Chapter 1

0 0 0
                                    

"WeLoMe home!Caleb!"salubong na bati ni Charie sa kapatid nang sunduin nito sa airport ang binata.
"Thanks,Kuya.So,hows Mama and Papa?"nakipagtapikan pa siya ng balikat sa lalaki.
"Hayun,natataranta sa nalalapit naming kasal ni Lerah.O,ikaw,buti at nakauwi ka?"
"Natural!Kasal ng ng kuya ko,at ako ang bestman,hindi ako uuwi?So,si Lerah rin pala ang nakabihag sa iyo,ha?Ang alam ko,inis na inis ka sa kanya noong araw kapag-"
"Sshh!Don't say bad words!I love that girl so much at pinagsisihan ko na ang mga pagkakataong iniwasan ko siya noon.Kung nagkataon,hindi ko sana natagpuan ang babaeng talagang para sa akin."
"Wow!Salita ng isang taong nababaliw na sa pag-ibig!"kantiyaw ni Caleb sa kapatid.
"Well,you can't blame me.Kapag nakita mo ngayon si Lerah,sasabihin mong masarap mabaliw."
"Talaga?Well,I have no doubt about that.Ikaw pa!Sa sobrang ilap ng puso mo,she must be really something now para makapagsalita ka nang ganyan.Anyway,how's life in San Simon?"
Tinungo na nila ang sasakyan ni Charie na nasa parking habang nagkukuwentuhan.
"Okay naman.Maganda ang ani dahil mas maayos na ang irrigation.Dalawang beses kung magpatanim ng palay at kapag tag-araw na talaga ay pinatataniman ko ng mais ang nakariwangwang na bukirin.So far,nabili na natin ang ibang katabing sakahan sa San Simon na balak sana nilang gawing subdivision.Hindi dapat mawala ang mga bukirin at tuluyang gawing residential area dahil bababa ang production ng bigas sa bansa,hindi ba?"
"Sabagay.Pero hindi ba't mas malaki ang magiging profit natin kung sisimulan nang ipa-develop ang mga lupain natin?"
"If course!Pero kung ang lahat ng may malawak na lupain na sakahin ay ganyan ang katwiran,paano na ang mahihirap na magsasaka?Paano na ang produksiyon ng bigas sa bansa?Caleb,kapag ginawa natin iyon,bibilang sa hukay ang ating mga ninuno."
Sa wakas ay nakarating na sila sa kotse ni Charie.
"Oo na,nagbibiro lang naman ako,eh.Tinitingnan ko lang kung hanggang ngayon ay makabayan ka pa rin,"natatawawang wika ni Caleb.
"Ikaw talaga!"
Nagkakatawan na lang na sumakay na sila sa kotse at nagbiyahe na pauwe ng San Simon.

MALUNGKOT na tinatanaw ni Novim ang may isang ektaryang sakahin na naiwan sa kanya ng mga magulang.
        Tanging kabuhayan na naipamana sa kanya ng mga ito nang sabay na mamatay sa isang vehicular accident.
         At dahil Agriculture ang natapos niyang curse,tamang-tama na sana iyon para mapamahalaan niya nang maayos ang kanilang bukirin.
        Pero may isang problema.
        Nakasanla sa bangko sa kabisera ang lupain nila kaya kailangang makabayad siya sa taunang buwis niyon at unti-unting bawasan ang pagkakasanla para kahit paano ay makabayad siya at huwag tuluyang maremara ang sakahin.
        Ngunit may isa pang problema,kulang na kulang ang kinikita ng palayan tuwing anihan para pambayad sa bangko.
       Doon pa niya kukunin ang pambayad sa mga magsasaka,sq punla at patabang gagamitin sa pagtatanim.
        Hindi naman niya magawang magpatanim ng dalawang beses sa isang taon dahil nasa mataas na bahagi ang kanyang sakahin kaya hirap sa tubig na nagmumula sa ilog.
        Umaasa lang siya sa tag-ulan para hindi matigang ang taniman ng palay sa panahon ng pagtatanim.
"Anong plano mo?"tanong ni Yaya Cora kay Novim nang makitang sumasakit na ang ulo niya sa kakukuwenta kung paano pagkakasyahin ang perang hawak niya para sa susunod na pagpapatanim.
"Hindi ko nga ho alam,eh.Kung meron lang sana akong malalapitan na ibang tao para makautang ng walang colatteral."
"Bakit hindi ka lumapit sa mga Mondragon."
"Ho?Bakit sa kanila ako lalapit?Kilala ko lang naman sila sa pangalan,hindi ko na rin matandaan,at lalong hindi nila ako matatandaan."
"Alam mo,mababait ang mga Mondrago.Madali silang lapitan.Lalo na kung may kakilala ka na maglalapit sq kanila sa iyo.Iyon bang gagarantiyahan ka para makautang at maniniwala sa pangako mong magbabayad pagkatapos ng anihan."
"Malabo iyon,Yaya.Kahit na ang lupain ng mga Mondragon ang kahanga ng lupain ko,hindi sila magtitiwala agad-agad sa akin."
"De subukan mo lang."
"Ano iyon?Basta na lang ako pupunta roon at magpapakilala na may-ari ng kahangga nilang lupain at uutang?"
"Hija,syempre hindi ganoon."
"Bahala na ho.May dalawang buwan pa naman ako para kumilos.Siguro,lalapit na lang ako sa ilang kakilala at kamag-anak.Baka sakaling makautang ako sa kanila kahit na maliliit na halaga na pagsasama-samahin ko."
"Hay,sana nga ay makalikom ka ng halagang kailangan mo."
"Sana nga ho.Sige ho,aalis na muna ako."
"Saan ka pupunta?"
"Kina Kacey ho."
"Ano ka ba?Akala ko ba'y allergic na allergic sa iyo ang mga magulang niya,bakit doon ka pa rin pupunta?"
"Kahit na ayaw sa akinng ng mga magulang niya dahil tomboy ako hindi naman nangingilag sa akin si Kacey.Kaibigan ang turing niya sa akin.Kaya nga kahit na gustung-gusto ko na siyang ligawan,hindi ko magawa dahil baka layuan niya ako.Pero mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya sa akin."
"Novim,bakit kasi kailangang maging ganyan ka?Bakit hindi mo piliting maging normal ang buhay mo?Babae ka,isang magandang babae.Kung mag-aayos ka lang,kung magpapakababae ka lang,aba'y maganda ka pa kay Kacey."
"Yaya,pag-uusapan na naman ba natin ito?Anong magagawa ko kung ganito ako ipinanganak?Pusong-lalaki."
"Hindi ako naniniwalang pusong-lalaki ka.Natatandaan ko noong bata ka pa,kapag isinasama kita sa bayan para magsimba,kinikilig ka sa poging lalaki na nakikita mo.Nagtataka nga lang ako kung bakit noong mag-high school ka ay nagbago ang ugali mo."
"Yaya,tama na ho.Wala namang magyayari sa usapang ito.Sige na ho,aalis na ako."
Walang nagawa ang butihing yaya kundi sundan nang tingin si Novim nang humakbang na palabas ng bahay.
Pantalong maong at collar shirt na black ang suot ng dalaga.
Maikli ang buhok na labas ang batok at tainga na para talagang gupit lalaki.Maangas na paglakad na medyo pabukaka at animo lalaki,at higit sa lahat,jacket na maong na palagi niyang bitbit kung hindi nakasuot.
Bata pa lang ay kilos-lalaki na talaga si Novim,at bihira ang pagkakataong sinasabi ni Yaya Cora na kinikilig siya sa gwapong lalaki noong bata pa siya.
Pero maliban doon at sa pisikal niyang anyo,wala na talagang katibayan na isa pa rin siyang babae.
Tanging ang mga magulang na namayapa lang ang naging dahilan noon para hindi tuluyang kunsintihin ni Novim ang sarili na palayain ang sarili sa kung ano ang nasa kalooban niya.
Pero ngayong ulila na siya,wala ng dahilan para supilin pa niya ang nadarama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Can't Say Goodbye Where stories live. Discover now