Chapter 18 : Part 1

547 22 3
                                    


Julie Anne's POV

Drain na drain ang katawang lupa ko dahil sa nangyari kay dad at dumagdag pa si Lotlot. Hindi ko alam ang gagawin ko. Feeling ko wala akong makakapitan. Feeling ko bumagsak sakin lahat ng masasamang bagay, tapos nasalo ko lahat. Deserve ko ba 'to? Ito na ba 'yung karma ko?

"Miss okay ka lang?" May lalaking lumapit sakin bigla. Naglalakad-lakad ako sa phase ng subdivision namin, ewan ko. Na-tripan ko lang ngayon. "Miss, panyo oh." Hirit pa nung lalaki na kumausap sakin. Tumigil ako sa paglalakad.

Alam mo 'yung nag momoment ka? 'Yung gusto mo ngang mapag-isa tapos 'tong epal na lalaki na 'to bigla biglang lalapit? Maldita attitude is now ON!

"ANO BA!" I almost shout at his face. "Woah? Kalma Miss!" Napataas naman siya ng kamay. Kalma daw? Aba tong lokong 'to! Namatay 'yung dad ko tapos..KALMA?! "Leche." 'Yun nalamang ang nasabe ko. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. "Hot chick." Narinig kong sabi niya bago ako umalis. Loko 'yon ah!?

Hindi ko nalang pinansin 'yun. Wala ako sa mood, wala akong energy para sa panibagong badtrip. Umuwi na ko ng mansion at may tukmol na nag aabang sakin sa pintuan ng bahay.

"Ginagabi ka ata mrs. Magalona." Panandalian kong ipinikit ang aking mata at minulat ulit. Chill Julie..just chill. Wag mong i-drain ang sarili mo sa mga ganitong UGH! "Pwede ba Magalona, tigilan mo ko!" I said. Siniringan ko siya at dinanggi ang balikat niya. "Hay nako baby, sige na nga alam kong pagod ka. Goodn-"

* BLAAAAAAAAAAAGGGGGGGG!

"Bwisit." I uttered at daredaretso ako sa kwarto ko pero napadaan ako sa kwarto ni mommy.

Bahagya kong pinihit at binuksan ang pinto. Nakita ko si mommy na mahimbing na natutulog.

Pe..Pero ano 'tong..t..teka, bakit may red thingy sa bed sheet niya. Mabilis akong lumapit kay mommy na..

"Je..Je..nnylyn! Nasaksak si..mommy!" Nanginginig 'yung mga kamay ko. Ang daming dugo, ang daming dugo sa bed sheet. Ano ba 'tong nangyayare? "Ma'am Julie, a..ano po-"

"Tumawag ka ng ambulansya! Bilisan mo!" I shouted. Tarantang taranta naman ang muchacha ko dahil sa nakita niya. Pumunta din sa kwarto ang iba kong muchacha. Parepareho silang gulat na gulat sa nangyari kay mommy. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Hawak hawak ko lang ang kamay ni mommy. Tumulo nanaman 'yung mga luha ko. Malabong mag suicide si mommy! Malabong mangyari 'yun dahil kausap ko pa siya kanina. Walang kutsilyo na nakakalat sa sahig, malamang ay pinalano ito na kung sinong demonyo.

"Ma'am, nandyan na po ang ambulansya." Pagkasabi ni Jennylyn non, dumating na nga ang mga tutulong sa amin. Mabilis masyado ang mga pangyayari. Masyadong fast forward. Hindi ko na alam kung ano pang malas ang dadating sakin.

Nasa ospital ako ngayon. May dugo pa yung damit ko pero wala akong pake. May lumapit na pulis sa akin at humihingi ng interview. Gusto ko man, pero alam mo 'yun? Wala kang masabi. Hindi ko pinansin 'yung pulis hanggang sa sinabi niya na babalikan niya ko. Alas dos na ng umaga. Inaantay ko 'yung doctor na lumabas mula sa operation room.

"J..Julie! What happen?" Si Tita Pia. Nakita ko si Elmo na tumatakbo papalit sakin. Kasama niya si Maxene at Nadz.

And the next thing I know, ako na ang naka confined...

(To be continued..)


a/n : Long time no update. Sorry :(

- asdfghjeycel

Drop Dead, MALDITA! (JuliElmo & JaDine Fanfiction) Book 1Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora