Entry 7: Tatlong Araw

Start from the beginning
                                    

Hindi ko alam pero biglang tumagos ang kanyang mga salita na para bang may hiniwa nang kung ano sa aking kaluluwa, at nalaman ko na lang na nakaharap na pala ako sa kanya, habang pinipilit na basahin ang laman ng kanyang isipan.

Pakiramdam ko ay huminto ang oras kasama na rin ang paghinto nang pagtibok ng aking puso. Wala na akong makita sa buong paligid ko maliban sa kanya at sa kanyang mga matang may nangigilid na mga luha.

"Wala kang kwenta! Alam mo ba 'yon?"

Pinilit kong hindi masaktan sa kanyang mga sinabi at ngumiti na parang timang kasabay ang pagsasabing, "Salamat sa pag-alala kung ano ba talaga ang isang tulad ko."

Maganda sana siya pero hindi niya ako kilala at wala din siyang karapatang manghusga ng pagkatao ng iba lalong-lalo na at hindi naman niya talaga ako na lubusang kilala. Kung sa ibang pagkakataon at lugar kami nagkakilala, baka iba pa ang nasabi niya, baka hindi galit ang ipinakita nito sa akin, at baka nasilayan ko pa ang kanyang ngiti sa mapupula nitong mga labi. Pero walang gan'un na nangyari dahil kapwa kaming dalawa na dinaig pa ang nakahithit ng katol at sabog na sabog sa isang emoyon na hindi naman namin alam kung bakit.

Mabuti na lang at hindi niya ako sinundan. May saltik yata sa ulo ang babaeng 'yun. Tama bang mambugbog na lang sa kalagitnaan ng kalye? Hindi pa nagpasalamat sa ginawa kong pagtulong sa kanya, nagawa pa niya akong bulyawan sa pagiging walang kwenta ng buhay ko.

Tama naman siya eh. Tama naman na walang patutunguhan ang isang katulad ko kaya hindi ko na lang siya pinatulan. Nawalan na ako ng gana kaya mas minabuti na lang na maglakad na lang ako sa kalye hanggang mapawi ang anumang tensiyon na mayroon ako ngayon.

****************

"Sir Yohan," pag-alalang tawag sa akin ng aming pinagkakatiwalaang maid ng bahay nang nadatnan niya akong lasing na lasing sa may gate ng malaking bahay na 'to. Ano pa ba ang bago? Dapat hindi na siya nagtataka pa sa tuwing nagkakaganito ako.

Kaagad niya akong binubuksan na malimit niyang ginagawa sa tuwing nahuhuli niya akong nakahandusay na lang sa semento. Swerte na lang kung wala akong katabing suka.

"Ano ka ba namang bata ka oh! Patay ka na naman kay Ma'am n'yan eh! Bilis! Baka mahuli pa tayo ni Ma'am!" takot niyang sabi habang nararamdaman ko na lang ang pag-akay niya sa akin papasok ng bahay.

"Ma-a-sha-han ka talaga Aling Cho-naa-" para yatang nagdedeliryo pa ang utak ko at pakiramdam ko ay kinakain ko na ang aking mga salita habang ang sarap namang iuntog ang ulo kong parang nasa 'roller coaster-ride'. Nasobrahan ako sa paglaklak ng alak kanina pero 'di bale na. Ayoko lang talagang maalala na binasura ako ng isang payatot at weirdong babae sa apartment nila Yosef at mas lalong nakakairitang maalala din na pinabagsak ako ng isang cute na babae sa maraming tao.

"Naku, Sir! Mabuti na lang at wala sa ikalawang palapag 'yang kwarto mo kung 'di patay talaga tayo sa mommy mo!"

Minsan talaga nakakarindi na 'tong si Aling Chona kung magsalita. Talagang mahuhuli kaming dalawa sa kadaldalan niya at dinaig pa ang paggamit ng mikropono sa lakas ng boses niya.

"W-Wala 'yoooon d-dito," sagot ko kahit na alam kung kahit alam kong bangag na talaga ko.

Kaya nga ako naglasing kasi wala na naman siya. Nakita ko na naman siyang kasama ang kanyang pinakabagong boylet ng buhay niya. Anak ng tokwa! Paano niya nagagawang pagtaksilan ang aking ama nang gan'un-gan'un na lang? Paano niya naaatim na magpakasaya sa iba habang nagdurusa naman ang aking ama nang dahil sa kanya?

"Hoy Sir Yohan!" sigaw ni Aling Beng sa akin, "Tama na 'yan, Sir! Kawawa 'yung pader! Hindi 'yan lalaban pabalik sa'yo."

Saka ko lang napansin na nayupi nang bahagya ang pader ng kwarto ko sa isang suntok na ginawa ko dahil hindi naman 'to gawa sa semento. Kainis lang kasi! Ang sarap magwala! Ang sarap isigaw sa aking ina na wala siyang kwentang asawa at mas lalong wala naman siyang kwentang ina! Ang sarap ibulyaw ang lahat ng hinanakit dito sa loob-loob ko na parang sinasakal na ako sa sobrang bigat. Hayop lang ang lalaking 'yon! Makakatikim din siya sa 'kin.

WP New Stories' One-Shot Story ContestWhere stories live. Discover now