DAGLI 21 : Walang Forever

39 1 0
                                    

"Lyn, hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung ano talaga ang mali sa 'kin. Nahihirapan na akong magtiwalang muli. Paulit ulit na ang aking mga bangungot at parang konektado ang lahat,"

"Ano bang napapanigipan mo?"

"Parehong lugar palagi. Parehong maiitim na paa at kamay palagi. At parehong nananaginip ako sa loob ng panaginip ko na nananaginip ako,"

"Ang weird naman. Parang ilang pintuan pa para mapasok at makuha mo ang sagot sa panaginip mo, Carl."

"Oo nga, pero nabuksan ko na ang lahat ng pintuan para malaman ang kasagutan sa aking mga panaginip at tanging pintuan na lang ng puso mo ang kailangan mong buksan upang ako'y mapanatag na at mamayapa na. Palayain mo na ako, Lyn."

"Hindi! Hindi ako papayag! Hindi ko kayang kalimutan ka, Carl!"

"Lyn, matagal na akong wala. Ipaubaya mo na ako sa liwanag."

"Pero hindi na kita makakausap ulit? Ang isang aswang na katulad ko ay hindi makakapasok sa kaharian na tatahanan mo. Dito ka na lang sa akin, Carl."

"Pakiusap. Tanggapin na lang natin na wala talagang forever, Lyn! Patawad."

***
Bitter ako nung sinulat ko ito. Haha. Hango ito sa panaginip ko.

Mga Dagli Ni King SloanWhere stories live. Discover now