LAST

1.1K 18 9
                                    

Alas dos palang ayos na 'ko 'di ko excited ha medyo lang pero di pa ko naalis ng bahay naka plain white shirt lang ako at nakamaong short.

2:30 umalis na 'ko ng bahay ayoko kasing malate nakakahiya kaya. Sumakay na 'ko ng tricycle papunta do'n.

Medyo malapit lang sa'min yung Loumars kaya mga 2:45 na 'ko nakadating do'n.

Habang inaantay si Marco umorder muna 'ko ng Frappe at nagbrowse ng Fb tapos nag ml.

Biglang may bumulong sa 'kin

"Cancer"

Aba't ang yabang neto a. Nagulat ako ng makita ko si Maki. Crush talaga ako neto .

"Yabang mo Master na kaya 'ko." pagyayabang 'ko sa kanya ngunit 'di niya 'ko pinansin at umupo nalang sa harap ko.

"Ba't ka andito?" tanong ko sa kanya.
pero di 'ko pinansin aba't feeling famous.

Kinuha niya yung Frappe ako at sumipsip.

Kapal naman porke pogi lang

Bigla nalang nagvibrate yung cellphone ko at nakita ang text ni Marco.

Marco: Ganda mo
Marco: sakalin
Marco: jk

Ok na sana eh ba't may sakalin kaasar.
Tinext ko siya at tinanong kung nasan na siya.

Marco : hanapin mo
Marco : basta pinagmamasadan kita.

Lumingon lingon ako dito baka makita ko siya pero wala naman akong nakita. Napansin kong nakatitig sa 'kin si Maki.

Bumilis ang tibok ng puso ko baka siya?

"Bakit ka ba talaga nandito?" tanong ko sa kanya. "Crush mo siguro 'ko no?" dagdag ko.

"Oo crush kita." Kinilig ako dun pero parang nagbibiro.

"Corny ng joke mo." tugon ko sa kanya pero nakatitig lang siya sa 'kin. Parang matutunaw na 'ko.

"Tara na." Hinigit niya 'ko palabas ng café at hinawakan ang kamay ko.

Ay pafall.

"May meet up ako." sabi ko sa kanya at agad binitawan ang kamay niya.

"Dito na 'ko." sabi niya.

Ha?pinagsasabi neto.

"Ha anong dito?" pagtatakang tanong ko.Bigla naman nagvibrate ang cp ko natawag si Marco.

"Dito na nga 'ko."sabi sa kabilang linya. Pamilyar ang boses niya tumingin 'ko kay Maki at nakita kong hawak hawak niya ang kanyang telepono.

"Tinitignan mo nga 'ko e."dagdag pa niya. Pinatay ko na ang tawag at hinablot ang cellphone ni Maki at nakita ko yung pangalan ko.

"Tara na nga kasi." Ulit niya at hinawakan uli ang kamay ko.
Samantalang ako ay di makagetover sa nangyari matagal na niya 'kong kilala.

Sino ka ba talaga?Yan ang nasa isip ko. Pero hindi ko nalang pinansin dahil ayokong mas lalong maging magulo ang pagkatao ni Maki sa 'kin.

"Sa'n tayo?" yun nalang ang tanong 'ko.

Hindi niya 'ko sinagot at dinala 'ko sa sa iba't ibang lugar ang saya feeling ko bata uli 'ko hindi ko to naranasan simula nung bata 'ko.

Matapos namin magsaya hinatid niya 'ko sa bahay.

"Salamat ha." sabi ko sa kanya dahil ang saya kong ngayong araw.

"Basta ikaw." sambit niya at naglakad papalayo.

"Ingat kaa!!" sigaw ko para marinig niya.

Pangit ang naging simula namin pero alam kong magiging maganda ang dulo namin. Mula landian hanggang sa magkaibigan.

____________
Medyo binago ko ending  xD jejemon kasi amp.Bahala kayo kung anong basa niyo sa magkaibigan.
Kung ano yung pagkabas niyo yun yung label nila.

Salamat sa pagbasa!


LANDIANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon