Chapter 9 : Feelings

809 11 4
                                    

DDM ( Julie Anne 9 : Feelings )

JULIE ANNE's POV

I packed my things with the help of my muchacha. Limang maleta lang naman ang dala ko at wala akong idea kung saan kami titira ni mommy.

Nalaman ko din na sinugod sa hospital si dad, si Lotlot at Janine. Psh! Hindi ba pwedeng si dad nalang? Na-high blood daw after nung ginawa ko. Kinuwento sakin ni Jennylyn, isa sa mga muchacha ko. Guilt para kay dad ang naramdaman ko pero doon sa mag-ina? Wala akong pake.

"Ma'am Julie, ano pa pong iuutos niyo?" Sabi ni Jennylyn pagkatapos niyang ayusin yung gamit ko.

"Wala na. Ge alis na." Walang gana kong sagot.

"Ahh ehh..Ma'am Julie, p..pwede po bang mag tanong?" Tanong niya. Aba -_____-

"Nag tatanong ka na nga eh." Tinaasan ko siya ng kilay.

"S..Sorry po. Saan po pala kayo lilipat ni Madame Marivic? Paano na po kami?" May point yung sa tanong niya.

"Hindi ko pa alam pero dito pa din kayo sa mansion ko. Wag niyong alalahanin ang sweldo niyo, kayang kaya kong ibigay sa inyo 'yan! At tumawag ka pala sakin para alam ko ang nagyayari dito." Sabi ko sakanya. Mabuti na yung alam ko ang nangyayari sa mansion ko.

"Ah..salamat po Ma'am Julie." At umalis na siya.

8 PM palang. Teka..Nasan nga pala si Nadz? Kanina ko pa siya pinapapunta dito ah!

Dialing. . . . . . . .

"Answer it!" Inis kong sabi.

Naka anim na ring bago niya sagutin. Tsk.

"Hello-?" Boses lalake? Si. . .

"Hoy Magalona! Bakit na sayo ang phone ni Nadine ha! Nasaan siya!" Sabi ko.

"Pfft. Hahahahahahaha!" Tinawanan lang ako! >______<

"Tinatawa-tawa mo dyan!" Kaasar naman to!

"Tanga mo kasi! Pfft! Hahahaha! Unang una, number ko 'to at pangalawa, wrong number ka Juleng. Hahahaha! Oh alam mo na?" Sabi niya at tinignan ko naman ang screen ko.

Drop Dead, MALDITA! (JuliElmo & JaDine Fanfiction) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon