natapos ang pasko at bagong taon .... maayos naman ....
sa school pinagpaghanda kami para sa retreat ....
nagpatawag pa nga ng meeting para sa mga parents and guardians .....
bago ang araw ng pag alis namin papuntang retreat house sa tagaytay binilinan pa kami .....
bawal magdala ng cellphone , mp3 players at kung anu-ano pa ....
torture sakin ang walang cp pero sige 3 days lang naman eh .....
first time ko tong aalis na hindi kasama parents ko at ganun pa katagal ..
hinatid ako ni papa sa school nung araw ng alis namin at makitext nalang daw ako sa adviser namin pag pabalik na kami ...
ang una at pangalawang araw namin sa retreat house ay naging maayos naman ....
as usual puro reflection at iyakan ang nangyari ..... di naman ako masyadong umiyak except sa last activity namin ....
final activity bago mag mass at uwian na rin ....
nakaupo kami sa chair na paikot then pinapikit kami at kinwentuhan .......
ang story ay kung gaano kamahal ng ina ang kanyang anak ( both parents )
natapos ang kwento pero di pa rin pinapabukas ang mga mata namin ....
" maaring marami kayong katanungan na wala pang kasagutan , pero maaring sa pagdilat niyo nasa harap niyo na ang kasagutang matagal niyo nang hinahanap " sabi ng facilitator namin " maari niyo nang buksan ang mga mata niyo "
pagdilat namin ng mata nakita namin na may mga letter sa lapag sa tapat namin ...
kinuha ko yung sakin , may mga maliliit na letters galing sa mga friends ko sa kabilang section .....
by section kasi ang pagpunta ng retreat house ...
yun muna ang inuna kong basahin .... sobrang nakakatouch kasi alam kong totoo ko silang mga kaibigan ....
nasa huling letter na ko , galing naman kay papa ...
natawa pa nga ako kasi sa stationary pa talaga nakasulat , yung sa mga classmates ko sa yellow pad lang eh ....
alam kasi ni papa na mahilig ako sa ganun .. si elmo ng sesame street pa nga ang design eh ....
nung binasa ko na yung sulat hindi ko na napigilang umiyak ....
nasa heading palang ako ng letter niya humahagulgol na ko ....
emotional ako pagdating sa parents ko ...
nag sorry si papa sakin sa letter at di naman daw nila ginusto na maghiwalay .. pero kahit ganun daw mahal na mahal pa rin nila ako ..
kinwento rin niya yung feelings niya nung pinagbubuntis ako ni mama , tuwang tuwa daw siya nun ....
nagthank you din siya kasi dumating ang napaka gandang batang tulad ko sa buhay nila ...
[ ehem , maganda talaga ? ]
umabot ng 3 pages back to back yung letter na yun ... lahat sila tapos na magbasa at nagyayakapan na ...
ako eto 1st page palang pero halos mapunit na yung papel .. puro patak na kasi ng luha eh ..
nilapitan na ko ni kariza , anne at jane , niyakap nila ko ....
ako ang pinaka naging emotional saming buong klase ...
nilapitan na rin ako ng adviser namin at niyakap .....
kaya nung pinipili na kung sino sino ang magiging part ng mass isa ako sa pinili ni sir para sa responsorial psalm ....
nag mamass na pero pag naalala ko yung letter naiiyak pa rin ako ...
pauwi na kami pero tagos pa rin sakin ang mga nabasa ko ....
gumaan ang pakiramdam ko ... thanks sa retreat na to ...
»»»»»»»»»»»»
- Maddie's POV -
malapit na mag 4th grading exam kaming mga 4th year students ...
dami rin projects na dapat gawin ...
kahit pagod at puyat go lang ...
todo review kasi baka pag failed grade na naman eh umulit na ko ng 4th year ....
4 days ang exam ... nauna ang schedule ng exam namin kaysa sa lower years ...
break time namin sa exams , andito kaming magbabarkada sa may hagdan ....
group study daw kahit kanya kanyang hawak ng reviewer hehe ...
natapos ang exam week ... chinecheck agad ng mga teachers namin yun tapos deliberation .....
yan ang kinakatakutan ng lahat ng studyante ....
today ang araw ng deliberation kaya half day lang ang klase ....
as usual ang barkada derecho sa mall ...
" ano kayang result ng exam ? " tanong ni nica ..
" waaaaa sana pasado ako " sagot ko naman ....
si nica at liz magkaklase sa st. peter , si precious at macy sa st. mark , sina katy , cherry , sey naman sa st.andrew at sina kariza , jane , anne at ako naman ay sa st.john .....
private catholic school po kasi kami nagaaral ...
kahit di na kami magkaklase gumagawa pa rin kami ng way para mag bonding ...
at eto sinusulit na namin ang mga oras na to ...
dahil pag tuntong namin sa college , limited time na ang bonding namin ....
buong weekend yata akong nagdasal ....
lahat na yata ng santo dinasalan ko na para makapasa ako ...
nagtirik pa ko ng kandila para maipagdasal ko ng bonggang bongga ang pagpasa ko .....
" LORD pleaseeeee sana po pumasa na ko .. promise ko po magpapakabait na ko at mag aaral na po akong mabuti sa college "
yan ang dasal ko sakanya .....
[ A/N: may memory gap po si Maddie di maalala name nv facilitator at pati na rin yung name ng retreat house .. yung letter kasi wala na naiwan daw , san naiwan ???? abangan .. totoo pong ginawa ni Maddie ... hahaha kulang nalang pumunta sa Quiapo at lumakad ng paluhod .... makapasa kaya si Maddie ? comment vote and recommend po ..... ]
YOU ARE READING
SML2 [ Offline Message: I'm here ]
Teen Fictionpanibagong kwento ng Social Media Love ... ang kwento ng maharot , makulet at pinaka dakilang bestfriend na si Maddie ... alamin ang kwento sa bawat ngiti niya ...
Offline Message 3
Start from the beginning
![SML2 [ Offline Message: I'm here ]](https://img.wattpad.com/cover/1933759-64-k720278.jpg)