Chapter Two

3.1K 101 17
                                    

Mahinahon. 

Teka, ano nga ba ang salitang 'yun? Limot ko na ata ang salitang 'yun, ni hindi ko na mahagilap sa bokabularyo ko ang salitang 'yun. Mahinahon. Pa'no nga maging mahinahon, sabihin niyo nga, pa'no nga ulit 'yun?

Nagpanting na lang ang tainga ko habang nakatingin sa lalakeng nakapulang jersey na prenteng nakaupo sa sala ng bahay namin.

"Ate, si Blake pala, 'yung tinu-tinutukoy kong kaibigan ko," singit ni Josh na halatang natataranta na dahil umuusok na ang aking tainga.

"Paki ko ba? Tinatanong ko ba pangalan niya?!" sabat ko naman. Toreteng umiling ang kapatid ko kaya tinutok ko na lang ang konsentrasyon ko sa lalaking parang hindi apektado sa pagtataray ko.

"Hello," nakangiting sambit niya. Halos ibalibag ko na ang tiles ng sahig namin pero dahil hindi ko kayang katkatin isa-isa ay napabuntong hininga na lang ako. Naghintay pa ako sa mga sasabihin niya o gagawin pero mukhang walang planong lumabas itong demonyong ito!

"Isa, dalawa..." panimulang pagbibilang ko.

"Tatlo, apat, lima, anim..." panunuyang turan niya. Napasabunot ako sa ulo at mabilis na kwinelyuhan ang lalakeng demonyito.

"Kapag nagbanta ako, matuto kang sumunod, okay?" nanggagalaiting sambit ko. Ngumiti lang ang loko at tumango.

"Oo na, Lola," sambit pa nito. Tae, ang sarap niyang lapirutin! Pwede bang maging legal na lang ang pumatay? Harujusko, kapag naging legal 'yang pagpatay na 'yan, etong lalake na 'to ang uunahin ko. Takte!

"Pito, walo, siya--"

"Ate, skater din siya!" biglang sabat ni Josh. Natigilan ako sa pagbibilang at animo'y naistatwa pang nakatingin sa demonyitong nakapulang jersey. Akalain mo 'yun, skater pala 'tong anak ng hindi ko alam kung anong lalakeng 'to?

"Ako Josh, 'wag mo kong pinagloloko, kaya kong putulin 'yang B mo!" banta ko sa kapatid ko.

"Ate naman!" sumbat ng kapatid ko. Umiling lang ako at tumingin ng diretso sa kapatid ko.

"Oo, skater 'yan. Baguhan nga lang," dagdag niya pa. 

"Totoo ba ang sinasabi ng kapatid ko?" tanong ko naman sa demonyito.

"Oo."

Tumingala ako sa itaas at bumulong.

"Ikaw talaga Lord, pinagtritripan mo ako eh. Alam mo namang weakness ko ang skater eh," bulong ko habang nakatingala.

"Anong sinasabi mo?" tanong ni demonyito. Mabilis naman akong humarap sa kanya at ngumiti ng pilit.

"Wala, orasyon lang." Naikuyom ko na lang palad ko. Bakit ba kasi? Bakit ba hindi pwede? Lechon manok naman oh!

"Orasyon? Para sa ano?" usisa niya pa. Ay naku, ang sarap niyang turukan ng pampatulog eh, 'yung poreber ang bisa. Huminga ako nang malalim at sumagot.

"Para umitim ang pwet mo!"

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Wala naman akong ibang maririnig sa bibig niyang na ikaga-ganda ng mood ko. Mabilis akong tumakbo paakyat sa kwarto ko, hindi na alintana ang sakit na dinulot nang pagkabagsak ko sa parke. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ipinangako ko kasi sa sarili ko na magiging mabait ako sa lahat ng skater na makikilala ko.

