Chapter 1

14.5K 274 28
                                    

Margaux

Namaywang ako sa harapan ng bartender ng makitang pinasadahan ako nito ng tingin. Kadarating ko lang sa Royals Club at mukhang bago ang isang bartender na ito at hindi ako nito kilala. Kung dati na ito rito, he wouldn't dare to stare at me dahil ayaw na ayaw kong may tumititig sa akin lalo kung mukhang barbaric!

"Anong tinitignan mo ha?! Your duty is to mix my drink at hindi ang titigan ako!"

"Sorry po ma'am." Wika nito bago yumuko.

I slammed my right palm on the stool habang nakapamaywang pa rin ang isang kamay ko.

"No! I demand you to call your manager, now!" Mariin kong wika rito.

Wala akong pakialam kung makaagaw pa ako ng atensyon sa iba. Gusto ko itong turuan ng leksyon. Hindi ba ito tinuruan ng mga magulang nito that staring is fucking rude?!

Nobody mess with me, I am Margaux Delance Hetri at batas ang lahat ng sabihin ko. I don't take no for an answer at lahat ng gusto ko ay nasusunod. Whatever it is, whenever it is and as much as I wish.

Nakayuko itong umalis at pagbalik nito ay kasama na nito si Enrico Lacarso, ang may ari ng club na ito at kilala ako nito. Why not? I'm a regular costumer and a VVIP.

"Good evening ma'am." Magalang na bati nito sa akin. He's gay. "What can I do for you Miss Hetri?"

"Fuck off Enrico! There's no good in the evening lalo na kapag iyang baklang mukha mo ang nakita ko." Tinuro ko ang bagong bartender nito. "This man stared at me like he wanted a piece of me. He's a fucking numskull! Fire him now because next time if I come back and I still see him here. Ang club mo naman ang mawawala sa iyo, got that Rico?!"

Napalunok ito. "Yes Miss Hetri."

"Good!" I look at the bartender. "You ruined my night meathead!" Sabi ko bago tumalikod at naglakad palabas ng club na ito.

I'm the only daughter of Max Hetri. Isang business tycoon. I'm spoiled dahil lahat ng gusto ko ay binigay nito simula pagkabata ko. I never got scold or hit at all kaya lahat ng ginagawa ko para sa akin ay tama.

My mom? She died when she gave birth to me kaya lahat ng gusto ko ay binibigay ng daddy ko. Yes, Max Hetri is the best father for me. Ito nga ang may ayaw na magtrabaho ako, he wants me to enjoy life. Travel and everything pero dumating na rin sa puntong nagsawa na ako. I've been traveling all my life kahit noong nag-aaral pa ako. Kapag summer ay sa ibang bansa ako nagbabakasyon. I already reached my limit and I just wanted to be with my dad now.

My dad's always busy dahil sa dami ng hinahawakan nitong mga negosyo. I wanted to help but he just wont let me. Graduate naman ako ng business ad at kung talino lang naman ang pinag-uusapan ay saksakan ako non. No kidding. Kaming dalawa ng matalik kong kaibigan na si Ava Adams ang pinakamagaling noon. Palagi kaming nagta-tie sa ranking.

Pareho daw kaming masungit at mataray. I don't look at my best friend that way dahil para sa akin ay normal iyon if you're in the business tulad ni Ava. I am single dahil ayaw ko sa bobong lalaki. Mas lalong ayaw ko ang tatanga-tanga. Mongrel, meathead, knucklehead at kahit ano pang may kinalaman sa pagiging stupid. I fucking hate those kind of guys.

Iyong may dating pero brainless.

They are a total turn off for me. Gusto ko kapag nagkaroon ako ng boyfriend. Iyong ito ang nananalo sa argument namin. Meaning, mas matalino ito kaysa sa akin pero kung hindi. Hindi rin ako interesado.

While my best friend Ava Adam's is pregnant with a losers child. Come on! Sa ganda ba naman ng best friend ko, nahulog din ito sa maganda and worst isa pang transgender. Kung ako lang, kahit tumanda na lang akong dalaga. I don't mind pero hindi ko alam kung anong nakain ng best friend ko at biglang bumaliktad ang panlasa nito. Nakulam yata ang gagang iyon.

I was called a ruthless bitch countless of times. And I'd say I don't care kasi aware naman ako doon at proud ako. I'm ruthless and bitch kung iyon ang tingin nila sa akin pero wala talaga akong pakialam. I am not Margaux Hetri if I don't act like one.

Pagdating ko sa mansyon ay tinanggal ko ang heels at binalibag ito. Mabilis nakalapit ang isang kasambahay sa akin at ito mismo ang nagsuot ng heels kong pambahay sa akin. That's right. I don't use flat sandals. Iba ang pambahay kong heels sa panlabas. Nakita kong pinulot ng isang kasambahay ang binato kong heels kanina.

"No! What the heck are you doing?!" Sigaw ko rito at halos mapatalon ito sa gulat. Takot na takot itong tumingin sa akin. I don't know their names dahil wala naman akong pakialam sa mga ito.

"Itapon mo ang letseng iyan! Damn it!"

Mabilis itong umalis para itapon ang heels ko kanina. Itinapon ko na nga tapos pupulotin pa nito para ibalik? What was she thinking?! Alam kong may sira na iyon the moment na lumipad iyon sa ere. Siguradong may gasgas na iyon pagbagsak. Stupid!

"Get out of my way!" I screamed. "Ayokong may nakikita ngayon sa inyo!"

Biglang nawala ang mga ito at nagpunta sa mga sulok ng mansyon kung saan hindi ko sila makikita. I walked up to the stairs at dumiretso sa aking kwarto. Pabalibag ko itong isinara na halos ikasira ng malaking pintuan ko. I remove my heels saka pumasok sa banyo. Naghubad ako ng damit at naghalf bath. Nakakainis ang araw na ito!

I don't want to drink pero nagpunta ako kanina sa opisina ng matalik kong kaibigan na si Ava. Hindi ko nagustuhan ang sinabi nito sa akin kaya ako napadpad sa Royal Club pero nasira din ang gabi ko dahil sa barbaric na iyon!

And what does Ava fucking mean that 'a beast will do the same thing to me'? Na bubuntisin din ako ng isang transgender?! Ha! Nungka kung basta basta ko na lang isusuko ang aking bataan. Hindi ako iyong tipo na isang kalabit lang e bubukaka na. Magkamatayan muna bago matanggal ang letseng panty ko.

And a fucking transgender?! No way! Over my fucking body to die for!

At bakit parang may alam ang matalik kong kaibigan sa mga nangyayari sa akin? That's right. These past few nights. I could feel that someone's touching me tuwing madaling araw. I wanted to believe it's a ghost but I shouldn't feel anything, e ako? Nararamdaman ko ang kamay nitong malambot na medyo malamig sa hita ko. Minsan sa likuran ko because I sleep only with my underwear and bra at kung bubuksan ko ang lampshade ay mag-isa lang naman ako.

If it's a ghost. Well, news flash! Hindi ako takot sa multo! I don't fear anyone or anything!

Pero si Ava, she must know something dahil nakangisi pa ito sa akin ng sabihin ang bagay na iyon. I swear, masasakal ko iyon kapag may nangyaring masama sa akin.

When I'm done taking my warm bath. I wipe my body with a towel bago ako nagsuot ng bathrobe at dumiretso sa aking closet. I took a violet lace underwear and a bra. Sinuot ko ang mga ito bago ako lumabas ng closet at basta na lang binato ang bathrobe kung saan. I switch the lampshade on and close the lights. I laid in bed and turn the aircon on before I pulled the blanket up to my chest bago ko patayin ang lampshade.

May araw din sa akin ang letseng nangmamanyak na engkanto sa gabi. It's not a fucking ghost. It's something else and I swear if I ever caught that nuthead jerk. Puputolin ko lahat ng pwedeng putolin dito lalong lalo na ang kamay nito.

I am Margaux Hetri, if I am ruthless then be it.



Wala akong pakialam.

Taming the Ruthless Dragon _Series 4 (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu