Hindi ko na makita kung saan sya pumunta. Nararamdaman ko lang ang hangin sa 

Lucifer..

"Hindi ka mawawala. Hindi pwede Aura. Hindi ka pwedeng mawala sa akin. Hindi ka pwedeng umalis."

Nanlalamig na ang buong katawan ko. Nararamdaman ko na ang unti-unting paghina ng pakiramdam ko. Hindi ko na magawa pang ibukas ang bibig ko para tawagin ang pangalan nya.

Hindi ko alam kung nakasara na ba ang mga mata ko o hindi. Wala na akong makita. Napakadilim na.

"HECATE!!"

Hecate.. Bakit.. Bakit sya lumapit sa Dyosa ng Mahika?

"HECATE!! Alam kong nandyan ka!! Magpakita ka!!"

"Ano ang kailangan mo Anghel?" isang malamig na boses ng babae ang sumagot.

"Tulungan mo ako! Tulungan mo si Aura!"

"Wala na akong magagawa pa para sa kanya"

"May kakayahan ka! Alam ko na kaya mo syang tulungan."

"Espada ni Satanas ang pumasok sa dibdib nya. Alam mo ba kung saan gawa ang espada na 'yon? Isang libong kaluluwa! Sa oras na matamaan ka ng espada nya, hihigupin nito ang kaluluwa mo. Ito ang nagpapalakas sa espada nya. Unti-unti nang kinukuha ng espada ang buhay ng anghel na yan. Mawawala na sya. Tanggapin mo na."

Tama sya. Nararamdaman ko na ang pagkawala ko. Tanggap ko na. Pero si Lucifer..

"Tumigil ka! Hwag mong sabihin 'yan! Gumawa ka ng paraan! Handa kong ibigay ang kahit na ano! Gumawa ka lang ng paraan para mabuhay sya.. Kahit ano Hecate."

Lucifer..

"Kahit ang iyong mga pakpak?"

Hindi.. Hwag ang mga pakpak nya. Lucifer. Pabayaan mo nalang ako.

"Ibibigay ko sa'yo kahit na ano. Kahit ang buhay ko pa Hecate," matigas na sabi ni Lucifer.

Unti-unting nadudurog ang puso ko.

"Sige Anghel," pagpayag ni Hecate "Bunutin mo ang mga pakpak mo at ibibigay ko sa anghel na yan ang isang buhay na walang hanggan.."

"Pagagalingin mo ba sya?"

"Hindi ko na magagawa pa 'yon. Kailangan nyang mamatay. Muli syang mabubuhay makalipas ang dalawang libong taon. Mabubuhay sya sa mundo ng mga mortal."

"Dalawang libong taon?!"

"Kailangan ko ang espada ni Satanas. Dalawang libong tao ang kailangan ko para muling kunin ang kaluluwa nya sa loob nito."

Lucifer... Hwag mong gagawin. Kung hahawakan mo ang espada nya.. Hindi ka na maaari pang bumalik sa langit.

"Sana lang ay alam mo kung ano ang mangyayari sa oras na hawakan mo ang espada nya. Kung tama ang hula ko na patay na sya, kailangan ng bagong hari ng impyerno."

"Nang talikuran ng langit si Aura, tinalikuran ko na rin sila."

Hindi Lucifer. Hwag mong gawin..

"Maghihintay ako.." matatag na sabi nya, bakas ang lungkot sa boses nya "Hihintayin kita Aura. Muli tayong magkakasama mahal ko."

Iyon ang mga huling salita na narinig ko bago ako nawala nang tuluyan. Magkikita kaming muli pagkalipas ng dalawang libong taon.

Itatama ko ang pagkakamali nya.

Kahit na ano pa ang mangyari, itatama ko ito.

***~(*0*)~***

ITO ay flashback kung hindi pa halata. LOL.

Si Hecate ay Goddess of Magic and Witchcraft. Kaugnay din sa kanya ang mga kaluluwa at necromancy etc. Sa greek mythology sya. Trololo. Yung AMA na tinatawag nila ay ang Dyos kung hindi pa halata (ulit).

XOXO

Alesana Marie

Reincarnation of LuciferWhere stories live. Discover now