Dahil sa pisting pledge na 'yan, hindi ko tuloy magawang isumpa ang kasumpa-sumpang lalakeng 'yun. Nang marating ko na ang kwarto, agad akong sumalampak sa kama kong natatakpan ng asul na comforter. Tiningnan ko rin ang kwarto kong punong-puno ng mga bagay na hindi makikita sa normal na kwarto ng babae. Skateboard, longboard, iba't ibang accesories para sa boards ko, fossilized tarantula, buhay na tarantula, iba't ibang poster ng mga idolo kong skaters at kahit na nga ang life-sized Sadako na nakahiga sa kama ko ay naka-imbak sa kwarto ko. Yinakap ko si Sadako, malambot kasi siya dahil kahit mukhang totoong-totoong tao siya eh gawa naman siya sa cotton. Basta, malambot. Period. Siya ang extra unan ko dito eh, lagi kong yinayakap pag natutulog ako.

Napakamot na lang ako sa mahaba kong buhok nang maalala ang pledge na ginawa ko sa harapan ng pinsan kong si Kuya Myco.

"I do solemnly swear that as a skater, I won't hold any grudges to any skater that I'll meet." Nginitian ko ang pinsan kong si Kuya Myco na matiyagang nagturo sa'kin mag-skate.

"Ayan, kumpleto na! Skater ka na talaga, tuparin mo 'yan ah. Dapat, maging kapatid ang turing mo sa lahat ng skater na makikilala mo."

"Teka, kailangan ba talaga 'yun?"

"Oo naman, international pledge 'yan ng mga skater. Tuparin mo para legal ka," seryosong sagot niya pa.

"Okay," wala sa loob na sagot ko. 

Akala ko kasi dati, lahat ng skater, cool. Hindi pala. Sabi nga nila, in every rule, there's an exception. In every system, there's a glitch. At ang exception at glitch na 'yun ay walang iba kundi ang epal na lalakeng nasa ibaba. Haaay, pengeng tinapay.

Narinig ko ang tawanan ng dalawa sa ibaba. Kinagat ko na lang palad ko sa sobrang inis. Mukhang magiging kalbaryo ata ang buhay ko ngayong pumasok na itong demonyitong 'to sa buhay ng kapatid ko. Harujusko, patnubayan ako nawa ng Panginoon.

---

Sabado ng hapon ay inalok ako ni Josh na tumambay sa parke at maglong board. Dahil ito lang ata ang matinong maaari kong gawin bukod sa pagtambay sa bahay at panunuod ng horror movies, sinakyan ko na lang ang trip ng kapatid ko.

Hapong-hapo akong umupo sa isang sementadong upuan sa parke matapos ang halos isa't kalahating oras na paggawa ng mga tricks. Nang may dumaang nagtitinda ng ice candy ay agad ko itong tinawag.

"Isa nga," sambit ko. Tumalima naman ang bata at agad na inabot sa'kin ang chocolate flavored ice candy. Inabot ko naman sa kanya ang limang piso.

"Salamat po," nakangiting turan niya. Tumango lang ako at kaagad na kumagat sa ice candy ko. Hindi pa nga nabubuksan ang ice candy ko ay agad na nagnakaw ng pansin ko ang isang lalakeng naka-hoody.

Simple lang ang ginagawa niyang mga moves. Starters pa lang nga eh, pero precise lahat ng galaw at bagsak nito. Halos mapanga-nga na nga ako habang nakatitig sa lalakeng naglo-long board na nasa center part ng parke, hindi kalayuan sa bench na kinauupuan ko.

Gusto ko ngang lumapit para tanungin kung pa'no niya nagawa ang mga 'yun pero natigilan ako nang alisin niya na ang hood niya. Ang poging tingnan, nakatalikod pa lang. Lumapit ang kapatid kong si Josh sa lalake at nakipagfist-bump sa lalakeng naka-hoody.

Eto naman akong si epal kaya lumapit na rin ako.

"Uy, astig mo pr--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil para akong tinakasan ng dugo nang humarap na ang lalakeng kanina lang ay pinaglalawayan ko dahil sa galing niya at sa angking angas kanina.

Litsi. Pisti. Bakit ang demonyitong ito pa?

---

Author's Note: Short update. Amasarreh. Pero next chapter, mahaba na. Medyo nasa planning stage pa ako kaya loading pa pero pinapangako ko namang may kapupuntahan ang kwento. Hayaan muna nating kainisan ni Ate si Blake. Hahahaha

AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon