Kabanata II

63 18 3
                                    

~~•~~

       "A-anong ginagawa niyo sa kanya?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

       "A-anong ginagawa niyo sa kanya?"

         "Agresu!"

        "Bitiwan niyo ako!" Kahit anong gawing pagpupumiglas ni Hiraya ay hindi pa rin siya makawala sa mahigpit na pakakahawak sa kanya ng mga lalaki.

Mas lalo siyang nataranta nang makitang binuhat si Mitch ng isa pang lalaki samantalang si Lara naman ay puwersahang kinaladkad ng mga ito.


          "Buka kera kerajaan!" sigaw ng isang lalaki na nakasuot ng kapang puti, ito marahil ang pinuno. Kasabay ng sigaw nito ay ang biglang pagliwanag ng buong paligid. Nakakasilaw ang liwanag na iyon dahilan para mapapikit si Hiraya.

    Makalipas ang ilang minuto, muling binuksan ni Hiraya ang kanyang mga mata. Wala na ang nakakasilaw na liwanag ngunit, ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang makita ang paligid na kinaroroonan niya.

Wala ng tao sa paligid maliban sa kanya. Nakatayo siya ngayon sa isang sementado at malapad na daan. Sa bawat gilid nito ay mayroong iba't ibang uri ng bulaklak na namumukadkad.

Nalalanghap niya ang kakaibang bango ng mga bulaklak sa paligid. Sa tanang buhay niya, ngayon lamang siya nakakita ng ganoong klaseng bulaklak. Pakiramdam niya ay nasa isang paraiso siya.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Puno ng pagkamangha ang itsura niya, tila nakalimutan na niya ang nangyari kani-kanina lang.

Sa 'di kalayuan ay tanaw ni Hiraya ang mga punong nakahilera na namumulaklak na kulay asul. Nakatayo lang siya sa gitna ng daan na iyon nang bigla niyang naalala ang nangyari kanina. Nagsimula siyang makaramdam ng pagtataka.

Napakurap lang ng isang beses si Hiraya at nasa harap na siya ngayon ng matayog na kulay okreng tarangkahan. Ito ay napapalibutan ng mga pulang rosas na nag-hugis arko.

Sa magkabilang gilid ng tarangkahang iyon ay mayroong dalawang guwardiya ang nakatayo. Sabay-sabay ang mga ito na yumuko nang makita si Hiraya. "Vagatam yuva mahila," sabay-sabay na wika ng mga ito.

       "Mga kuya, maaari po bang magtanong? Saang lugar po ba ito?" tanong niya. Lumipas ang ilang sigundo ngunit wala pa rin siyang natanggap na sagot mula sa dalawang guwardiya. Nanatiling nakayuko lamang ang mga ito. "Hangin yata ang kausap ko," wika niya sa sarili.

    Dahil nakabukas ang tarangkahan ay minabuti na lamang ni Hiraya na pumasok sa loob nito. Ang bilugan niyang mga mata ay mas lalo pang namilog nang makita ang buong paligid.

Isa na namang malapad na sementadong daan ang nakikita niya ngunit hindi ito ang nakaagaw ng kanyang pansin. Kun'di ang nangingintab na kastilyo. Mayroon pa siyang nakitang kulay puting ibon na nag-uunahan sa paglipad.

Hiraya Namaya (ONHOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon