chapter 3 ** first day -- again?! **

82 3 4
                                    

Chapter 3

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Pero bago ako lumabas sumilip muna ko sa huling beses  sa vanity mirror ko. Ay grabe! Ang ganda ko! Imposibleng hindi ako mapansin ni Eros sa ganda kong to. May gash! Tingnan mo yang mukha na yan~ Bilugan ang mata. Maputi at makinis ang mukha. Walang ka-bakas-bakas ng pimples. Hindi ganun katangos ang ilong. Maliit at pula ang labi. Nakakainis! Pati ako nagagandahan sa sarili. Vanity at its finest!

Pa-sway sway akong bumaba ng kwarto. Pagpunta ko sa kusina nandun si Nanay at Tatay. Si Kuya kanina pa pumasok sa opisina. Ang laki laki ng ngiti sa mukha nilang dalawa. Sus! Porke babalik na ko sa eskwelahan, ganyan na sila sakin. Parang nung isang araw lang, pagnakikita nila ako parang dinaanan ng bagyong Ondoy ang mukha nila. Pak na pak sa galit. Pero ngayon oh! Kung makangit kala mo model ng toothpaste. Masakit sa mata. Nakakasilaw.

“ Oy Aya, anak! Kumaen ka na ng almusal mo. Baka ma-late ka pa sa klase mo nyan. Anong oras nga pala ang simula ng klase nyo?” tanong ni Tatay.

Umupo na ko at kumuha ng tinapay at hotdog. “ Mamayang 8am po.”

Napatingin si Tatay sa relo nya, “ Ee 7.45 na anak. Bilisan mo na sa pagkaen, baka mahuli ka pa sa klase mo.”

“ ay oo nga po!” kumuha muna ako ng isa pang tinapay at hotdog bago tumayo. “ Sige po. Aalis na ko.”

“ Oh baon mo.” Inabot sakin ni Nanay ang cute kong pink na bento box at baon kong cash. Kung magkano, secret na lang yun! “ Bilisan mo na. Mag-iingat ka.”

Nag-mano muna ko sa kanila bago ako umalis. Hindi kami mayaman. May isang maliit na talyer si Tatay at may karinderya naman si Nanay. Si Kuya naman ay nagtatrabaho sa isang Japanese Engineering firm. Civil engineering kasi ang natapos nyang kurso kaya dun nya naisipang magtrabaho. Ako na lang ang nag-aaral kasi ako ang bunso. Masaya ko sa pamilya ko kahit laging nagbubunganga si Nanay at laging nang-aasar si Tatay at Kuya. Masasabi kong maswerte ako dahil biniyayaan ako ng Dyos ng pamilyang kasing gulo nila. Kaya nga siguro ganito akong ka-optimistic sa buhay dahil sa mga taong nakapalibot sakin.

Sumakay na ko ng jeep. 10 minutes lang ang byahe ko. Mejo malapit lang naman ang bahay namin sa school ii. Dati na kong nag-aral sa school na to. Mula nung first year hanggang unang tatlong araw ng fourth year kasi pagdating ng ika-apat na araw, tinamad na kong pumasok. Boring kasi sa school ii. Yung mga teachers ko kasi, hindi sila nagtuturo ng bagay na hindi ko pa alam. So why waste my time for this crap kung lahat naman ng naririnig ko ee matagal ng nakasaksak sa utak ko. Kaya mula nun, hindi na ko pumasok sa school. Wala rin akong naging kaibigan dahil sa medaling pag-alis ko. 2 months na ang nakalipas pero heto ako ngayon, buong pusong nagbabalik. Hindi para sa edukasyon kundi para sa magandang nilalang na si Eros at ang pagkakataong makasama sya.

Ang mgaganda at mapupungay nyang mga mata. Ang suplado nyang aura. Ang leather jacket nya. Yaaaay! Iniisip ko palang sya kinikilig na ko.  Pano pa kaya pag kaharap ko na sya at araw-araw na kasama?! Ow-my-gaaaaash! Baka hindi ko kayanin to~!

After 10 minutes, bumaba na ko at tumakbo na papasok ng school. Pagka-swipe ko ng ID, bumukas na ang turnstile at pumasok na ko. Weew~ Buti nalang na-re-recognize pa ng device yung ID ko kahit 2 months ko ng hindi ginagamit to. I guess hindi pa talaga ako na-ki-kick out.

Dumerecho ako sa Faculty Room. Naglakad ako palapit sa  Homeroom Teacher na si Sir Raffy. Nakatingin sakin ang mga teachers sa faculty room. Well, sa tagal ko ba namang mg-aral sa school na to, malamang kilala na nila ko at alam din nila na ngayon lang ako nagbalik. Papalapit palang ako kay Sir Raffy kitang kita ko na na busy  sya sa pag-inom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.

When Miss Go-getter and Mister Tsundere Met -- Chapter 10 [SLOW UDs]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon