Sana hindi na ako magising pa.

3 days na akong hindi nagpapakita kay Danielle, I admit it na namimiss ko sya pero wala akong magawa kailangan makalimutan ko na sya di naman sya worth it mahalin, manloloko lang sya.

Oo inaamin ko mahal ko sya pero mali pala ako ng minahal na tao. Sana hindi ko nalang hinayaan ang sarili ko na mahulog sa kanya. Mas worst pa sya sa kay Billy.

Matapos kong gawin ang mga morning rituals ko sa cr, lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko si Jamie at ang asawa nyang parang concern na concern sa pinag-uusapan nila, ilang beses pa silang nagtawag sa phone pero hinihimas nalang ng asawa nya ang likod nito sa tuwing sisigawan nya ang phone nya dahil walang sumasagot.

Bumaba na ako at lumapit sa kanya, ngumiti naman ng mapait yung asawa ni Jamie sa akin, "hi kain ka na ng breakfast. Halika" she said tumango naman ako at ngumiti sa kanya bago sumunod papunta sa kusina "pasensya ka na mainit ulo ni Jamie ha?"

"Okay lang pero ano bang nangyari sa kanya?"

"Ganyan lang talaga yan pag concern sa kaibigan nya, si Danielle kas--- sorry hindi ko pala dapat sinabi yun" she said, napatingin naman kaagad ako sa kanya nakaramdam ako ng kaba nung nabanggit nya yung name ni Danielle

"Bakit anong nangyari kay Danielle?" I asked, nanahimik lang naman sya kaya pinilit ko hanggang sa nagsalita na sya. Mabilis namang tumulo ang luha ko sa sinabi nya. She told me na nahospital daw si Nicole dahil sa ginawa ni Danielle, binugbog daw nya ng sobra yun tapos ngayon si Danielle andoon sa bahay, hindi lumalabas ng room at tanging alak lang ang katabi sa kama, hindi na din nya napapansin si Hillary

Masyado akong naconcern kay Hillary, paano nalang sya ngayon

"Ganun talaga si Danielle kapag nagagalit sya nananakit pero hindi naman dumadating sa point na halos makapatay na sya, nakakapanibago nga sya eh" biglang singit ni Jamie namin, napatingin naman ako

"Kamusta na si Danielle?" Tanong ko

"Hindi nya sinagot yung phone nya, kanina nakausap ko pa sya sabi nya sa akin di na daw nya kaya. Arissa may plano sya alam kong buhay na naman nya ang kapalit nun ikaw lang ang makakasagot at makakapagpakalma kay Danielle, ikaw lang ang makakapag-ayos sa kanya please puntahan mo sya" sabi ni Jamie

"Pero hon, di pa ready si Arissa na makaharap si Danielle" singit ng asawa nito. Tumulo naman ng luha ko, tumango lang si Jamie sa akin

"I can understand pero please wag mo masydong papatagalin ha? We can lose Danielle because of that" sabi nya tumango lang naman ako, yinakap lang ako ng asawa ni Jamie nung umalis na si Jamie dahil nakatanggap sya ng tawag.

Narinig kong inorder nya na puntahan na si Danielle sa bahay at kunin si Hillary dahil kawawa ang bata, pinapatignan din nya kung kamusta na si Nicole.

Curious ako kung ano ang kalagayan ni Nicole kaya linapitan ko si Jamie at sinabing gusto kong makita si Nicole, tumango lang naman sya sa akin at sinabihan ang asawa nya na samahan ako sa hospital.

May sariling sasakyan ang asawa nya kaya mabilis kaming nakapunta doon, pagkadating namin sa hospital hinanap ko kaagad ang room ni Nicole sa counter at pinuntahan pagkasabi ng room. Pagpasok namin walang nagbabantay sa kanya pero ang ikinagulat ko wala sya sa kama. Nagclick naman ang pinto sa may cr at nakita ko syang lumabas doon

Puro sya sugat at pasa lalo na sa bandang mukha nya, may benda din sya sa ulo nya. Ngumiti ito ng mapait sa akin, inalalayan ko sya para makaupo sya sa kama nya ulit, "I'm sorry sa ginawa ni Danielle sayo" sabi ko sa kanya, nakita ko namang umiyak si Nicole

"Ang sama kong tao Arissa, ang dami mong ginawang mabuti sa akin pero kasamaan lang ang binigay ko sayo" she said "masyado akong nabulag sa pagmamahal ko kay Danielle ginawa ko na ang lahat para mapansin nya ako lalo na nung nawala yung ex nya pero hindi parin nya ako mapansin." She added

Book 2: Still Into You (Under Major Revision)Where stories live. Discover now