Chapter 2

22.9K 527 35
                                    

Pawis na pawis si George sa pag bubuhat nang kanilang mga gamit.

"Handa na ba ang lahat? Wala na ba tayong nakalimutan na gamit?" Tanong ni George habang buhat buhat nito ang malaking salamin para isakay sa truck.

"Erika, Emily? kayo ba, okay naba lahat nang gamit nyo?" tanong ni teressa sa mga anak niya. busy ang lahat sa pag bubuhat nang mga gamit nila. tulong tulong ang buong pamilya nila George.

"Yes ma! nasa truck na nga po lahat eh." Sagot ni Erika habang bitbit naman nila ni Emily ang maliit na mesa.

"Ate Erika, sa wakas mag kaka solo narin tayo nang kwarto. Pero mamimiss kitang makatabi sa pag tulog." Malambing na sabi ni emily sa ate niya. Nag katinginan at nag kangitian ang dalawang magkapatid. Hindi maikakailang sweet silang magkapatid.

"Eh, di kung gusto mo, minsan saakin ka tumabi." Nakangising sagot ni Erika sa kapatid niya.

"Talaga ate?" Masayang sabi ni emily.

"Oo naman."

"Oh sige na, sumakay na kayong lahat sa sasakyan at aalis na tayo." Sigaw ni george.

Umarkila si George nang malaking truck para gamitin sa pag hahakot nang gamit nila.

Habang nakasakay ang lahat sa sasakyan. Dumungaw ang mag kapatid na Erika at Emily sa may bintana para tanawin ang bahay na iiwanan nila.

"Mamimiss ko yang bahay natin." Sambit ni Erika. Medyo nalukot ang mukha nito na tila ba nalulungkot sa pag alis sa nakalakihan nilang bahay.

"Oo nga. Ang dami nating memories diyan." Sambit naman ni Emily.

******

Umabot nang dalawang oras ang biyahe nila bago sila makarating sa bago nilang tirahan.

Nakatulog ang dalawang mag kapatid sa haba nang kanilang nilakbay.

"Mga anak, Gising na! andito na tayo sa bago nating bahay." Sambit ni teressa sa mga anak niya, habang niyuyuyog pa nito ang dalawa, para ito ay magising.

Maya-maya pa ay nagising din ang dalawang anak. Papungay pungay pa si Erika habang si Emily naman ay nahihikab pa.

Nang matuluyan nang magising ang dalawa ay agad agad itong nag si babaan sa sasakyan.

"Wow! Ang laki at ang ganda nang bago nating bahay!" Masayang sambit ni Erika.

Napatingin naman si Emily sa may bintana sa may itaas.
Nakita niyang biglang may dumungaw na dalawang babae na mahaba ang buhok. Napatakip nang mukha si Emily.

Napansin naman ni Erika ang kanyang kapatid kaya tinanong niya ito. "B-bakit Emily?"

"Okay ka lang anak?" Tanong naman din ni teressa. Nakita niya rin kasing nakatakip nang mukha itong anak niya.

"M-may nakita po akong dumungaw na dalawang babae na mahaba ang buhok doon!" Nanginginig na tinuro ni Emily ang bintana kung saan dumungaw ang dalawang babae. Nakatakip parin ang mukha ni Emily habang nakaturo sa bintana. Napakunot noo nalang si Erika at Teressa sa sinabi ni Emily.

"Anak, baka naman inaatok kapa. Huwag mo ngang takutin ang sarili mo." Sambit ni teressa at tumuloy na ito sa loob nang bahay.

"Halika ka na nga sa loob Emily. Guni-guni mo lang siguro yun." Inakbayan siya ni Erika at saka sila tumuloy sa loob nang bahay.

Isa isa nang binuhat papasok ni George ang mga gamit nila. Inuna niya ang mga gamit pang kusina para makapag luto na si teressa nang pang tanghalian nila.

Eri At Emi (Available On Ficfun)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon