"Saglit lang!...h-hindi ba si...si Aira yan! Sa kabilang section!"sigaw ng isa naming kaklase

Ang nasa video ay sinasaksak si Aira at pinag papalo ng bakal na pamalo..pero mukang tinakpan ang muka ng nga killer

Mga ilang...ilang minuto habang naka play padin ang video na sinasaktan yung Aira..ay may nagsalita naman...kaboses nito ang nagsalita kahapon sa tape

"Nakikita nyo ba yang video na yan? Isang lesson narin yan sainyo...wag kasing nangengealam kung ayaw nyong magaya dyan sa kawawang Aira na yan... so Anyways..Let the game begin!"

Sabi ng nag sasalita at humalakhak

Pagkatapos nun mag salita ay may bumagsak naman sa harap..sa tapat ng projector

"Ahh!" Napasigaw ang ilan saamin ng dahil da gulat

Lumapit kami ng onti at..

Isa itong bangkay "si Aira!" Sigaw ni Andrea

Puro saksak ang mga katawan nya ay puro mga pasa..ang muka naman nga ay puro hiwa..parang hindi mo na sya makikilala, ang lalalim din ng mga saksak nya sa buong katawan

Napalingon naman ako sa teacher namin na nakatulala lang sa patay na katawan ni Aira...tss

"May papel oh" sabi ni Annie at may tinurong papel na nasa kamay ni Aira...

Pinulot naman iyon ni Hunter "anong nakalagay?" Tanong ni Mika

"I went to the library to look for some books. I asked the librarian where the books about the school are..and she directed me to a bookshelf that was in the corner. I was browsing through the titles until i found a very strange book but something caught my eye on a girl peering at me from the other side..it dint feel right when i saw her..our eyes met for a moment so she went near me and smiled at me. She's a little tall and she has a slight scratch in her neck. She was looking at me weirdly so i felt uncomfortable becuase her looks are like she was about to kill me"

What does that mean?! Lang kwenta naman ano toh pagulo?

"Anong ibig sabihin nun?!" -Mika

"Hindi kaya isang clue nayan tungkol sa killer?" -Vanessa

"Looks like it" -Ayana

Mukang tama nga si Vanessa

Dahil parang nilalarawan nya ang killer...

So ang ibigsabihin ay babae ang killer...at hindi lang sya nag iisa

Pero paano nadamay si Aira? Ang sinabi kanina ay...wag mangialam. So nangealam si Aira kaya sya pinatay?

Tsaka ang sinabing kakaibang libro sa library?

Tsk gusto ko na malaman ang susunod na clue!

Pero pati sa ibang section ay may nadadamay? So may nakakaalam din kaya sa ibang section?

Paano kung nagkamali kami sa mga sagot?

At paano kung nasagot na namin ang mga iyon? Mabubuhay din kaya kami? O kaya naman pinag lalaruan lang kami?

Tsk nabibwisit nako! Ang dami kong tanong!

Hindi rin ako sigurado sa mga sagot ko...tulad ng sinabi pag nag kamali maaaring ikamatay..paano kung magkamali ako

Hindi rin ako sigurado kung malalaro ko nga talaga dahil baka pinag lalaruan lang kami at ikamatay pa

Pero paano kung hindi ko laruin? Mamatay rin ako

Haaayys...ang mabuti pa hihintayin ko nalang ang next clue..pero kelan?

Pag may namatay ulet? Paano kung ano ang isunod?

Tsk naiinis na talaga ako!

"Bumalik na kayong lahat sa rooms nyo...kami ng bahala dito" sabi ng teacher namin at pinalabas kami sa library

Tss ano namang gagawin nila? Pagtatakpan nanaman nila? Sasabihin na aksidente si Aira kaya ganun? Tss

KEA'S POV

Anong ibig sabihin nung kaninang binasa ni hunter?? Tsk

Baka isang clue nayun tungkol sa killer?

Gusto ko ng malaman ang susunod na clue! Kainis naman!

Pero ang kinakatakutan lang ay..paano kung ako na ang sunod? Baka mamaya hindi ko alam...kilala ko pala ang killer oh kaya naman ay nakausap kona?

"Hi Kea!"

"AHH!"

Bwisit! Sino ba yun?! Aatakihin ako dito sa gulat oh!

"Ay hehe sorry" sabi nya at nag peace sign "hi!" Sabi nya habang nakangiti ng malapad

"Ano kailangan mo Lucas?" Walang gana kong tinanong

"Oh grabe sya...kailangan agad? Hindi ba pwedeng nangangamusta?...musta kana?" -Lucas

"Magkaklase tayo eh! Tinatanong mo pa?" -me

"Taray mo" -Lucas

"Pake mo?..umalis kana nga!" Naiirita kong sinabi

"Ayaw ko...samahan muna kita" sabi nya at ngumiti.. Tss

"Bahala ka dyan" sabi ko at binilisan nalang ang pag lalakad

"Uy wait lang! Hintayin moko!" Sabi nya habang binibilisan din ang pag lalakad "bilis mo naman mag lakad"

"Wala kang pake" -me

"Sabi ko nga"

Mga ilang segundo naman ay nanahimik na sya.....ahh yes! Sa wakas

"So uuwi kana?" -Lucas

"Agh! Ingay mo! Bahala kana dyan!" Sabi ko at naglakad na ng mabilis palayo sakanya

"Ahh ok sige! Ingat sa pag uwi kea!" Sigaw nya habang nag lalakad padin ako

Tsk ingay talaga ng lalakeng yun! Nakakairita!


______________________

I'm very sorry short chapter lang sya😅

Class M-13 (ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ) Kde žijí příběhy. Začni objevovat