Chapter 1

12 1 0
                                    


Emerald's Points Of View

Nandito ako ngayon sa kakahuyan kung saan malapit lang ito sa aking tinitirhan.Habang pinuputol ang mga kahoy na gagamitin sa pagluluto ng mga pagkain ay may narinig akong kaluskus.Nababali ang mga patay na kawayan kapag natatapakan ito ng kung sino.Paikot ito ng paikot sa akin.Hindi lang isang ordinaryong tao ito dahil napakabilis ng mga galaw bagkus ay nanatili lamang ako sa aking kinaroroonan na nakatayo lamang.Hindi ako gumawa ng aksyon dahil parang may kakaiba sa taong ito.



Mukhang nalaman nito na wala akong balak na gumawa ng aksyon kaya bigla itong napasugod mula sa aking likod at nagsimulang kagatin ako...............??




Ngayon sigurado na ako Nagbalik na ang mga Bampira



Pero bago pa man niya magawa iyon ay bigla akong humarap at inihagis papunta sa kanya ang palakol,habang naghihintay ako sa maaaring mangyari ay parang bumagal lang ang lahat hanggang sa tumagos iyon sa kanyang puso.Pinagmasadan ko ang katawan ng babaeng bampira na wala nang malay ngayon.



Nagbalik nga sila.Pero bakit nila ako inaatake kung alam nilang kakampi nila ako noon pa man,alam nga ito ng kanilang pinuno,Hindi ko alam ang dahilan kung bakit umalis sila at nagtago ng apat na taon.




Zacharius ano bang binabalak mong gawin??



Hindi ko mapigilang itanong iyan sa aking isip.Dahil wala talaga akong alam sa nangyayari.



May nararamdaman akong kakaibang enerhiya na di kalayuan sa aking likod.Mas pinili ko munang hindi humarap at hinahaliksik kung sino siya.Doon ko nalaman na siya si Zacharius.ang pinuno ng mga Vampires.Dahilan iyon para humarap ako ng dahan-dahan sa kanya.



"Mahabang Panahon din tayong hindi nagkita Emerald"ngumisi siya.







"Sa apat na taong lumipas,ikinagagalak kitang makita ulit Zacharius"






"Hindi ko masasabing hindi ka nagbago pero sa nakikita ko kanina ay malakas ka parin."





"Zacharius hindi ko alam kung ano ang dahilan mo kung bakit nagtago kayo sa loob ng apat na taon pero nakakasiguro akong may binabalak ka "








"Nagkakamali ka sa iyong mga tugon.Hindi kami nagtago Emerald.Pumunta kami sa Kaharian ng Zhyperia para pag-aralan ang kanilang mga nakaugalian para sa pagdating ng tamang panahon ay alam namin kung paano sila mapapababa."











"Alam kung sila ang dahilan kung bakit maaga kang naging ulila Zach.Pero di kita maintindihan.Kayong mga bampira ay normal lang na may maputlang balat,madali kayong makikilala."

Legendary AgentsWhere stories live. Discover now