Chapter 16

25 1 1
                                    

Thank u nga pala kay @cutelovehime sa pag add nitong story ko.

Sa mga nagvo vote thank u din po.

Thank u at sorry din po sa mga naghihintay ng update ko

Alliyah's POV

Pag alis nila bhes hindi na ako kinikibo ni Carl.

Ano kayang nangyari sa kanya?

"Uy babe!" tawag ko pero di niya ko pinansin tuloy lang siya sa pagkain niya.

"Psst. . babe." kinalabit ko pa siya baka kase di niya ko naririnig pero imposible naman yon kase magkatabi lang kami.

Tiningnan niya naman ako yun nga lang ang seryoso ng mukha niya.

Problema nitong babe ko?

"Bakit ganyan mukha ng babe ko? May problema ba?" malambing kong tanong sa kanya at binitiwan ko yung sandwhich na kinakain ko at humarap sa kanya.

Tinitigan ko siya at buti naman nagsalita din siya.

"E kasi naman ikaw eh." sabi nito ng nakapout. Hahaha ang cute talaga ng boyfriend ko. Ang swerte ko talaga. P-pero ano daw?

"H-Ha? Bakit ako? Ano namang ginawa ko?" nalilito kong tanong sa kanya.

Eh sa wala naman talaga akong ginawang masama e o baka nga meron hindi ko lang alam.

Hinintay ko siyang sumagot sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya parang mejo nahihiya pa siya kung sasabihin ba niya yung dahilan niya o hindi.

Kumamot muna siya sa ulo niya bago siya nagsalita.

"Eh kase, bakit ka pa nanghihingi ng kiss kay Ken e nandito naman ako?!" nagtatampo niyang sabi.

"Eh?" mali ba yung ginawa ko. Ganon naman talaga kami ni bhes e.

Tiningnan ko si Carl, nakayuko lang siya kaya't hinawakan ko yung kamay niya at

"Ano ka ba babe? Wala lang yon sa amin ni bhes. Ganon naman na  kami dati pa." paliwanag ko sa kanya.

Mukhang pinagseselosan niya pa ata si bhes. Hihi ang cute niya magselos.

"Like what he said kanina iba na ang situation ngayon.. . " sabi niya pero di ko na siya pinatapos sa pagsasalita at sumagot na ako.

"Bestfriend ko pa rin naman siya eh."

"At BOYFRIEND mo naman  ako!" sagot niya ng mejo may pagkairitang boses.

"Yah I know! But still, his my bestfriend!" mejo inis ko na ding sabi. Para yun lang pinalalaki pa.

Ano ba yan? Ilang araw pa lang kami heto't nag aaway na agad.

"Alam ko yon! Pero kase. . .  huminga muna siya ng malalim saka itinuloy yung sasabihin niya. Ok, I'm sorry." mahinang sabi niya.

Di ko na lang siya kinibo. Nakakainis kasi. Magseselos na lang sa bestfriend ko pa. Eh, matagal naman na niyang alam na magbestfriend kami ni Ken.

"Sorry na babe." ulit niya.

deadma

"Babe. . . "

deadma pa rin.

"Babe sorry na naman, please. . . " sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Pagkarinig ko ng huli niyang sinabi nginitian ko na siya.

Siguro nga tama din sila ni bhes iba na nga yung sitwasyon namin ngayon. May boyfriend na ko ngayon at dapat ko ding isipin yung mararamdaman niya. Kailangan ko ding magsorry sa kanya.

"Bestfriend"Where stories live. Discover now