Sweet Life 2

9 5 0
                                    


...

Anong gagawin namin??

Hindi naman pwede kaming sumigaw at isa pa andito kami sa wala masyadong tao. Maya maya pa'y unti-unti nitong kinakaladkad palayo samin si marimar. May nilabas din itong panyo at itinapat sa ilong ni marimar.

Hindi nag tagal ay nawalan ng malay si marimar. Binuhat siya ng lalaki na parang sako ng bigas at patakbo na sa may parteng  kadiliman ngunit biglang hinabol ni reen ang lalaki para pigilan na ikinabigla ko.

" Reen! " sigaw ko kay reen.

" Bitawan mo si marimar! " sigaw ni reen at hinawakan si marimar pababa.

Dahil mabilis ang lalaki at higit na mas malakas sa kaniya ay nabigo siya sa pag bawi kay marimar at mabilis nitong kinuha ang kutsilyo at pinatamaan si reen pero naiharang naman ni reen ang kaniyang braso pa-ekis kaya iyon ang nasugatan.

" OH MY GOSH REEN! "

Tinulak pa nito ng malakas si reen at tuluyan ng tumakbo ng mabilis. Agad akong lumapit sa kaniya, duguan na ang braso nito.

" Oh my god Oh my god anong gagawin ko! " atat kong sabi.
Naiiyak na rin ako, hindi ko ineexpect na mangyayari ang ganitong sitwasyon.

" A-aray huhu " iyak ni reen. Nakita kong may kalaliman ang sugat niya kaya mas lalo akong nataranta. Kalma nesley kalma! Nag inhale exhale ako at hinintay kong kumalma ang aking sarili.

Nang kumalma na ako ay nakapag isip na ulit ako ng tama.

" Reen pumunta tayo dun! Humingi tayo ng tulong! " sabi ko. Tumango naman siya at ngiwing-ngiwi ang itsura, namumula na rin ang kaniyang ilong sa pag iyak.

Pumunta kami sa maraming tao at humingi ng tulong, agad din naman silang tumulong at pinadala si reen sa pinakamalapit na clinic at sumama naman ako. Nireport din nila ito sa mga pulis ang pangyayari. Nandito na kami ngayon sa clinic.

" Reen ayos ka na ba? May masakit pa ba sayo? " nag aalala kong tanong. Ngumiti naman siya habang ako ay naluluha na.

" wala naman na, bukod sa nakirot kong sugat sa braso hihi pero may benda naman na so ayos lang " sabi niya.

" Pano na? si m-marimar, pasensya na din kanina wala akong n-nagawa, napakawalang kwenta ko " tuluyan na akong napahagulgol. Bakit ba kasi napangunahan ako ng takot?! Naiinis ako sa sarili dahil wala man lang akong ginawa, buti pa si reen ang tapang.

" ayos lang napangunahan ka lang ng takot, naiintindihan ko and about kay marimar let's pray na sana safe siyang makuha " malungkot niyang sambit.

Maya maya pa'y dumating na ang mga pulis at ang mga magulang ko at magulang ni reen, ni-imbestigahan kami ng mga pulis kung anong mga nangyari  para makakuha ng impormasyon.

Pagkatapos nun ay pinauwi na kami kasama ang mga magulang namin.

" Reen magpagaling ka ha " sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at tumango. Ang tapang niya talaga kahit nasugatan na siya nagagawa niya pa rin ngumiti hayss.

Tinanong ako ng mom ko kung ayos lang daw ba ako at kung hindi naman daw ako nasugatan. Bilang isang magulang na nag aalala ay madami silang naging tanong pero ang tanging sinasagot ko lamang ay 'ayos lang ako ma, pa'

Sana mahanap si marimar.

Reen.

Nandito kami ngayon sa kotse ni daddy at kami ni mommy ay nasa backseat.

" Oh my poor baby, are you okay na ba talaga? " tanong ni mommy. Ngumiti naman ako ng sobra.

" Yes mommy! Hihi ayos na ayos ako " sabi ko. Napatingin ako sa rear view mirror at nakita kong nakatingin sakin si daddy, napaiwas na lang ako ng tingin at binaling ko ulit ang aking atensyon kay mommy.

" sa susunod wag ganun ha? Magkakapeklat ka niyan.. Sayang pa naman ang maganda mong balat na mana sakin " malumanay na pagkakasabi ni mommy. Tumango ako at niyakap ko si mommy.

" sorry mommy, lagyan ko na lang siya araw-araw ng cream para di mag peklat ^.^ " sabi ko na ikinatuwa naman niya. Maalaga kasi si mommy sa balat laya natutuwa siya tuwing inaalagaan ko ang balat ko.

" That's my baby " ngiti ni mommy.

Lumipas ang ilang minuto at nandito na kami sa bahay namin. Yeheyyy sa wakasss. Kumain muna ako ng hapunan pagkatapos nun ay dumeretso na ako sa kwarto.

Humiga ako sa akinv kama at napabuntong hininga ng malakas. Napatingin naman ako sa aking sugat.

" Hoo  napalalim 'to ah. Well mas okay naman ito. "  banggit ko.

" kung bakit ba naman kasi nagpasugat ka para lang dun " sabi naman ni frenzy.

" Hmmp shut up. " sabi ko. Inirapan lang ako nito.  Kinuha ko naman ang cellphone ko at may ni-dial. Agad namang sinagot ito nito.

" Hiiiiii!! Heellloo hihi! " malahyper kong bati sa kabilang linya.

" Ma'am okay na,Andito na siya.
Hindi pa rin siya nagigising. " sabi naman ng nasa kabilang linya. Lumawak naman ngiti ko.

" Okay good. You're very good hehe. Wag nyong hahayaan na makalabas siya dyan ha! "

" Yes ma'am " sabi naman ng nasa kabilang linya. I ended the call.

I'm excited.

- Inosentee 🐾

My sweet sweet lifeWhere stories live. Discover now