Sweet life 1

16 5 0
                                    


Sweet life 1 : Pagpapakilala ng mga tauhan.

Hello! Hihi ako si Quireen Trasil.
Ako ang pinakamaganda sa lahat hihi. Gustong-gusto ko talaga na kino-compliment ako ng mga tao kung gaano ako kaganda. May isa akong kaibigan na si Nesley Marigudog hahaha. Mas maganda ako sa kaniya pero mabait siya hihi. Sino bang kausap ko? Nababaliw na ata ako hehe.

Meron akong napakagandang magulang na si Queenie M. Trasil at napakaseryoso ngunit napakagwapong daddy na si Reenie Ravis Trasil.

Mayaman kami, maraming ari-arian ang aking ama hihi at may business din kami. Tapos si mama ay naextra extra sa clinic ganern!

" mommyyyy " tawag ko sa maganda kong mommy.

" babyyy koo " salubong sakin ni mommy at niyakap ako.

" How was your first day of school baby ko hmm? "  tanong sakin ni mommy. Ngiting-ngiti ako at excited na nag kwento.

" ayos na ayos mommy! Maraming nag sasabi na ang cute cute ko daw at ang ganda ko tapos ang talino ko daw hihihi natutuwa akoo " napangiti naman si mommy. Si daddy ay seryoso lang sa kaniyang binabasang dyaryo.

" Very good baby ko. Anong gusto mong reward ha? Gusto mo ba ng Ice cream? Cake? New gadgets? Clothes? " niyakap ulit ako ni mommy. Sobrang natutuwa ako hehe.

" Masyadong mong bine-baby ang anak natin. 16 years old na yan kung tratuhin mo yang anak mo ay parang 4 years old. " seryosong pagkakasabi ni dad. Natahimik naman si mommy.

" Ikaw naman Quireen ayusin mo na yang pag uugali at pag kilos mo, alalahanin mo hindi ka na bata " sabi ni daddy sakin. Kumirot naman yung puso ko sa sinabi niya at nangilid agad ang luha ko. Tiningnan ko siya at tumakbo sa taas para pumunta sa kwarto ko.

Huhuhu bakit ba hindi ako maaccept ni daddy sa kung sino ako?

" oh bakit ka umiiyak? " sabi ni frenzy. Nakaupo siya sa kama ko. Hindi siya nakakalakad kasi wala siyang kakayahan. Kilala siya nila mommy at dito siya lagi natutulog dahil wala naman siyang magulang.

" huhu frenzy si daddy kasi huhu" sumbong ko.

" sshhh bayaan mo na yun. Di ka na nasanay sa matandang yun "
Natigilan ako sa sinabi ni frenzy pero inignore ko na lang.

Huhuhu kakain na lang ako mamaya.

Kinabukasan

" Good morning classmatess! " cheerful kong pagkakasabi.
May mga nag good morning din sakin lalo na ang mga kalalakihan.

" Nesleyyy!! " takbo ko papunta sa kaniya. Namiss ko siya hehe hindi kasi kami masyado nag kikita noong bakasyon. Namiss ko yung makapal niyang kilay at pimple-lin niyang mukha at ang  brace niya sa ngipin hihi.

" Hello reen " ngiti nito.
Niyakap ko si nesley.

Ramdam ko ang mga tingin ng nasa paligid. Lalo na sa mga babae. Parang naiinggit sila kasi best friend ko nesley! Well sorry sila best friend ko na'to hmmp!

" hihihi namiss kitaa " sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman ito lalo nakita ko na naman ang kaniyang brace hehe.
Umupo ako sa tabi niya.

" Namiss din kita reen. Tagal nating di nagkasama " sabi nito at ako naman ay natuwa sa sinabi niya. May pagkatahimik ito at matalino din kaso mas matalino ako hihi kaya lagi siyang second sakin.
Perfect siya para sa pagiging best friend ko para sakin.

" ANDYAN NA SI MA'AM "  sigaw ng isa sa mga kaklase ko. Kaya sa isang iglap ay nasa kaniya-kaniya na silang upuan.

" Good morning today you will have new classmate and her name is Marimar Lespilil " sabi ng aming magandang teacher ngunit masungit. Pumasok naman ang isang napakagandang babae sa room. Para siyang anghel.

Nahahalatang nag sisipag ningning ang mga mata ng lalaki at ang ibang babae naman ay makikita mo sa mata ang inggit.

Napangiti ako sa babae. Ang sarap niyang titigan grabe hihi gusto ko siyang makausap ang ganda ng mukha niya. Sakto namang may available seat sa katabi ko at doon siya umupo. Grabe napaka swerte kooo hihi.

