Nakamove narin si Emily sa nakita niya kanina. Inisip niyang guni-guni niya nga lang iyun. Todo sa pag de-decorate ang mag kapatid sa kani-kanilang bagong kwarto.

Habang nagkakabit si Erika nang mga picture frame sa ding-ding ay bigla bigla nalang siyang nakaramdam nang panlalamig, kahit tirik na tirik ang araw at walang kahangin hangin sa kwarto niya. Napatingin ito sa kanyang paligid.

Hindi narin niya pinansin iyun at tinuloy nalang niya ang pag kakabit sa ding-ding nang frame.

Maya-maya ay Bigla biglang  nalaglag ang basong may lamang tubig sa may table ni Erika.

"Ay palaka!" Nagulat ito at apatingin si Erika sa nabasag na baso sa may lapag niya.

"ANAK! OKAY KALANG DIYAN?!" Sigaw ni teressa sa may baba. Nadinig din siguro niya yung nabasag na baso.

"YES PO MA!" Sagot ni Erika nang pasigaw din.

"Paano ito nalalag gayung pinaka gitna gitna ko pa itong nilagay sa table kanina? Hindi naman lumindol o umuga yung lamesa, kayat panong nalaglag ito?" litong lito si Erika sa pangyayari sa basong nabasag.

Winalis nalang niya yung mga bubog para hindi siya masugatan. Matapos ay Papalabas na sana si Erika sa kwarto niya para itapon yung nabasag na baso. Pero, napatigil nalang siya sa pag lalakad nang mapadungaw ito sa katapat na kwarto niya. kwarto yun nang kapatid niyang si Emily. Nakita ni Erika ang isang babaeng nakatanaw sa ginagawa nang kapatid niyang si Emily. Duguan yun babae at nakasaya ito na puti. kinuskos ni Erika ang kanyang mga mata. Pag dilat niya ay wala na ang babae.

Napailing nalang si Erika. " Siguro nagugutom na ako
, kaya kung ano ano nalang ang nakikita ko." Sambit ni Erika sa sarili niya.

Pag baba ni erika, agad agad niyang tinapon sa basurahan yung nabasag na baso.

"Ano bang nangyari at may nadinig akong nabasag na kung ano?" sambit ni george sa anak niyang si Erika.

"ah, wala po. baso lang po yun. bigla pong nalaglag eh." sagot niya.

"Erika anak, tawagin mo na nga ang kapatid mo sa taas. kumain na muna tayo bago natin ituloy ang  mga gawain natin." Utos ni teressa sa anak niyang si Erika.

Tuloy akyat naman si Erika patungo sa kwarto nang kapatid niya. Doon nakita niyang maayos na maayos na ang mga kagamitan nang kapatid niya. laking gulat lang ni Erika na sobrang ganda at malinis na malinis ang pag kakaayos ni Emily sa mga gamit niya. Noon kasi ay burara itong kapatid niyang si emily. Hindi ito sanay mag aayos nang mga gamit nila. Pahalang halang lang ang mga gamit nun at nakakalat kaya naman si Erika nalang ang tanging nag aayos nun palagi. kaya naman laking gulat niya ngayon nang makita niyang maayos ang bagong kwarto ni Emily.

"WOW! kelan ka pa natutong mag ayos nang kwarto? ang galing mo naman Emily, ang ganda ganda nang pag kakaayos mo, oh." masayang sambit ni Erika pag pasok niya sa loob nang kwarto nang kapatid niya.

Hindi sumasagot si Emily. nakatalikod siya na nakaupo sa may kama niya. Nakaharap si Emily sa may bintana nang kwarto niya.

"Tulungan mo ako!" Nagulat si Erika nang mag iba ang boses nang kapatid niyang si Emily.

"Anong tutulungan? Eh, tapos ka nanga at ang ganda ganda pa nang pag kakaayos mo. Saka bakit tila iba ang boses mo?" Sagot nito sa kapatid niya.

"Limang lalaki." Sambit ulit ni Emily. Napakunot noo si Erika sa sinabi nang kapatid niya.

"Anong limang lalaki?" Litong tanong ni Erika. Hindi parin humaharap si Emily sa kanya. Senting senting ito sa pag kaka upo sa kama.

"Limang lalaki, ang bumaboy saakin!" Unting unting tumataas ang boses nang kapatid niya kaya naman nagtataka na si Erika. Isa pa, kung ano- ano narin ang mga sinasabi nito.

"Ano bang pinag sasasabi mo diyan?"  Lumakad si Erika paharap sa kapatid niya. Nakita niyang nakaharang ang buong buhok nito sa buong mukha niya. Hinawi ni Erika ang buong buhok nang kapatid niya sa harap. At doon laking gulat niya nang makita niyang ibang mukha ang lumantad sa mukha nang kapatid niya. Puro dugo ang mukha nito at inuuod pa ang ilong.

"AHHHHHHHHHHHHH!!!!" Napasigaw at napaatras si Erika at napupo sa sahig.

Tumayo yung babaeng duguan ang mukha at saka sinakal si Erika. 


ITUTULOY........................

-

---------------------

A/N: Guys please comment naman kayo kung ano masasabi nyo. okay lang ba? pwede ko na nga bang ituloy ang pag susulat nang horror story? pls sana mag comment kayo :) ANYWAY. TANDAAN NA TUWING GABI AKO MAG POPOST NANG CHAPTER PARA MASAYANG BASAHIN. HAHA. yun lang po salamat :))))

at saka sorry kung maikli hehe :*

--leeya <3

Eri At Emi (Available On Ficfun)Where stories live. Discover now