"Ano na-reliaze mo na bang mas guwapo si James kaysa kay Jet noh?" Pukaw sa kanya ni Nicole.

Dahil sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi nya namalayan iniisip nya si James. She rolled her eyes.


"Heh!" Pag-iiba nya ng topic.

"Yun naman pala e,kailangan ko pa talaga ng ikompara ang asawa mo bago kita mapapayag. See you 3PM sharp sa favorite nating restaurant tayo magkikita, Bye Rissa see you. "

"Bye." At ibinaba nya na ang telepono.

Pinagpatuloy nya muna ang paglalampaso bago mag-ayos ng sarili at nang matapos ay nag-ayos na sya ng sarili para pumunta sa Mall.


Nagsuot sya ng itim na jeans at puting t-shirt na niregalo noon ni Jet nong wedding Anniversery nila.


Pagkatapos ay lumabas na sya ng bahay nila at tumawag ng taxi. Hindi nya magamit ang kotse nya dahil nasa asawa nya ang susi ng sasakyan nya.


Kamalas-malasan naman ay trapik sa edsa. Ilang minuto pa ang hihintayin bago umusad ang sasakyan.


Nang nasa tapat na sya ng Mall ay bumaba na sya at nagbayad sa driber.

"Bayad ko ho manong, keep the change." She said while smilling.

"Salamat po ma'am ." Ganti naman nito sa kanya at ngumiti.


Naglakad na sya papasok sa Mall. Dire-diretso lang syang naglalakad ng nakita nya ang  kaibigan nyang nag-aantay sa kanya.


"Hello Nicole! " Lumapit sya kay Nicole pagkatapos ay niyakap at nakipagbeso sya sa kanya.


"Maupo ka. " Umupo na sya sa tapat ni Nicole.


"Rissa,tapos na akong bumili ng mga ireregalo kay mama ang tagal mo kasi e,sorry ha.Pero next time sabay  tayo" Sabi ni Nicole na kamot sa ulo.


"Okay lang wala naman akong bibilhin e." Sagot naman ni Rissa sabay inom ng kape na inorder pa kanina ni Nicole bago sya makarating.


"Why is it so lean Rissa, is your husband nourishing you?"tanong ni Nicole ng mapansin na nangangayayat si Rissa.


'Kung alam mo lang ang ginagawa ng asawa niya sa kanya.'Pagsingit ng isip nya.



Napahinto sya sa pag-inom ng kape. Bagkus ay napatitig si Rissa sa mga mata ni Nicole. Ngumiti ito.



"Pinapakain, actually diet ako ngayun." Pagpapalusot nya ayaw nya lang talagang kumain ni Rissa. Nawawalan kasi sya ng gana pag hindi niya kasama ang asawa nya sa hapag kainan.


"Kung kay James ka nalang nagpakasal edi sana maganda buhay mo,ikaw naman kasi e kahit mahigit ilang years ng nanliligaw sayo si James pero hindi mo parin sinasagot." Napatahimik siya at napaisip.


Paano kung si James ang pinakasalan niya edi sana buhay prinsesa na sya ngayon? Hindi siya umiiyak, malulungkot,mangungulila at iiyak magdamag tuwing pag sapit ng gabi. Paano kung si James ang pinakasalan niya? Edi sana masaya na sya ngayon? Hindi na sya masasaktan?

"Hindi ko siya mahal. Gusto ko siya bilang mag kaibigan lang at hanggang doon nalang yun." Saad niya sabay inom ulit ng kape.



"Alam mo kung si James lang talaga ang pinili mo hindi ka magkakaganyan." Malamig na tugon ni Nicole.



"Naging masaya naman ang araw ko kahit papaano. Namimiss ko na yung mga ginagawa namin ng mga bata pa kami." Nakangiting pagkukuwento nito kay Nicole samantalang si Nicole napa iling-iling.


Desperate WifeWhere stories live. Discover now