Chapter 3

20.6K 391 23
                                    

Nadatnan nilang nakahandusay  sa lapag ang walang malay na katawan ni Erika.

"Anak? Gising!" Tulirong sabi ni George habang kandong kandong niya ang walang malay niyang anak.

"Dalin na kaya natin siya sa Ospital." Untag ni Teressa.

Maya-maya pa'y nag kamalay rin si Erika.

"Ate?!" Sambit ni Emily sa kapatid niya.

Papungay pungay ang mata ni Erika habang inuupo siya ni George. Nang maging malinaw ang paningin ni Erika ay biglang nag iba ang timpla nito.

"N-nasan yung babeng duguan? Ikaw! ikaw yun Emily! Nasa katawan mo siya!" Nag wawalang si Erika habang turo turo niya si Emily. 

"A-anong sinasabi mo Ate?" litong tanong ni Emily.

"Anak Erika, Ayos kalang ba?" Tanong ni Teressa sa anak niya.

"Kitang kita kong nag iba ang mukha ni Emily kanina. Duguan siya at may uod ang kanyang ilong. Sinakal pa nga ako niyan kanina eh!" Pagmamatigas na sabi ni Erika. Bakas na bakas sa mukha ni Erika ang pag katakot. Nangingig pa ang mga kamay nito at paa.

Bigla namang niyakap ni George ang kanyang anak. "Erika napagod kalang siguro. Halika kana sa baba at kakain na tayo. Panaginip mo lang siguro ang lahat."

"Ano ba itong mga batang to! Mga nagtatakutan! kaninang umaga, sabi ni emily, nakakita ito nang dalawang babaeng mahaba ang buhok na nakadungaw sa bintana. At ngayon itong si Erika na naman. Ay naku! tigil tigilan nyo kasi ang kakapanuod nyo nang mga horror movie, nang hindi kayo natatakot." 

Habang akbay akbay ni George si Erika pababa nang hagdan, hindi maialis ang mata ni Erika sa kapatid niyang si Emily.

"Ate naman! 'wag mo nga akong tignan nang ganyan." Inis na sabi ni Emily sa kapatid niya.

"Tama na Erika! Tumigil na kayo!" Pang sisigaw ni George sa mga anak niya. Bigla namang nahismamasan itong erika kaya naman dumirestyo na ang tingin nito pababa sa hagdan.

********

Pag sapit nang hapon ay umalis muna nang bahay ang mag asawang si George at Teressa para tumungo sa palengke. Tanging ang mag kapatid lang na Erika at emi ang naiwan sa bahay.

kapwang nakaupo ang mag kapatid sa dining room. Inutusan kasi silang mag punas nang mga basong ipang didisplay nang mama teressa nila sa aparador.

"Emily, mag ingat ka at baka makabasag ka diyan!" Sambit ni Erika sa kapatid niya.

"Opo, ate." Nakangisi nitong sagot sa kapatid niya. Bigla namang napatitig si Emily sa kapatid niya.

"Oh bakit ka nakatitig?" Tanong ni Erika sa kanya.

"Eh kasi, nakakagulat talaga yung nagayari kanina. Tapos yung mga sinasabi mo, natakot ako. Totoo ba yun? parang ayoko na tuloy matulog sa kwarto ko." Nakangiwing sabi ni Emily.

"Kalimutan mo nayun. Baka nga panaginip ko lang yun. Napagod rin kasi ako kanina sa pag bubuhat nang gamit, kaya baka nag collapse nga ako sa kwarto mo." Oaliwanag ni Erika sa kapatid niya.

"Paano kasi, pati ata yung mga gamit ko sa kwarto ko inayos mo. Salamat ah! ang ganda ganda nang pag kakaayos mo." Nakangising sabi ni Emily sa kapatid niya.

Napalaki nalang nang mata si Erika sa mga sinabi ni Emily. wala kasing itong natatandaan na inayos nito ang mga gamit nang kapatid niya.

"H-hindi ako ang nag ayos nang kwarto mo no!" pagtatanggi ni Erika.

Napatingin nalang bigla si emily sa kapatid niya. "Eh sino nag ayos nun?!" Litong tanong ni Emily.

"E-ewan ko?" Naka kunot noong sabi Erika sa kapatid niya.

Eri At Emi (Available On Ficfun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon