Na-like ko na po! (LuhFamilia)

64 2 4
                                    

Na-try nyo na bang magpa like ng status or ng DP nyo sa facebook?

Well ako, hindi pa..

Pero nang dahil sa LuhFamilia, parang ganun na din ang nangyayari.

Bigla nalang isang araw, nauso samin yung magcocomment ka sa status or picture na pinost nung isa ng  "na-like ko na po."  Minsan may karugtong pa na  "May ipapalike ka pa po ba?".

Nakakabaliw diba? Pero dahil alam namin ang trip ng bawat isa, sasagot nalang yan ng  "PM ko nalang po yung ibang ipapalike ko. Salamat po talaga. Kailangan lang para sa school project.".

Mga kagagahang pinauso ni Mang Eysie at Aling Kiella. HAHAHA! Hindi ko din alam kung sila talaga ang pasimuno basta ang alam ko sila ang mga naunang mag comment ng ganyan sa post ko. Nakakabaliw pero nakakaaliw.

Kung may iba nga sigurong nakakabasa ng mga comments namin sa posts ng isa't isa, siguro iisipin nila na, hala? Nagpapalike pala sya ng posts. Feeling peymuth.  Pero paki ko ba sa iisipin nila? Basta kami, masaya lang.

Hindi ko alam kung paanong nagsimula na maging close kami ng LuhFamilia. Basta ang alam ko lang dahil sa SS501 kaya nagkakilakilala kaming lahat. S201, GM5 at DBisheSS pati si Lia ganda.. Nung una ang awkward pa kasi di naman talaga kami ganun ka-close lahat.. Pero di nagtagal nagkasundo sundo na kami.

Hindi ko din akalain na magiging close sina Rhisa, Tep and Kielle. Nagkaroon kasi ng issue at first kaya akala ko hindi sila magkakasundo. Akala ko hindi na sila magiging okay. Pero bigla nalang, boom! Nag uusap na sila! Okay na sila! NAKAKATUWA!

Bakit nga ba LuhFamilia? Isa lang ang sagot dyan. Kami ang barkadang parang pamilya na mahilig mag sabi ng "LUH". Kung magets nyo man, isang masigabong palakpakan po please!

Nabuo din yung mga pairings (OTP) sa LuhFamilia.

Eto yung listahan para makaboto po kayo ng most loved OTP. haha!

JhonRhi (Jhon Emil and Rhisa)

EyKie (Eysie and Kielle)

EdWens (Ed and Wens, ang obvious lang eh haha)

MickEy (Micky and Eysie wala na ko maisip haha! Sila yung Tom and Jerry namin na may tampuhan ata sa mga oras na ito.)

ChatEd (Chatmon and Ed)

At syempre ang pinakabagay sa lahat..

ChatXen (Chatmon and Xenia, ipupush ko talaga to hahaha! joke)

Eh kasi naman di ko alam kung counted ba yung VitXen (Vit and Xenia) hahahaha! Genern telege.. Malandi po kasi po ako po.

Ewan ko ba kung bakit naisulat ko to.. Wala lang ata talaga akong magawa at bored na bored ako.. Tapos namimiss ko din kasi yung mga monggy na yun.. Kailan kaya ulit kami magkikita kita? Kailangan kasi naming icelebrate ang birthday ni Chattie ko at ng manager namin na si Boss Tep.. Pero wala pang date kung kailan, basta within september lang syempre.

Sa totoo lang, di ko inakalang makakahanap ako ng ganitong barkada sa KPOP world. Sa dinami dami ba naman kasi ng cover groups at KPop fans diba? Meron pa nga dyang mga feeling peymuth na di mo na makausap, akala mo kalevel na nila sina Kim Hyun Joong at Lee Min Ho! Excuse me lang po ha? Dadaan ako! Haha!

Buti pa tong mga baliw na LuhFamilia eh, kahit may mga totoong sikat narin naman sa mundong ginagalawan namin, napakabait parin. Sana nga ganun lang lagi. Walang magbabago. Ang magbago pepektusan ng lahat!

Magkakalayo man yung mga lugar na pinanggalingan namin, iisa naman ang tinitibok ng mga lamang loob namin, ang KPOP.. Sila lang yung mga kaibigan na meron ako na hindi hinuhusgahan ang pagkahilig ko sa music ng Korea kasi nga we love the same music, we share the same passion.

Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang barkadahan o ang pamilyang ito.. Syempre darating yung panahon na magiging busy na din lahat.. Pero sana naman kahit ganun, solid parin kami. Kahit minsan lang magkita kita, basta magkulitan lang sa chat at mag asaran okay na.

Sila po ang mabubully kong kaibigan. Opo, mabubully po at hindi mabubuti.. Wala atang member ng LuhFamilia na hindi bully eh.. Lahat kami nagbubullyhan at si Mang Eysie po ang pasimuno ng lahat ng ito. Sya po talaga ang pinaka bully. Sya po talaga ang may sala.

Lagi nalang sya.

Kawawang nilalang.

Hahahaha!

Ayoko na nga! Nawawalan na ko ng idea kung anong dapat kong isulat dito.. Basta ang alam ko mahal ko ang LuhFamilia!! Tara! Pagawa na ng tshirt guyth! Haha!! Yung mga nagdedesign ng shirt dyan, gawa na kayo ng para sa tropa plith. HAHA!

At dahil dyan, nasa multimedia po sa right side ang naisip kong kanta na babagay sa LuhFamilia! At pati narin picture ng tropa.. Kulang nga lang ng dalawa (Emil at Xel) at nakasali po yung bf ni ganda.. HAHAHA!

KDot.

Paki like nga po.. Kailangan lang po talaga para sa school project.

Salamat po! :D

#LuhFamilia

My One-shot StoriesWhere stories live. Discover now