"Accept me again." Hindi niya na ako pinagpatuloy.

"'Yong mama mo-"

"I don't care about her. You'll see. You'll see. I left them all. All for you."

"Rage si Ezra-" Hinga ko na agad niyang pinutol.

"I won't let her touch you again. Sunny, hindi mo alam kung anong ginawa ko sa Maynila nong nalaman kong umalis ka... ulit. Halos mamatay ako nong una kang umalis, ano sa tingin mo ang nangyari sakin nong nalaman kong umalis ang buntis kong asawa. Sunny, I am the father of that child and you are mine. You get that?" Kumunot ang noo niya.

Nag iwas ako ng tingin. Hinanap ko lahat ng hinanakit kong sumama na yata sa alon pabalik sa karagatan. Pinipiga ang puso ko sa hindi ko malamang emosyon.

Hinawakan niya ang daliri ko kung saan niya nilagay ang singsing noon. Wala na iyon doon. Nilagay ko iyon sa tukador sa kwarto ko sa itaas. Hinawakan niya ang baba ko at hinarap niya ang mukha ko sa kanya. Seryoso at malalim ang kanyang titig sa akin.

"Where is it?" Tanong niyang hindi ko nasagot.

Nag iwas ulit ako ng tingin.

"Damn. Ang daling talikuran para sa'yo, ano? Ang dali." Mariin niyang sinabi.

Tumulo ang luha ko at mabilis ko iyong pinunasan. Pinanood niya lang ako, nakaigting ang kanyang panga.

"Sinabi sa akin ni Ezra na binigay niya 'yong pera sayo. That you only want the money. You fooled me for it. Pero hindi ako sumuko. If I need to search the depths of hell just to find you, Sunny, I will. Even if it means you'll push me away again."

Tinakpan ko ng aking mga palad ang aking mga matang todo iyak. Hinawakan niya ang aking kamay at pinigilan niya ako sa pagpupunas na para bang gusto niyang makita ang pag iyak ko.

"Now, tell me. Will you accept me again?" Aniya sa isang matigas na boses.

Umiling ako kahit na nanghihina na ang mga pader na inayos ko para lang matigil na ang kahibangang ito.

"You will accept me again." Bulong niya.

Hindi na ako makailing. Humikbi na lang ako hanggang sa naramdaman ko na ang mainit niyang katawan sa aking dibdib at mas lalo siyang lumapit sa akin.

"I am your husband and you'll accept me again. Stop running, it's useless. I will find you always, Sunny. You can never escape me. Kung mahal mo ako, sumuko ka na. We will forget about my parents. We will forget about the past. Nobody can ever touch you again. Ako lang." Aniya at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking tiyan. "Say it, Sunny. Accept me." Bulong niya.

"Rage, natatakot ako sa mama mo. Hindi niya ako matatanggap kahit kailan-"

"It's her problem. Either she'll accept you and our baby or she's out of our life. Hindi ako ang papipiliin mo, Sunny. Dahil sigurado na na ikaw ang pipiliin ko. Siya ang papipiliin natin. At alinman ang piliin niya ay mananatili tayong dalawa. Tayong dalawa."

KInagat ko ang labi ko. Napatingin siya sa labi ko at bumilis pa lalo ang hininga niya.

"Say it. Bago pa ako mawalan ng pakealam kung payag ka ba o hindi, Sunny. Sabihin mo na."

Huminga ako ng malalim at dahan dahang tumango. Oo, alam kong nakakasama siya sa akin. Marami kaming problema pag magkasama kami pero siya parin ang makakapag papasaya sa akin. Kahit anong gawin ko ay siya parin talaga. Kahit na sabihin kong ayokong masaktan at ayokong matakot ay siya parin talaga ang dulo. Siguro ay ganon talaga. Sa buhay, may mga bagay na dapat mong isugal. Iyong mga takot mo ay dapat isantabi. You need to do extraordinary things if you want that extraordinary happiness.

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin