? Siguro sila yung paparazzi. Ang ganda nung babae, pero saglit p-parang si Audrey yun ah? S-si Audrey nga! Dali dali na rin akong tumakbo papunta sa kanya, at nung isisigaw ko na ang pangalan nya nakita nya ko. At mukhang nagulat sya, sya nga si Audrey.

"Audrey! Audrey!" Tinatry ko talaga syang tawagin pero umiwas lang sya sakin. At may ka-hold hands pa syang l-lalaki.

Parang bumabagsak ako. Ganito rin kaya yung nararamdaman ni Audrey nung nalaman nyang rebound ko lang sya?

At nanlumo ako. Napag-isip isip ko na rin sa isang buwan, pwede ka na ngang magkaroon ng bago. Sa isang buwan may karelation ka na. Umuwi ako sa Pilipinas ng walang kaganagana.

Si Tabachoy at Si PayatotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon