Maya-maya ay bigla nalang silang nakarinig nang bukas na gripo na tila ba nanggagaling sa may kusina nang bahay nila. Panandali nilang binitawan ang mga hawak nilang babasagin na baso at tumungo sila sa kusina.

Nakita nilang bukas yung gripo sa may lababo nila. Kapwa silang nag katinginan.

" S-sino nag bukas niyan?" nakangiwing tanong ni Emily sa kapatid niya.

"Aba malay ko! parehas kaya tayong nasa dining room kanina." Sagot ni Erika sa kapatid niya.

"Alam mo ate! konting konti nalang, malapit na akong matakot sa bahay nato!" nakunot noong sabi ni Emily.

"Baka naman naiwan lang bukas ni mama kanina yan." Sambit ni Erika. Lumapit siya sa may lababo at saka niya pinatay ang gripo.

kakatalikod palang ni Erika, ngunit, muli na namang nag bukas ang gripo kaya napalaki nalang ang mga mata nila Erika at Emi. 

"AHHHHHHH!!!!" kapwa silang nag sisisigaw at tumakbo papalabas nang bahay.

Paglabas nila nang bahay ay nagulat nalang sila nang maging kulay violet lahat nang pulang rosas sa garden.

"Ate! tignan mo yung mga bulaklak!" Sambit ni emily habang nakaturo ito sa mga bulalak.

"My god! bakit nagiging kulay violet yan?" Nakangiwing sabi ni Erika. Lalo nang nag tatakbo palabas nang gate ang dalawang mag kapatid. Sa sobra bilis nag pag kakatakbo nila ay nagulat nalang sila nang makabangga sila nang matandang babae.

kapwa silang tatlong nakahandusay sa lupaan.

"Aray ko naman mga ineng!" nakangiwing sabi nang matandang nabunggo nila. Agad agad din naman nilang itinayo ang matanda.

"Sorry po, lola." Nakayukong sambit ni Erika sa matanda.

"K-kayo ba ang bagong nakatira diyan?" Tanong nang matanda sa kanila habang hinihimas himas nito ang balakang. Sumakit siguro sa pag kakabagsak niya kanina sa lapag.

"Opo, lola." maikling sagot ni Erika. Si Emily naman, speechless lang sa mga nangyayari.

"Eh bakit ba, kung makatakbo kayo eh, tila nakakita kayo nang multo?" Tanong ulit nang matanda sa kanila.

"Kasi po, nahihiwagaan napo kami sa bahay na yan!" hingal na hingal na sabi ni Erika. kinuwento nila sa matanda ang mga  naganap sa bahay naiyun.

"Hindi sa tinatakot ko kayo mga ineng. Pero lahat ata nang tumira diyan ay hindi nag tatagal. Bukod kasi sa gumagalaw ang mga gamit diyan ay nag papakita nga din daw yung sinasabi nilang pinatay na mag kapatid na babae." kwento nang matanda sa kanila.

Lalo nang nag taasan ang mga balahibo nang mag kapatid sa kwento nang matanda.

"So, hindi nga ako namamalik mata kaninang umaga?" Nakangiwing sambit ni Emily.

"At hindi rin panaginip yung babaeng duguan ang mukha na sumakal saakin kanina.?" sambit ni Erika.

"Pero isa lang ang masasabi ko sainyo mga ineng. Wag na wag nyong titignan sa mata yung mga multong yun kapag nagpakita man sainyo ang mga ito." Sambit nang matanda.

"B-bakit naman po?" litong tanong ni Erika.

"kapag kasi tumingin kayo sa mga mata nila ay maaaring makuha nito ang mga katawang lupa niyo at sila na ang mag cocontrol nito. at kapag lumaon ay---" Napatigil bigla ang matanda at biglang napayuko. Maya maya ay bigla bigla itong nag sasayaw at nag tatakbo na.

Napakunot noo nalang ang dalawang magkapatid sa inasal nang matanda. Maya-maya ay isang ale naman ang lumapit sa kanila.

"Bakit nyo kinakausap yung matandang baliw nayun?" Sambit nung ale sa dalawang mag kapatid.

"B-baliw po ba yung matandang yun?" Tanong ni Erika sa ale.

"Oo. Minsan kasi malumanay ito magsalita at mukang matino. Pero kapag lumipas ang ilang segundo ay nag iiba naman ang timpla nito. Para bang may bipolar siya." Kwento nang ale sa kanila.

"Naku Ate Erika, hindi naman pala totoo yung sinasabi nung matanda yun. Baliw pala." sambit ni Emily sa ate niya.

"Mauna na ako sainyo at baka masunog ang sinaeng ko." Sambit sa kanila nung ale saka tuluyang umalis.

Naisipan nilang bumalik nalang sa loob.

Pag pasok nila sa may gate ay nakita nilang bumalik na sa kulay pula ang violet na rosas kanina.

"Ate, pula na ulit yung mga rosas na nakatanim." Sambit ni Emily.

"Oo nga no!"

Pumasok na ulit sa loob nang bahay ang dalawang mag kapatid nang mahimasmasan na sila. Tinuloy narin nila ang pag pupunas nang mga baso. 

"Ate, yung gripo. Patayin na kaya natin at baka mag bayad tayo nang malaki kapag nagtuloy tuloy pa yun." Sambit ni Emily sa kapatid.

Dahan dahan silang tumungo sa kusina para patayin yung gripo. pag kapatay nila ay hindi muna sila umalis. Tinitigan pa nila yung gripo kung mag bubukas ba ito muli.

Laking tuwa naman nang mag kapatid nang hindi na ito muling mag bukas.

"Ayos na siya!" Nakangising sambit ni Erika. bumalik na ulit sila sa dining room kung saan nag pupunas sila nang mga basong maaalikabok.

"Maniniwala na sana ako kanina sa matanda, yun pala baliw pala haha! Pero mukang ang seryoso niyang mag kwento kanina no?" Sambit ni Emily sa ate niya.

"Tumataas na nga yung balahibo ko kanina habang nag k-kwento siya, eh." sambit ni Erika.

Maya maya pa ay dumating na sina George at Teressa. May mga dala dala itong mga bagong kagamitan na binili ata sa palengke.

"Oh hindi pa kayo tapos?" bungad na sabi ni Teressa.

"Hindi pa. Nakakatakot po kasi yung gripo kanina. Bigla bigla po kasing nag bubukas." Sagot ni Erika sa magulang niya.

"Ayan na naman kayo! Sinabi nang wag kayong nag tatakutan eh! oh ito, binili namin kayo nang tig isang salamin. Ilagay nyo sa kwarto nyo." Sambit ni George sa mga anak.

"Oh sige, i akyat nyo na yang mga salamin nyo. Iayos nyo narin ang mga gamit nyong pang school at may pasok na kayo bukas." Sambit ni teressa sa mga anak niya.

******

kinagabihan, papasok na sana si Teressa sa kanilang kwarto ni George. Pero napahinto ito nang matanaw niyang nakaawang ang pinto nang kwarto ni Emily. Lumapit siya doon.

Aktong isasara na dapat ni teressa ang pinto nang kwarto nang anak niya nang napatigil ito nang matanaw niyang may babaeng nakasayang puti, na nakadagan sa ibabaw nang natutulog niyang anak na si Emily. 

Maya-maya ay nagulat at napatili si Teressa ng may humawak na malamig na kamay sa likuran niya.

"AHHH!!"

"Oh, anong nangyayari sayo?" 

Napapikit si teressa nang oras nayun. pag lingon niya sa likuran, nakita niya ang asawa niyang si George na may hawak na ice candy.

"Pambihira ka naman George! papatayin mo ba ako sa takot?" Sambit nito sa asawa niya.

Muling lumingon si teressa sa kwarto nang anak niya. kaya lang, lalo siyang nagulat nang makita niyang wala na ang ang nakahiga niyang anak sa kama at babaeng nakadagan sa ibabaw nito.

ITUTULOYYY...................

Eri At Emi (Available On Ficfun)Where stories live. Discover now