" Since second day pa lang tayo wala pang masyadong klase. Hindi muna ako makakapag klase ngayon dahil may meeting kami, so that's all class see you tomorrow " - ma'am. Sigawan naman agad ang mga kaklase ko sa sinabi ng aming guro. Ayos yun dahil makakausap ko itong magandang mukha na ito hehe.

" Hi marimarrrrr!! " bati ko sa kaniya. Ngumiti naman ito.

" H-hello " nahihiya niyang sabi. Hihi mahiyain pala ito. Hmmm.

" Ang ganda mo naman :) " compliment ko. Tiningnan ko ang balat nito. Ang kinis at maputi. Parang ang sarap dila-dilaan hihi.

" a-ah salamat " sabi niya na medyo namula pa. Lalo akong napangiti.

Marami kaming napag usapan, hindi siya mahirap i-close. Mga girly talks hihihi. May boyfriend na pala siya at nasa kabilang room lang hihi sana mag tagal sila <3.

Nung una lang siya mahiyain pero kinatagalan ay nagiging madaldal na rin ito. Kasama namin si nesley sa pag uusap at naging close din agad sila, baka agawan niya ako ng best friend huhu di maaari.

" Uhmm marimar gusto mong sumabay samin ni nesley sa pag uwi? Pero bago tayo umuwi punta muna tayo sa Milktea, libre ko kayo " sabi ko at nag ningning naman agad mata nito.

" Oh my gosh! Sigee game ako, total nasa practice ng basketball ang bf ko, mag sasabi na lang ako sa kaniya " sabi niya. Lalong napalawak ang ngiti ko.

" Great! " sabi ko.

...

Mabilis ang oras at uwian na kami. Andito na kami sa milktea.

" Ang sarap talaga ng milktea dito hehe " sabi ni marimar at tumango naman si nesley.

" agree ako hihi. Btw nesley may cr dito ano? " tanong ko kay nesley. Lumingon ito sakin.

" Oo meron. Dun oh  tas liko ka lang and then andun na yung cr " sabi niya kaya naman tumayo ako. Napangisi naman ako.

" thanks bessy mwah mwah "
At nag lakad na ako papuntang cr.

Nesley.

" Ganun ba talaga siya kumilos? Ang cute niya para siyang bata " sabi ni marimar na may ngiti sa labi.

" ah oo, ganyan talaga siya. Pero mabait naman yan, sa tatlong taon naming pagkakaibigan ay lagi siyang nandiyan para sakin "
Napa'oh' naman si marimar at tumango tango pa ito.

" Halata namang mabait siya. Napakafriendly pa, Gusto ko din siyang maging kaibigan " sabi niya.

Well nag papasalamat talaga ako na naging kaibigan ko si reen, she never judged my appearance and she always supports and encouraging me when I am doubting myself.

Medyo marami din kaming napag usapan nitong si marimar, she's very beautiful and charming. Hindi pa siya bitchy hahaha.

Maya maya pa'y dumating na si reen.

" Parang natagalan ka ata reen, ayos ka lang ba? " tanong ko dito. Namamawis kasi ito at parang napagod. Uminom naman ako ng peach mango.

" Uhmm inabutan ako e-eh, bigla akong napatae hihi " sabi niya kaya nabuga ko ng kaunti yung peach mango na nasa bunganga ko pa At napahagalpak ng tawa ganun din si marimar, napatawa na rin si reen.

Sobrang bilis ng oras, pag talaga masaya ang tao hindi namamalayan kung anong oras na. Ngayon ay lumabas na kami ng milktea shop. Medyo madalim na rin.

Nag tatawanan kami ng bigla may lalaking nakaitim at may takip sa mukha na sumulpot sa harap namin, mabilis at marahas niyang kinuha si marimar.

Para kaming na estatwa sa nakita. Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig kong sumigaw si reen.

" M-marimarrr!! " medyo may takot sa tinig ni reen. Namumutla si marimar at hindi makagalaw sa takot, hindi rin siya makasigaw dahil may hawak na kutsilyo ang lalaki at nakatapat ito sa leeg niya.

" Subukan nyong sumigaw babaon ko 'tong kutsilyo sa leeg niya " sabi ng lalaki. Napalunok naman ako at napalingon kay reen na ngayo'y wala ring magawa at halatang natatakot.

Anong gagawin namin??...



- Inosentee🐾♾

My sweet sweet lifeWhere stories live. Discover now