Chapter 1 - Sherlock Davis

36 2 0
                                    

SKY


NAPANGIWI AKO habang tinititigan ang natirang pera sa wallet ko. Nag-uumpisa palang ang buwan kaya wala pang perang maibibigay sa akin si mama galing sa kanyang trabaho na pagiging guro.

Hindi ko din naman maaasahan ang sarili ko dahil maliit lang ang sinasahod ko sa pagiging part-timer ng isang restaurant. Mabuti nalang talaga at scholar ako kaya makakapag-aral ako ng kursong medisina.

Wala eh. Gwapo lang ako pero wala akong pera.

Ibinalik ko na sa aking bulsa ang wallet ko at itinuon nalang ang atensyon sa nadadaanan ng sinasakyan kong jeep ngayon. Kasalukuyan akong papuntang Quezon City, doon ako maghahanap ng apartment room na matutuluyan. Kailangan na kailangan ko na kasi ng matutuluyan kaya dala ko na ang mga gamit ko para kung sakaling may mahanap na ako, lilipat na agad ako doon.

Sa Cavite pa kasi ang bahay namin kaya mahihirapan ako kung doon ako uuwi araw-araw. Kaya mas mabuti kung may apartment room akong matutuluyan na malapit lang sa University na papasukan ko.

"Para po." ika ko nang makarating na kami sa destinasyong aking bababaan.

Bumaba ako sa tapat ng isang botika dito sa QC. Lumingon ako sa paligid at hinanap ang taong nakipagsundong makikipagkita sa akin. Nasaan na kaya yung babaeng 'yon?

Pagmamay-ari kasi ng tita niya ang isang apartment sa lugar na ito na posible kong matuluyan—depende sa presyo ng upa. Hindi ko naman alam ang eksaktong lokasyon no'n kaya nakipagsundo akong makipagkita sa tapat ng botikang ito.

"Huy! Sky!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na aking narinig.

Nakita ko ang isang magandang babae, nakangiti at kumakaway habang papalapit sa aking kinakatayuan. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Parang bumagal din ang ikot ng aking mundo habang pinagmamasdan siyang papalapit sa akin.

Ladies and gentlemen, meet Ivy Herrera. Ang babaeng bumihag ng aking puso simula pa nung Junior highschool.

Ivy is a perfect girl for me. She's beautiful, smart, kind and talented. She actually looked even more beautiful since she cut her hair short. Nakaka-fall din yung boses niya dahil sa galing niyang kumanta. I really like her. Pero hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin.

"Adik! Ba't ka nakatulala dyan?!"

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Ivy. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako ng ilang segundo. Kasalukuyang nakataas ang kanyang kanang kilay habang nakapamewang. P*cha nakakahiya!

"K-kulang lang ako sa tulog. Hehe alam mo na, nagbabad nanaman kagabi sa Mobile Legends eh." kamot-ulo kong palusot.

"Okay. Sabi mo eh." natatawa niyang tugon.

Sa nakikita ko sa ugali nito ni Ivy, mapanuri siya sa kilos ng isang tao. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko, alam niyang may gusto ako sa kanya. Kung totoo man ang teorya ko, thank God at hindi niya ako iniiwasan!

"Tama na nga ang daldalan." ika ni Ivy, "Tara, puntahan na natin yung apartment ng tita ko."

Sabay kaming naglakad ni Ivy sa isang sidewalk dito sa Qc. Habang nasa gitna kami ng paglalakad, muling nagsalita si Ivy.

Modern-day SherlockOnde histórias criam vida. Descubra agora