Forty

321 10 0
                                    

AUDREY'S POV
Maaga akong nagising ngayon, pero wala na si Clint sa tabi ko. Asan naman kaya yun?

Hayy. Naalala ko na naman tuloy yung tumawag samin kagabi. Galing sa mga pulis ang tawag, at sabi nila pinatay ni Bell ang sarili nya. Alam kong safe na kami dahil wala na talaga sya. But..

Death is an easy escape.

May parte ng sarili ko na masaya at malungkot. Masaya dahil wala na sya, malunkot dahil saglit lang nya pinagbayaran lahat ng kasalanan nya.

Naisip ko na lang na lahat ng lungkot ay may kapalit na kasiyahan.

Wala dapat akong ikalungkot ngayong araw dahil ito ang araw na muli kong makikita ang mga kapatid ko. Kailangan maging positive ako! Tama, dapat always think positive.

"Ate?" Narinig ko si Nelli sa labas ng kwarto ko. "Pasok!" Sigaw ko naman.

Pagkapasok nya may dala dala syang tray, na puro pagkain lang. "Breakfast in bed!" Sigaw nya ng nakangiti saken. "Ikaw nagluto?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm. Hinde ate, hehe. Si kuya Clint ang nagluto." Si Clint? Eh bakit si Nelli ang nagdala? "Ako na ang nagdala kase may gagawin pa daw sya. Tsaka ate, may iniwan syang note. Di ko binasa yan, promise!" Nagtaas pa talaga ng kanang kamay si Nelli. Hmm, mabasa nga 'tong letter.

To my one and only girlfriend, Audrey.
From your handsome boyfriend, Clint.
Hi babe! Siguro nababasa mo na 'to ngayon at andyan na si Nelli dala ang breakfast mo. Niluto ko yan para sayo! Your favorite! Bacon & eggs. Sana magustuhan mo babe. Tatawagan na lang kita mamaya! Mahal na mahal kita! XOXO

"Ate! Okay ka lang ba?!" Bigla akong natauhan ng inalog ako ni Nelli. "Oo naman, okay lang ako noh." Sabi ko sa kanya at magsisimula na sana akong kumain ng.. "Eh bakit pulang pula ka na?!" Sht. Sabi ko na nga ba eh. "Tas ang init mo ate!" Natataranta na si Nelli dahil saken.

"Ay, saglit. Di kaya kinikilig ka? Yieee!" Asar pa saken ni Nelli. G-r-r-r-r-r. "Haha. Sige na Ate kumain ka na nga muna, haha." Buset kasi 'tong si Clint eh. Kahit simpleng ganyan lang ni Clint, kinikilig na ako. :'>

Si Tabachoy at Si PayatotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon