Sama ng loob dagdagan pa ang pag sama ng pakiramdam habang naglalakad ang dalaga ay unti-unting bumigay ang kanyang katawan sa kalsadang kanyang nilalakaran. Mabuti nalamang at may mga taong buting loob na nagdala sa dalaga sa ospital.
Humahangus na dumating ang kaibigang si Marissa at ang yaya ni Shiela sa hospital kung saan dinala ang dalaga nasa mukha ang pag aalala ng mga ito ng sabihin sa kanila kong saang room si Shiela ay agad nilang pinuntahan ang nasabing room nakatayong doctor ang kanilang naabutang nag aasikaso sa dalaga.
Doctor..
Awtomatikong napabaling sa dalawa ang nakatayong Doktor.
Kayo ba ang kamag anak ng pasyente?
Yes po.
Kumusta na po ang kaibigan ko ang nag aalalang tanong ni Maressa.
Ok naman siya normal lamang sa isang buntis ang mangyari ang minsang pagkawala ng malay.
Ano ho......????
Ang magkapanabay na tanong ng yaya at ni Maressa.
Normal lamang sa isang buntis ang ganitong pangyayari tinurokan ko na siya ng gamot na makakatulong sa kanilang mag ina .
May inabot din ang doctor na resita ng mga gamot na kaylangang inumin ni shiela at saka lumabas .Gumalaw ang mga kamay ni shiela na tanda na siya ay gising na.
Agad tumayo ang kanyang Yaya at kaibigan saka lumapit sa kanya.Yaya...
Marissa...
Nasaan ako anong ng yari? Ang tanong ng dalaga sa dalawa.
Niyakap siya ng kanyang yaya na umiiyak.Shiela anak nawalan ka ng malay sa daan kong kayat may mga nag malasakit na sinugod ka rito sa hospital ang sagot ng kanyang yaya na nagingilid ang mga luha.
Hey....Yaya bakit ka umiiyak naka ngiti niyang pag aalo sa kanyang yaya.
Anong sabi ng doctor yaya bakit ako nawalan ng malay anong sakit ko?
Sa tanong naiyon ay nagkatinginan si Marissa at ang Yaya ni Shiela.
Napalipat lipat ang kanyang tingin sa kanyang kaibigan at sa kanyang yaya na nakatikom ang bibig waring naguusap ang mga mata ng dalawa.
Shiela buntis ka... Ang kanyang kaibigan ang sumagot sa kanyang mga tanongan.
Ano!!!! Ang nabiglang bigkas ni shiela. para itong bombang sumabog sa kanyang pandinig saka siya lumuha.
Paano na kong makikipag hiwalay na ang kanyang asawa sa kanya.
Dahil nais na nitong mag pakasal sa Girlfriend nito.
Paano niya ipapaliwanag sa kanyang anak ang lahat na bunga lamang ito ng pagkukunwari nila bilang mag asawa napasigok si Sheila habang tumutulo ang luha.Lumapit si Marissa kay Shiela mahigpit nitong niyakap ang kaibigan Shiela akala ko ba kunwari lamang ang lahat bakit ng yari ito ang tanong ng kanyang kaibigan na halata ang lungkot sa mukha.
Hindi si Shiela makatitig sa kanyang kaibigan dahil para sa kanya umasa siya at nadala ng kanyang damdamin na sana ay totoo na lamang ang lahat na sana totoong asawa ang tingin ni Charles sa kanya na mahal din siya ng kanyang asawa ngunit gumuho ang lahat ng pag asam niya sa nasaksihan sa labas ng Condo nito. Muli ay tumulo ang luha sa mga mata ni shiela.
Anak tahan na makakasama ito sa kalagayan mo.
Yaya, Im sorry hindi ko akalaing ganito ang mangyayari sa pagkukunwari namin ni Charles.
Anak kaylangan malaman ito ni Charles mabait na bata si Charles hindi ka niya pababayaan napaka Responsabling bata si charles at hindi ka niya hahayaan sa ganitong kalagayan saka kasal na kayo hindi ba bakit hindi na lamang ninyo totohanin ang lahat ng pagkukunwari niyong dalawa para sa bata Shiela anak.
Umiling si shiela.
Yaya hindi.....
Umiling ng paulit ulit si shiela hindi niya pweding malaman ang aking kalagayan yaya hindi ko hahayaang matali siya sa akin na wala siyang pag ibig ng dahil lamang sa aming anak ay mapipilitan siyang makisama. Nasa tono ng dalaga pait at sakit sa kanyang kalooban.
Pero anak lalaki at lalaki ang tiyan mo makikita at makikita ni Charles ang paglaki hindi mo maitatago sa kanya ang katotohanan.
Yaya pls.
Ayaw ko ng umasa, hayaan na natin si Charles masaya na siya ngayon .
Anak gusto ko lamang makatulong sayo ayaw kong nakikita kita ng ganyan maraming kalungkotan na rin ang nagdaan sayo panahon na rin naman para maging masaya ka kayo ng magiging anak mo.
Hindi ako magiging masaya yaya kong ang kasiyahan nman ni Charles at relasyon nila ng girlfriend niya ang sisirain ko.Pero shiela anak wala kang sisirain na relasyon mag asawa kayo ni Charles. Wag mong solohin ang problema anak.
Yaya buo na po ang disisyon ko hahayaan ko na lamang si Charles na pawalan ng bisa ang aming kasal, palalakihin ko ng masaya at puno ng pagmamahal ang anak ko.
Nasa departmet Store si Shiela namimili siya nga mga damit para sa kanyang anak hindi pa man ay excited na siya sa kanyang anak ng may bilang humawak sa kanyang braso agad niyang nilingon ang may ari ng mga kamay .
Marvin...
Hi .. Akala ko ay namamalik mata lamang ako.totoo pala na ikaw nga.
Nakatingin ito sa hawak niyang damit ng sangol.Para kanino yang pinapamili mo mukha yatang ang dami niyan naka ngiti wika ni Marvin.
Para sa anak ko. Ang sagot ni Shiela sa tanong ni Marvin.
Wow.. You mean tinutuhanan ninyong dalawa ng kasal kasalan ninyo ang tanong ni Marvin kay Shiela.
Umiling si shiela. Naikina ngunot ng noo ni Marvin.
I don't understand panung ng yari magkakaanak kana pero sabi mo hindi ninyo tinutuhan.
Ikinuwento ni shiela ang lahat kay Marvin para lubusan nitong maunawaan kung bakit.Napailing na lamang si Marvin ng marinig ang buong pangyayari.
You need my help. Ang biglang lumabas sa bibig ni marvin.
Napatingin dito si Shiela.
Tell me kung may maitutulong ako sayo Shiela handa kong tulungan ka ang seryosong sabi ni Marvin sa dalaga.
Thank you Marvin kong sakaling kakailanganin ko ng tulong mo ay tatawagan kita.hinawakan ni Marvin ang kamay ni Shiela.Sa kabilang dako ay na gagalit nabagang at nakakuyom na mga kamay ang nakatingin sa kinaroruonan nila Shiela At Marvin.
Agad lumayo sa lugar na iyon si Charles hindi na niya nagawang lumapit sa asawa para magkaroon sila ng malinaw na pag uusap maging ang kanyang sulat na pagtatapat ng tunay na nararamdaman ay hindi nito binigyan ng halaga mabilis niyang pinalayo ang kanyang sasakyan hindi alintana ang ibang sasakyan .
YOU ARE READING
My Billionaire's Bodyguard
RomanceSi Sheila ay anak ng mag asawang si Hendry Moreno at Isabella Moreno Maganda ang kanyang maamong mukha na binagayan ng Matang malalamtik at makinis na kutis. Kinaailangang mag hire ng bodyguard ang mag asawa para sa kaligtasan ng kanilang...
Chapter 16 Care
Start from the beginning