Chapter 5

194 4 0
                                    

Hindi nagkaroon ng problema sa mga kaibigan ni Alex ang pagkakaroon niya ng girlfriend. Natutuwa pa nga sila dahil sa wakas ay nagkaroon na rin ng girlfriend si Alex. Gusto naman nila si Cassie para kay Alex dahil bukod sa kaibigan nila ito, alam nilang hindi niya lolokohin si Alex. Hindi alam ng mga kaibigan nila Alex at Cassie kung paano naging sila. Hindi naman mahalaga sa kanila yon, basta ang importante sa kanila ay masaya sina Alex at Cassie.

Nakaupo sa swing ng playground na malapit lang sa kanila si Cassie. Inaantay niya si Alex dahil pupunta sila sa mall para sa first date nila. Dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ni Cassie, napaaga ng 30 minutes ang dating niya. Isang oras na ang nakalipas. Dapat ay nandoon na rin si Alex, pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Isang oras ulit ang lumipas, pero matyaga pa rin si Cassie sa paghihintay. Maya maya ay dumating na si Alex.

"Cassie... Sorry, may ginawa pa kasi ako e..."

Ngumiti si Cassie at tumayo sa swing.

"Ok lang... Buti nga nakarating ka eh!"

"Kanina kapa ba?"

"Ah eh... Hindi, halos kakarating ko lang..."

"Ah... San tayo pupunta?"

"Sa mall diba?"

"Ah, oo nga pala..."

Natawa si Cassie.

"Ano Alex? Tara na?"

"Sige."

Lumakad na sina Cassie at Alex papunta sa mall. Pagdating nila sa mall ay tahimik na palakad-lakad lang sila hanggang natanaw ni Cassie ang sinehan.

"Alex... Tara, nood tayo ng sine!"

"Ha? Ah eh... Hindi kasi talaga ako mahilig manood ng movie e..."

"Ganon? Sige na... Kahit ngayon lang?"

Tinignan ni Alex si Cassie at nakita niyang nakangiti ito sa kanya.

"Sige na nga... Anong papanoorin natin?"

"Ayun oh!"

Itinuro ni Cassie ang poster ng isang pelikula.

"Lovestory? Hindi kasi ako mahilig dyan e..."

"Ah sige... Yung gusto mo nalang!"

"Eh... Wala din akong gusto e..."

"Kahit ano?"

"Sorry talaga Cassie... Hindi talaga ako palanood e..."

"Ganon ba? Sige, wag nalang."

"Talaga? Ok lang sayo?"

Pinilit ngumiti ni Cassie.

"Oo naman! Tsaka wala naman talagang magandang palabas e. Iba nalang ang gawin natin!"

"Sige..."

Nagpalakad-lakad lang ulit sila Cassie at Alex sa loob ng mall. Masakit na ang mga paa ni Cassie sa kalalakad pero hindi niya nirereklamo ito. Masyado kasi siyang masaya para indahin pa ang sakit ng paa niya.

Hinawakan ni Cassie ang kamay ni Alex pero parang nagulat ito at mabilis na inalis ang pagkakahawak niya dito.

"Bakit...? Ayaw mo ba...?"

"Uhm... Sorry Cassie... Hindi kasi ako sanay..."

Ngumiti si Cassie.

"Dapat masanay kana... Gusto ko kasi na palagi kong hawak yung kamay mo eh..."

"Ah eh... Pwedeng next time nalang?"

"Sige..."

Palakad-lakad pa rin sila sa loob ng mall. Maya maya ay nakaramdam na ng gutom si Cassie.

Lie To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon